LUST 45

727 29 17
                                    





MOMORIN LHUNDEL
JUNE 29, 1997 - DECEMBER 10 20**



Pumasok si Soonyoung sa loob ng funeral. Suot suot ang maitim niyang formal attire. Pagkapasok palang niya ay ramdam niya ang maiinit na tignin sakanya. Galit at inis ang mga titig sakanya.


"Ang kapal ng mukha mo pumunta rito." Sinampal siya ng ama ni Momo. Hindi naman pumalag si Soonyoung. Binaba lamang niya ang ulo niya sa tatay ng dating niyang kasintahan.


Alam niya kasalanan niya ang lahat lahat. Hindi inexpect ni Soonyoung na darating sa punto na magpapakamatay si Momo at dahil iyun sakanya. Nagising na lang si Soonyoung sa realidad ng tinulak siya palabas ng funeral. Pagkatalikod ni Soonyoung ay nakita niya ang magulang niya kasama si Seungcheol.



Nagtago si Soonyoung sa likod ng sasakyan. Sinasaksi ang pagyakap ng kanyang ama kay Seungcheol. Ang nanay naman niya ay tahimik lang sa tabi ng tatay ni Soonyoung.


"Paano sila nagkakilala?"




Pumasok na ang nanay at tatay ni Soonyoung sa loob. Lumabas si Soonyoung sa pinagtataguan niya at lumapit kay Seungcheol.



"Seungcheol." Napalingon naman si Seungcheol at napangisi.



"I'm starting to love your look right now. Mukha kang luging- lugi ngayon." Napaigting ang panga ni Soonyoung sa banat ni Seungcheol pero winaksi niya agad iyun at nagsimula ulit magtanong.



"Bat kausap mo tatay ko kanina? Payakap yakap ka pa na nalalaman Seungcheol. Sawa ka na ba sa buhay mo at pati sa mga magulang ko nakikisipsip ka?" Inis na sinabi nito.



"Masama na ba yakapin ko ang sarili kong ama ngayon?" Nakangisi sinabi ni Seungcheol.



Sarili kong ama...


"A-Anong pinagsasabi mo?"




Sarkastikong natawa si Seungcheol sa reaction ni Soonyoung. " Magkapatid tayo Kwon Soonyoung."



"Wag kang magpatawa Seungcheol. Imposibleng magkapatid tayo. Wala akong kapatid na kagaya mo." Tumalikod si Soonyoung kay Seungcheol. Hindi na kaya pang pakinggan ang mga pinagsasabi nito..



"Choi Seongyun."



Napatigil si Soonyoung pagkatapos sabihin iyun ni Seungcheol. "Does her name ring a bell to you?"



Pumunta si Soonyoung sa loob ng funeral. Bagot na bagot at nakapanguso pa. Kasama niya ang tatay niya at magkahawak pa sila ng kamay.


"Dad~ bat ba kasi nandito tayo?" Sabay pout nito.


Napatingin naman ang ama niya sakanya. "K-kailangan natin pumunta dito anak."


"Atsaka may papakilala rin akong espesyal na tao sayo okay?"





Pilit lang siyang tumango at napatingin sa pangalan sa may flower stand.


"Choi Seongyun."






"Siya ang totoong asawa ng ama natin Soonyoung. Siya ang asawa niya for 10 years pero sinira yun ng nanay mo!" Naglakad patungo si Seungcheol kay Soonyoung at kwinelyuhan ito.



"Nagsuffer ang nanay ko dahil sa nanay mo. Nakita ko siya kung paano siya nasaktan sa nanay mo at pati sayo at habang kayo nagpapakasaya sa buhay niyo na hindi niyo alam na may nasasaktan kayong tao!"




"Nakita ng sarili kong mata kung paano niya pinatay ang sarili niya Soonyoung." Tumulo ang luha sa gilid ng mata nito.



"H-hindi ko alam yun Seungcheol.." nauutal na sinabi ni Soonyoung


"Of course hindi mo alam dahil napakasasa ka sa buhay mo na dapat buhay ko. Nasa sayo lahat ang dapat saakin Soonyoung!!"




"At pinangako ko sa sarili ko na sisirain ko ang lahat ng meron ka. Kukunin ko lahat sayo at pagkatapos ay sisirain ko ang buhay ng tatay at nanay mo." Dagdag ni Seungcheol.





"Sinira mo na ang buhay ko Seungcheol. Hindi pa ba sapat yun sayo? Ano pa bang gusto mo para tumigil ang lahat ng to?" Tanong ni Soonyoung. Pinunasan ni Soonyoung ang luha na tumakas sa mata niya.





"Si Jihoon." Sagot ni Seungcheol.



"Gusto ko mapasaakin si Jihoon." Dagdag nito.




Ramdam na ramdam ni Soonyoung ang sobrang guilt sa puso niya. Gulat parin sa nalaman niya pero hindi maiwasan na maawa kay Seungcheol. Hindi niya napigilan ang sarili niyang sisihin ang sarili niya. Kapatid niya si Seungcheol. Namatay ang nanay niya dahil sakanya at sa ina niya. Ngayon ay unting-unti natatanggap ni Soonyoung kung bakit ginawa ni Seungcheol iyun sakanya...

Kailangan niya gawin kung ano ang tama at ang ikakatahimik ng lahat...


"Sayong- sayo na siya." Ngumiti si Soonyoung sakanya at tumalikod na.




Nagsimula na maglakad ito palayo. Nagtago siya sa may eskinita at tinakpan ang bibig nito. Nagsimula siyang humikbi at napasandal sa dingding. Nakuha na ni Seungcheol ang kagustuhan niya.




Sirang-sira na siya.



••••

dedicated to:
cnxlkwn ❤️

love lust | soonhoonМесто, где живут истории. Откройте их для себя