Chapter 15: Breeze's Jealousy

3.6K 130 7
                                    

Nakapag bihis na ako at handa ng umalis ng aking apartment papasok sa aking trabaho nang biglang may mag doorbell. Kunot noong na patingin ako sa orasan na suot ko. Baka si Bianca na iyon dahil ang sabi nito ay sabay na kaming papasok sa trabaho at dadaanan ako nito dito sa apartment ko para sunduin.

Kaagad na kinuha ko na ang aking hand bag at iba pang mga kagamitan na gagamitin sa aking trabaho, bago tuluyang binuksan na ang pintuan para narin pagbuksan si Bianca.

Ngunit hindi si Bianca ang bumungad sa harapan ko ngayon kundi ang napaka ganda at napakayamang babae na nakilala ko sa balat ng lupa.

"Good morning love!" Nakangiting bungad nito sa akin. Amoy na amoy ko pa ang napakabango nitong perfume. Ang fresh niya talaga palagi. Hayyy. Napalunok ako at kaagad na itinago ang aking excitement nang makita siya. Pinigilan ko rin ang sarili na wag itong salubungin ng yakap. Na miss ko siya! Ilang araw ko rin itong hindi nakita dahil sa abala nga ito lalo sa kanilang negosyo.

"Breeze! A-Anong ginagawa mo dito?" Pagkunwaring tanong ko rito. Nagkunwari naman itong nasaktan at sumimangot.

"Hindi mo man lang ba muna ako babatiin?" Nakangusong sabi nito. Dahil doon ay napangiti na rin ako ng tuluyan.

"Good morning Breeze." May kagat labing bati ko rito para pigilan ang aking mga ngiti. Awtomatikong napangiti itong muli sa akin at walang sabi na hinawakan ako sa kanang kamay bago kinaladkad pababa ng building ng apartment ko. Ngunit bago iyon ay inilock ko muna ang pintuan ng aking apartment. Mahirap na, kahit naman hindi mamahalin ang mga gamit ko sa loob ay mahalaga parin ang mga iyon sa akin.

Huminto kami sa tapat ng kanyang sasakyan. Humarap ito sa akin bago mabilis na inihagis sa akin ang isang bagay na kaagad na nasalo ko naman. Pwew! Mabuti na lang.

Suminyas naman ito na tignan ko ang bagay na hawak hawak ko. Napakunot ang aking noo ng makita kung ano ang bagay na iyon.

"Susi?" Nagtataka na tanong ko sa kanya. Tumango tango ito.

"And I've got mine too!" Nakangiting sabi nito habang pinakita sa akin ang hawak din nitong susi na kasing uri ng susi na hawak ko. Atsaka ako kinindatan pa.

"P-para saan naman 'to?" Walang ka ide-ideyang tanong ko rito. Ngunit sa halip na sagutin ako ay nginisian lamang ako nito bago umikot sa may passenger seat upang pagbuksan ako ng pinto.

"Malalaman mo mamaya. For now, kailangan mo munang sumama sa akin." Tugin nito habang wala na namang nagawa na sinunod ko rin ito.

"Pero.. Paano ang trabaho ko?" Tanong ko rito ng makasakay na ito at naupo sa driver seat. Humarap ito sa akin.

"Don't worry. Nakausap ko na si Bianca." Pormal na sabi nito sa akin bago binuhay na ang makina ng sasakyan. "And please! No buts, no ifs." Dagdag pa nito at tuluyan na ngang pinasinabad ang sasakyan bago pa ako muling makapag salita.

Siguro kailangan ko na ring kausapin si Bianca tungkol sa bagay na ganito. Sana diba, tinatanong niya muna ako kung papayag ba ako o hindi? Hayy. Di bale bukas na bukas ay pag sasabihan ko siya.

May halos isang oras din kaming nagbiyahe ni Breeze. At sa buong biyahe na iyon ay halos hindi ito kumikibo. Kaya mas pinili ko nalang din ang wag kumibo at itinuon na lamang ang atensyon sa labas ng bintana.

Hindi ko napansin na nakapark na pala ang sasakyan nito. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Nasa parking area kami ng isang sikat at mamahaling  Furniture Store dito buong pilipinas.

Gusto ko sanang tanungin ito kung anong ginagawa namin sa building na iyon ng lumakad na ito upang salubungin ang may medyo katandaan na, na babae bago dito nakipagkamay. Iyon siguro ang manager ng store na ito.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon