Chapter 9: Getting Closer

5K 170 8
                                    

Kinabukasan, hirap akong bumangon dahil sa sakit ng katawan. Nilalamig ako na hindi ko maintindihan kaya naman dahan dahan akong bumangon at pinapay ang aircon sa loob ng aking kwarto. Mabigat rin ang aking ulo at pakiramdam ko rin ay umaalab ang buong katawan ko dahil sa taas ng lagnat. Isa pa, bahing ako ng bahing kaya naman nagkalat ang tissue napkin sa may ibaba ng kama ko. Jusko! Ano bang nangyayari sa akin?

Isang makapal na, na jacket at pajama ang isinuot ko ngunit hindi parin ito umepekto, giniginaw parin ako ng sobra. Kanina ko pa rin hinihintay si Bianca dahil hindi pa ito dumadating. Tumawag kasi ako sa kanya at ipinag bigay alam rito na hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sabi niya pupuntahan niya ako ngunit mag aalas otso na ng umaga ay wala parin ito. Muli kong idinial ang number nito ngunit hindi naman na niya sinasagot. Hays! Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom.

Hindi nagtagal ay may narinig na rin akong nag door bell. Napahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay makakakain na ako, dahil tiyak na may dala itong pagkain para sa akin. Muli, ay dahan dahan akong napabangon upang hindi mahilo at matumba sa sahig. Nahihilo at nilalamig na tinungo ko ang maindoor ng apartment ko bago ito binuksan. Ngunit laking gulat ko ng hindi si Bianca ang nasa harapan ko ngayon kung hindi si..

"Breeze.." Halos pabulong na sabi ko ng makita siya.

"Good morning!" Magiliw na wika nito sa akin kasabay ng pag-angat ng mga hawak nitong tinake-out na pagkain mula sa labas.

"G-good morning.." Ganting bati ko rito habang napapakunot ang aking noo dahil sa naguguluhan parin ako kung bakit siya naparito. Magsasalita pa sana akong muli upang itanong sa kanya kung bakit siya nandito ng sinagot na niya iyon.

"Alam ko kasing magkakasakit ka dahil sa naulanan ka kagabi, kaya ako nandito." Kalmadong paliwanag nito sa akin bago ako hinigit at tuluyan na nga itong nakapasok sa apartment ko. Dumiretso ito sa kusina at inilabas ang mga pagkain naka lagay sa supot kanina. Tahimik lamang din akong nakamasid sa kanya habang abala ito sa kanyang ginagawa.

"Here! Higupin mo muna itong soup habang mainit pa." Ngumiti ito sa akin bago ako pinaghila ng upuan sa lamesa para makaupo. "Alam kong nahihilo ka kaya bakit ka naman patayo tayo lang diyan?" Napalunok ako ng disoras dahil sa naamoy ko na naman ang perfume niya.

"Ah, pasensya rin pala kung hindi kita naibili ng Ice Coffee. Hindi kasi iyon makakatulong ngayon para gumaling ka. Baka mas lalo lang lumala yang sipon mo." Concern na sabi nito sa akin. Napangiti ako dahil sa sobrang pag-aalala nito sa akin. At least ngayon alam ko na concern ito sa akin.

"Ayos lang iyon." Tipid na sagot ko rito.

Kumuha ito ng konti sa kutsara bago inilapit sa akin para subuan ako. "Say ahhhh." Agad na napailing ako at pinipigilan ang sumisipil na ngiti sa aking mga labi. "A-ako na. Kaya ko na kumain mag-isa." Pagtanggi ko rito ngunit agad din naman itong napailing na parang makulit na bata.

"Nope. That's not gonna happen. Kaya ako nandito para alagaan ka at siguraduhing magiging okay na ang pakiramdam mo. Now, say ahhh." Walang nagawa na sinunod ko na lamang ito hanggang sa maubos ang soup na pinapakain nito sa akin. Pagkatapos ay binigyan ako nito ng gamot na kaagad din niyang pinainom sa akin. Habang naghuhugas ito ng mga nagamit na pinggan ay pumunta muna ako sandali sa kwarto kahit na medyo nahihilo parin upang i-check ang cellphone ko, baka kasi may mga text na si Bianca at tawag kung bakit wala parin ito hanggang ngayon.

May isang text messages nga ito para sa akin, kaagad na binuksan ko ito upang basahin. Ngunit ganoon din kabilis na nakaramdam ako ng sobrang kabog sa dibdib ng sinabi sa text na si Kevin ang pinapunta nito sa akin para alagaan ako. Mas lalo pa yatang sumama ang pakiramdam ko dahil na nabasa ko. Hindi pweding may makakita kay Breeze na nandito siya, lalo na at si Kevin pa. Kinakabahan at nagmamadali na muling lumabas ako ng kwarto dahil sa tunog ng door bell, ngunit huli na dahil hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng aking kwarto ay naunahan na ako ni Breeze para pagbuksan si Kevin. Nag-usap ang mga ito ngunit hindi ko naman madinig kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan dahil sa medyo may kalayuan ako mula sa mga ito. Ilang sandali pa silang nag-usap at pagkatapos ay umalis na si Kevin, habang hawak-hawak naman na ni Breeze ang mga binili nito para sa akin.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon