Chapter 10: Something about Her

4.9K 150 12
                                    

Araw ng huwebes na ngayon, apat na araw na ang nakakalipas simula iyong araw na pinuntahan ako ni Breeze sa apartment ko para alagaan. Apat na araw na ang nakalipas simula ng huling beses ko itong nakita at nakasama. Pagkatapos ng araw na iyon ay wala na itong muling paramdam. Hindi ko na ito muling nakita pa.

Nawawala ito kung kailan niya gustuhin at bigla namang magpapakita sa akin kung kailan din niya gugustuhin. Hindi ko alam kung ano ba talaga mismo ang pakay nito sa akin. Kung pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman ko? O baka ako lang talaga mismo ang nag-iisip na baka pweding maging kami ng babaeng hinahangaan ko. Siguro nga, sa aming dalawa ay ako lamang ang assuming, na baka dahil masyado ko lamang pinag-iisipan ng iba ang pinapakita nitong kabutihang loob para sa akin.

Ilang araw na naman siyang hindi maalis at mawala sa isipan ko. Ilang araw na namang naglalakbay ang isipan ko, kung nasaan kaya siya ngayon? Kung kumusta na siya? O kung ayos lang ba ang kalagayan niya? Hindi ko na naman mapigilan ang hindi mapaisip at ang mag-alala.

Mabuti na lamang ay mayroon akong mga kaibigan na palaging nandiyan para sa akin, lalo na si Bianca. Kahit na minsan pa ay mas pinipili nitong ibigay ako kay Kevin. And speaking of Kevin, hindi ko parin ito nakaka-usap tungkol sa kung ano ba ang pinag-usapan nila ni Breeze sa apartment ko noong pumunta ito doon. Siguro may tamang panahon para mapag-usapan naming dalawa ang tungkol sa bagay na iyon.

"Bes, saan ba talaga tayo pupunta?" Walang ideyang tanong ko kay Bianca. Bigla nalang kasi ako nitong kinaladkad palabas ng apartment ko, kauuwi ko lang iyon galing ng trabaho ng sinundo niya ako sa bahay.

"Basta bes." Tipid na sagot nito. Napa irap ako sa kanya. "Kanina pa yang basta mo eh. Hanggang ngayon nagbibiyahe parin tayo." Pagmamaktol ko.

"Malapit na tayo, wag kana mainip diyan." Malumay na sabi nito sa akin. Himala at hindi siya nagtatatalak ngayon? "Oh nandito na tayooo!" Excited na sabi nito habang naghahanap ng mapagpapaking-an ng kanyang sasakyan.

Pagkatapos na makapag park ito ng sasakyan ay bumaba na kami pareho. Hawak hawak nito ang kanang kamay ko habang naglalakad kami. Muli ay napairap ako ng mapansin kung saang deriksyon kami papunta. "Hindi mo naman sinabi na sa isang bar lang pala tayo pupunta." Panimula ko. "Bes alam mo namang hindi ako nagpupunta sa ganitong lugar hindi ba? Alam mo naman yun." Medyo naiinis na dagdag ko pa.

Humarap ito sa akin na para bang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko. "Bes, bago ka magalit dyan pwede ba pumasok muna tayo? Kasi may naghihintay sa atin sa loob. Biliiiiisss!" Hindi na ako nakapagsalita pang muli ng kinaladkad na ako nito papasok ng bar.

Pagdating namin sa loob ay kaagad na sinalubong kami ng maingay na paligid na nagmumula sa sounds system, malakas na amoy ng sigarilyo at alak na nagkalat sa buong paligid, mga taong nagsisiksikan at nagtatawanan. Dismayado at masama ang loob ko na sumunod na lamang kay Bianca habang papunta ito sa kung saan. Ayoko talaga sa ganitong lugar, bukod sa madaming tao ay hindi ko gusto ang nakakasukang amoy ng paligid.

"Hi bunsooo!" Sabay sabay na sigaw na narinig ko sa may isang pabilog na grupo kung saan kami papunta ni Bianca. Doon ko lang napansin sina Kuya Jomar, Ate Erica, Kevin at Reynard, gulat na napakaway ako sa kanila habang papalapit kami.

"Sabi ko na sa iyo may naghihintay sa atin eh." Sabi nito sa akin saka lumapit kay Ate Erica upang makipagbeso ng makarating kami sa tapat nila.

"Ang akala namin hindi na kayo makakarating eh, napadami na tuloy kami ng iniinom." Masigla at medyo tipsy nsa wika ni Reynard. Doon ko lang napansin ang medyo namumungay ng mata nilang lahat, lalo na si Kevin.

"Ewwww guys! Tama na yang pag-iinom niyo! Bigyan ninyo nalang kaya ako ng matuwa naman ako." Parang uhaw na uhaw sa alak na sabi ni Bianca. Lumapit ito sa kay Kevin at binigyan ng sariling baso na mayroon ng laman na alak bago ito nilagok lahat. Napapaismid na lamang ako habang tumitingin sa aking mga kaibigan, kawawa naman ang mga atay nila. Lumapit na rin ako sa kanilang lahat at naupo narin. Nasa pagitan ako ni Ate Erica at Bianca, habang katabi naman ni Bianca si kevin, sa kanan ni Kevin si Reynard, Kuya Jomar at si Ate Erica. Pabilog ang upuan na kinauupuan namin, medyo malapit din kami sa dance floor kung saan napakaraming kabataan ang nagsasayawan.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon