LUST 43

716 33 33
                                    


+++

"don't say you miss mewhen it's your fault i'm gone"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"don't say you miss me
when it's your fault i'm gone"

+++



Kinabukasan ay naghanda na si Soonyoung para puntahan ulit si Jihoon. Kagabi ay bumalik siya sa hotel, nagbabaka-sakali na nakarating na ang jowa niya kaso sa kasamaang palad ay wala parin ito.




Nakaayos na si Soonyoung at lumabas na siya sa dorm room niya. Pinagtitinginan siya ng mga nakakadaanan niya at halata rin naman na kalat na ang issue nito na naghihirap na ang isang Kwon Soonyoung. Ang issue rin niya with Momo ay kalat na rin sa campus kaya halos iilan ay masama ang tingin sakanya. Mostly because kakampi sila kay Momo.


Pero wala naman paki si Soonyoung. All he cares about is Jihoon. Funny how he degraded people who loves too hard that they almost sold their life to their partners and here he is now, being one of those people.




Nakarating na siya sa cafeteria para lang maglunch. Ayaw niya ang pagkain don pero wala naman siyang choice dahil yun lang ang kaya niyang budget. Mahirap na siya. Hindi na siya ang dating Kwon Soonyoung.





"Soonyoung! " Napalingon naman siya sa tumawag sakanya at si Wonwoo pala yun kasama ang fiancé nito na si Mingyu.


"Hey." matamlay na bati ni Soonyoung.


Nararamdam rin niya ang tingin ng mga ilan tao habang hawak ang mga cellphone nila. Gulat na gulat ang mga mukha ng iilan at napapatingin sila sakanya.


"N-nakita mo na ba?" Kinakaba na tanong ni Wonwoo sakanya.


"Ang alin?" He replied.



Magsasalita sana si Wonwoo nang inunahan siya ni Mingyu, "wala hyung. wag ka na lang muna magcellphone ngayon." paalala ni Mingyu sakanya.



Nagtataka man si Soonyoung ay binalewala lamang niya ito. "Si Jihoon? Nakauwi na ba siya sa hotel room niya?" Nagtanong muli siya kay Wonwoo.



"S-soonyoung."


"Ano? Nakauwi na ba siya?" Soonyoung repeatedly asks.



Napalingon si Wonwoo kay Mingyu. "Hindi ko kaya itago ito sakanya Mingyu." Bulong nito.



"Nakita mo ba yung video!!?"

"Oo!! Tangina!! Never kong inexpect na sobrang wild niya!"

"Si Lee Jihoon to ah!"

"Diba jowa ni Soonyoung yan?"

"Oops! Bilis ng karma ni Kwon! Nakahanap rin ng iba yung jowa!"






Patuloy ang mga bulungan sa tenga ni Soonyoung. Gulong-gulo ito habang ang ibang tao ay busy sa pinapanood sa cellphone nila. "Anong pinaguusapan nila.." mabilis na tumayo si Soonyoung sa kinauupuan na nakabuo ng ingay kaya nagsitahimik ang mga tao.

"S-soonyoung.. umalis na muna tayo." Sabi ni Mingyu at pilit na umalis sila pero hindi nagpatinag si Soonyoung.



May mali.

Alam niyang may mali.


"Tell me what happened to my Jihoon." malamig na tanong ni Soonyoung kay Mingyu pero umiwas lamang ang tingin nito sakanya.



Tumingin siya sa mga tao pero halos karamihan ay umiiwas rin ng tingin sakanya. Parang unti unti ay nauubod ang pasensya ni Soonyoung. Unti unti ay sasabog na ito....



Until Minghao came...



"Someone posted a video in the university page." Nilabas ni Minghao ang cellphone niya pero pinigilan siya ni Wonwoo.



"H-hao please. Not now!"


"For fuck sake Wonwoo! He needs to know everything! Hindi ko na kayang itago kay Soonyoung to! Maawa ka naman sakanya!" Galit na galit na sinabi ni Minghao.


Naiiyak na si Wonwoo habang si Mingyu ay niyakap ang fiancé niya. Gustuhin man niya kampihan si Wonwoo pero may punto si Minghao.



Kelangan malaman ni Soonyoung ang lahat lalo na kung tungkol lang ito kay Jihoon.



Binigay ni Minghao ang cellphone niya at dun nakita ni Soonyoung ang isang video. Pinindot niya ang play at umpisa palang ay parang huminto ang puso niya sa pagtibok. Nakatulala si Soonyoung habang patuloy nagplaplay ang video.



"Ah! Seungcheol~ seungcheol!"


Parang naging slow motion ang pagbagsak ng cellphone ni Minghao at tumakbo paalis si Soonyoung pabalik sa dorm room niya. Hindi niya pinansin ang pagtawag sakanya ng mga kaibigan niya. Binilisan niya pa lalo ang pagtakbo hanggang sa nakarating na siya sa kwarto niya.


Pumasok si Soonyoung sa kwarto at dun ay nagsimulang bumagsak ang mga luha niya. Patuloy na sumasagi sa isipan niya ang katarantaduhan na ginawa ni Jihoon at Seungcheol sa video. Sigaw ng sigaw si Soonyoung habang pinagbabato ang mga gamit.




Basag ang mga salamin at biyak ang mga ibang gamit. Namataan ni Soonyoung ang picture nilang dalawa ni Jihoon nung nasa China sila. Nung mga oras na sinabi ni Soonyoung ang nararamdaman niya kay Jihoon. Nakasabit rin ang bracelet na binili niya para kay Jihoon.



Unting unti diniinan ni Soonyoung ang paghawak sa picture frame at tumulo ang luha niya sa bracelet.



"Tangina mo Lee Jihoon."





•••

love lust | soonhoonWhere stories live. Discover now