Chapter 30: The Choice

3.2K 91 5
                                    

Tinupad nga ni Breeze ang pangako nitong magdadate kami kinabukasan. Akala ko hindi na naman ako nito sisiputin eh. Ngunit nagkamali ako sa akalang iyon dahil maaga pa lamang ay pumunta na ito kina Bianca upang sunduin ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi na naman kiligin. Hayyy.

Noong una ay naka suot ako ng fitted blue dress na hanggang siko ang manggas at kalahati ng hita ko ang haba. Ngunit nang makita ni Breeze iyon ay kaagad na pinagbihis ako ulit nito. At sinabi pang hindi bagay ang ganoong kasuotan sa pupuntahan naming dalawa.

"Dapat komportable ang suotin mo. Hindi iyong tipong pagpipyestahan na naman ang katawan mo ng mga matang kulang sa aruga." Sabi pa nito sa akin.

Kaya naman, napasimangot na lamang ako at padabog na walang nagawa at bumalik sa guest room  para makapagpalit muli.

Saan ba talaga kami pupunta? At kung makapag react naman yung jowa kong iyon eh napaka possessive naman ata masyado. Iiling iling na tanong ko sa sarili.

"Good. Much better." Nakangiting bungad nito sa akin ng muling bumalik ako sa kanya habang nakaupo ito sa sala. Naka suot na kasi ako ngayon ng black t-shirt, blue fitted jeans at black and white sneakers naman para sa paa ko.

Napairap ako ng disoras ngunit may sumisilay naman na ngiti sa aking mga labi. Pinag masdan ko ito mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang kasuotan din. Nag match pala ang kulay ng mga suot namin ngayon. Maniwala kayo, hindi ko sinasadya iyon.

Naka suot ito ng cap na kulay itim, hindi ko alam kung para saan iyon pero sa tingin ko protekta para sa mga taong makakakilala sa kanya sa labas. Alam niyo na, may pagka famous ang girlfriend ko. Hehe.

Kung ako ay naka black t-shirt siya naman ay naka color white na may roong tatak na rainbow sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Naka black fitted jeans din ito na high waist at black and white sneakers ding katulad ko. Hinayaan lamang nitong nakalugay ang kanyang may medyo kahabaan na buhok. Napaka simple tignan ng kanyang kasuotan para sa kanya, ngunit hindi iyon nakabawas sa akin nitong kagandahan.

Nagpaalam na muna kami kay Bianca bago umalis, habang abala naman ito sa pagbabake ng cookies. Dahil mayroon daw silang pupuntahan ni Kevin. Saan? Hindi ko rin alam. Pagkatapos ay magkahawak ang mga kamay na lumabas kami mula sa loob ng bahay at tinungo ang sasakyan ni Breeze.

"I'm sure na mag eenjoy ka sa pupuntahan natin love." Masayang wika nito habang sinisimulan na naming baybayin ang daan.

Love.

Napangiti ako ng marinig ang word na iyon. Namiss ko rin iyon mula kay Breeze.

"Talaga?" Amused na tanong ko rito kahit na hindi ko pa naman alam kung saan ba talaga kami pupunta. Napatango ito.

"Yup! At isa pa, gusto kong maranasan ang normal na buhay kasama ka." Sabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko rito.

Nagpalipat lipat ang mga mata nito sa akin at sa kalsada. "Iyong ginagawa ng mga normal couples, like date sa gugusstuhin nilang lugar. Yung hindi man kamahalan pero alam mong masaya kayo pareho, yung malayang magddate kasama ng iba. Yung hindi lang puro fancy dates ang gifts ang umiikot sa buhay ninyo pareho. So today, I wanna feel and experience that normal life with you." Paliwanag nito sa akin at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

Napakagat labi ako at napayuko upang itago ang pamumula ng mga pisnge ko. Walang duda, si Breeze na nga itong kasama ko ngayon. At mas lalong, hindi ako nananaginip lamang. Totoo ito!

"Well, I would love 'to. Kahit saan pa tayo mag date love, basta alam kong kasama kita masaya ako." Sabi ko naman rito habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan namin at hindi sa kanya.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon