Chapter 14: Her Mystery

3.5K 120 4
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Kinusot ko ng ilang beses ang aking mga mata bago ito iminulat atsaka nag inat.

Napabalikwas ako nang mapansin na wala ako sa kwarto ko. At doon ko lamang naalala kung nasaan ako dahil naalala ko ang mga nangyari kahapon at kagabi. Napalingon ako sa aking tabi. Wala na si Breeze sa kabilang dulo ng kama kung saan ito natulog at nahiga kagabi. Yes! Natulog kami sa iisang kama, ngunit hindi iyon katulad sa iniisip ninyo. Walang nangyari sa amin. Natulog lang kami.

Sa sofa na sana ito matutulog kagabi ngunit dahil sa kakulitan ko ay napilitan na lamang ito na tumabi sa akin dahil sa natatakot ako matulog ng mag-isa sa kama. Mahirap na 'no? Nasa gitna kaya kami ng gubat.

Ilang sandali lamang din ay bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Baka nasa baba na si Breeze. Nakakahiya naman kung pati agahan siya pa ang mag-aasikaso para sa amin. Lalabas na muna siguro ako para na rin matulungan ito. Tama!

Palabas na sana ako ng kwarto ng mapansin na mayroong nakapatong na sulat sa may maliit na lamesa sa may gilid ng kama. Kaagad na nagtungo ako roon, kinuha ang sulat at binasa.

"Good morning Cath. I'm sorry. There's an emergency. I'll make it up to you, I promise!" - Breeze

Para akong nanghina dahil sa nabasa kong sulat mula kay Breeze. Ibig sabihin lamang noon ay iniwan na niya ako.

Iniwan talaga niya ako? Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili. Ilang sandali mula ng mabasa ko ang sulat ay bumaba na ako. Magtataxi na lang siguro ako pauwi. Hindi ko pa naman alam kung nasaang lugar ako ngayon. Hayy. Naiiling ako habang iniisip ang mga bagay na iyon. Medyo kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa nagugutom na ako.

Habang papalabas na ako ng bahay ay nagulat ako nang may biglang bumusina mula sa labas. Tanaw ko mula sa entrance ng bahay ang kulay puting kotse na nakaparada doon. Hindi iyon kotse ni Breeze, hindi rin ito pamilyar sa akin ngunit mahahalata mong mamahalin ang sasakyan.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti at maya maya lamang din ay lumabas dito ang may medyo katandaan na, na lalaki. Naka formal attire ito na animo'y may pupuntahang okasyon. Nakangiti itong lumapit sa akin.

"Magandang umaga ho ma'am." Bati nito sa akin. Gumanti ako ng ngiti rito. "M-magandang umaga rin ho manong!" Ganting bati ko mula rito.

"Ako si Mang Damian. Family driver nila Ma'am Breeze. Pinapunta niya ako rito para sunduin at ihatid kayo pauwi." Paliwanag nito sa akin. Napatango lamang ako ng ilang beses at may alanganing napangiti rito.

"Naku! Nag-abala pa kayo Mang Damian. Ayos lang ho. Kaya ko naman bumiyahe at umuwi mag-isa eh."Pagtanggi ko sa alok nito. Napakamot ito sa batok dahil sa nasabi ko.

"Eh ma'am, ako ho kasi ang malalagot kapag hindi ko sinunod ang utos ni ma'am Breeze. Nandito na rin naman ho ako eh." Kaagad na tugon nito at mukhang takot na takot ito kay Breeze. Kaya walang nagawa na sinunod ko na lamang din ito. Ayoko naman na malawan ito ng trabaho dahil sa akin.

Habang tinatahak namin ang daan pabalik ng maynila ay panay ang paghinge nito ng paumanhin sa akin para kay Breeze. May emergency lamang daw kasi na kailangang asikasuhin ito kaya maaga itong umalis pabalik ng maynila. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi nalang niya ako ginising para sana sabay na kaming bumiyahe kanina. Isa pa, ano kaya iyong emergency na iyon at mukhang napaka importante at kailangang nandoon talaga siya. Hayyy. Kung ano man iyon, sana maayos na niya.

Sana okay lang din siya. Hindi ko kasi mapigilan na hindi mag-alala para kay Breeze eh.

Naputol ang malalim kong pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad na tinignan ko kung sino ang caller nito at nakaramdam ng konting kaba ng makita ang pangalan ni Tiya Nancy ko. Ang kapatid ni Itay na pinagkakautangan namin ng malaki.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon