Chapter 23: If Only

3.3K 106 4
                                    

Nagising ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa ibaba ko.

"Aww.." Napapa ngiwi na sambit ko ng magtangka akong bumangon. Doon lamang bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Yes! Mga nangyari. Dahil pagkatapos kong kumain ng isang slice ng cake kagabi na dala pa pala ni Breeze para sa akin, ay nasundan pa ang ginawa namin na iyon ni Breeze. Yung alam niyo na, kung ano ang tinutukoy ko. Na hanggang panaginip ko yata ay ginagawa namin iyon.

Kaya ganoon na lamang ang hapdi na nararamdaman ko ngayon sa pagkababae ko. She made love to me all night. Hanggang sa ako na mismo ang nakiusap sa kanya na tumigil na kami.

Iginala ko ang paningin sa buong paligid ng kwarto. Ang gulo gulo ng kama kung saan namin itinuloy ang sinimulan namin kagabi sa sala. Kusang naramdaman ko ang pang iinit ng aking mukha lalo na ng marealize ko na, wala pa pala akong saplot kahit isa at natatakpan lamang ng kumot ang buo kong katawan.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa noon si Breeze habang may dala-dalang tray sa kanyang mga kamay na may nakalagay na isang basong juice, bacon at pancake. Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng gutom dahil sa amoy ng pagkain.

"Good morning love! Breakfast in bed!" Masiglang bati nito sa akin habang inilalapag ang tray sa ibabaw ng kama. Ang ganda ng mood nito at napaka lawak ng ngiti sa kanyang mga labi. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"G-goodmorning din." Utal na ganting bati ko rito. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagka ilang dahil sa hubad kong katawan na ang tanging nakabalot lamang sa akin ay kumot.

Habang siya naman ay nakasuot na ng big size t-shirt na hanggang tuhod nito ngunit alam kong walang panloob na kasuotan dahil bumabakat parin ang magkabilaang nipple nito. I wonder kung may suot ba itong underwear sa ibaba na siyang mas lalong nagpainit ng aking mukha.

Natawa ng bahagya si Breeze na hindi ko alam ay kanina pa pala ako pinagmamasdan. Napakamot ako sa batok ko at nahihiyang napatingin rito.

"Done checking me out?" Tanong nito sa akin habang may nakakalokong tingin sa kanyang mga mata. Natawa na lamang din ako sa aking sarili.

"Lika na, kain na tayo." Biglang pag-aya ko rito. Ngumiti ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Good." Wika naman nito. "Dahil pagkatapos ikaw na naman ang kakainin---

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil sinubuan ko ito ng pancake.

"Ang halay mo talaga kahit kailan!" Inis na sambit ko rito ngunit may sumusupil naman na ngiti. Walang nagawa na ngumuya na lamang din ito ngunit nandoon parin ang nakakaasar na mga ngiti sa kanyang mga labi.

--------

Pagkatapos naming mag agahan ay ako na ang nag kusang maghugas ng mga nagamit na pinggan. Nakakahiya naman kung pati iyon ay siya pa ang gagawa.

Habang naghuhugas ako ay naliligo naman si Breeze sa itaas. Ang sabi niya, pagkatapos ko raw ay ako ang susunod na maliligo dahil may pupuntahan daw kami at pagkatapos ay siya na rin mismo ang maghahatid sa akin pauwi.

Kaya naman, pagkatapos ko sa paghuhugas ay umakyat na akong muli sa kwarto nito. Tamang tama lamang din dahil kalalabas lamang din nito mula sa loob ng banyo.

Napalunok pa ako nang makita ko ang wet look nito. Nakatapis lamang ito ng tuwalya habang basang basa naman ang kanyang buhok.

Sandali pang sumagi sa aking isipan ang imahe ng kanyang katawan kagabi habang wala itong ka saplot saplot. Ipinilig ko ang aking ulo at itinuon na lamang sa ibang bagay ang aking isipan.

Nagiging mahalay na rin yata ang pag-iisip ko ng dahil kay Breeze.

Napatikhim ako ng muling napatingin sa kanya habang may mga mapanuksong ngiti na naman sa kanyang mga labi. Umakto pa ito na huhubarin ang towel na nakabalot sa kanyang katawan ng mabilis na pumasok na ako sa loob ng banyo.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon