Kabanata 2

41.9K 1.3K 117
                                    

Kabanata 2

NAGISING ako dahil sa isang malakas na paghampas ng isang bagay kaya lumikha ito ng ingay. Napatingin naman ako sa bintana ng aking kwarto. Basag ang salamin at nakabukas na ito. Madilim pa sa labas at hinuha ko ay madaling araw pa lamang.

Bumukas ang aking kwarto at pumasok si Lola na mukhang nagising din dahil sa ingay. Napatingin siya agad sa basag na salamin ng aking bintana.

"Kumukha ka ng dustpan at walis. Bilisan mo"

Kahit hindi naman sabihin ni Lola ay iyon naman talaga ang gagawin ko. Mabilis akong tumungo kung saan nakalagay ang aking kukuhanin. Agad akong dumeretso sa kwarto at mabilis na winalis ang nagkalat na bubog.

"La, bumalik na kayo sa kwarto niyo. Ako na ang bahala dito" sabi ko habang nagwawalis pa rin.

Hindi kumibo si Lola at parang walang narinig. Nanatili lang itong nakatingin sa may bintana na animo'y nakikipagtitigan sa kung saan.

Huminga ako ng malalim at binitawan ang hawak ko. Lumapit ako kay Lola upang sana ay dalhin siya sa kaniyang kwarto ng makita kong kulay puti at nagliliwanag ang kaniyang mga mata.

"Lola" tawag ko dito at inalog-alog ko pa ang kaniyang balikat.

"La!" malakas na bulyaw ko upang matauhan ang nawawala sa sariling si Lola.

"Heart without it's owner,
Owned but shall perish,
Heart with two owners,
Shall merge as one"

Nabitawan ko ang balikat ni Lola at bumagsak ang kamay ko sa aking magkabilang tagiliran. Natatandaan ko. Iyon ang boses na nagsalita sa mapunong lugar kung saan ko natagpuan ang dyamante. Ngayon naman ay parang sinapian niya si Lola. Hindi ko man maintindihan ang kaniyang sinasabi ay alam kong may kahulugan ito.

"Lola" pagtawag ko ng bigla nalang itong nawalan ng malay.

Dinala ko agad siya sa kaniyang kwarto at inihiga. Masyadong mahangin at malamig ang aking kwarto dahil sa sirang bintana kaya mas mabuting dito na rin ako sa kwarto ni Lola habang binabantayan siya.

Napahawak naman ako sa may taas at gitnang bahagi ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam pero nararamdaman kong mayroon kakaibang nangyayari. Pakiramdan ko ay may tinatago din na kakaiba si Lola sa akin. Alam kong lahat ng bagay ay sinasabi niya sa akin pero sigurado ako na hindi pa lahat iyon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Lola. Nagising nalang ako dahil sa malambing na paghagod ng buhok ko ng kung sino.

Napalingon ako kay Lola na mukhang kanina pa nagising. Agad akong bumangon at naupo sa kama.

"La, natatandaan mo ba ang mga sinabi mo kaninang madaling araw?" bungad ko sa kaniya kaya naman tumaas ang kilay niya at tila naasar sa akin.

"Magandang umaga din Faneng"

Sumimangot naman ako dahil sa sarkastikong sinabi ni Lola. Kung magsalita siya ay parang hindi siya uugod-ugod na matanda. Umirap naman ako.

"Ano nga La?" hindi talaga ako pasensyosong tao. Masyado akong mainipin at madaling maasar sa mga bagay na katulad nito.

"Ano bang sinasabi mo? Ang alam ko lang ay nahimatay ako" sabi nito kaya naman napasimangot ako.

"Sigurado ka La?"

Tumango naman siya bilang sagot. Hindi na lang ako nagsalita pa at lumabas na ng kaniyang silid. Dumeretso ako sa aking kwarto upang kumuha ng damit pampalit sa suot kong pantulog.

Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin. Hanggang bewang ang itim na itim kong buhok. Tuwid na tuwid ito na para bang inunat. Itim na itim din ang aking mga mata na para bang madilim na kalangitan na pinagkaitan ng buwan at bituin. Matangos na ilong at mapupulang labi. Makapal na kilay at magandang hugis ng mukha. Hindi rin maipagkakaila ang mala gatas kong kutis at puti. Para bang hindi nalalapatan ng kahit na anong dumi ang aking katawan dahil sa sobrang kinis at puti nito.

Entasia Akademia: The AbsoluteNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ