Kabanata 18

26.6K 1.1K 76
                                    

Kabanata 18

Faneya

INILIBOT ko ang paningin sa lugar kung saan ako nagising. Para itong isang silid na walang pintuan at bintana. Puti ang kulay ng paligid. Pakiramdam ko ay kung maglalakad man ako ay wala akong patutunguhan.

"Nasaan ba ako?" naiinis na wika ko sa aking sarili. Walang kahit na ano. Wala ding pagkain. Paano ako mabubuhay sa lugar na ito?

Ang huli kong natatandaan ay may nagsasalita sa aking isipan. Kung tama ako ng pagkakarinig ay Lithia ang kaniyang pangalan. Gusto niyang palabasin ko siya at pagtapos non. Nagising nalang ako sa lugar na ito.

Napaupo ako dahil sa frustrasyon na aking nararamdaman. Ipinadyak ko ang paa ko sa hangin at naiinis a ginulo ang aking buhok. Mababaliw ata ako sa lugar na ito.

Tama, sa pagkakaalala ko ay ganito kadalasan ang kwarto ng mga baliw sa mundo ng mortal. Mental Hospital ang tawag don base sa pagkakatanda ko. Huwag mong sabihin na nasa loob ako ng Mental Hospital? Pero imposible iyon. Isa pa, walang pinto ang lugar na ito. Paano ako makakalabas?

Tumayo ako at tumingala. Puti. Tumingin ako sa gilid. Puti rin. Puti lahat. Nasaan ba kasi ako?

"Faneya"

Napatigil ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses iyon ni Zernon. Pero nasaan siya? Wala akong makitang kahit na sino sa loob ng lugar na ito. Mag-isa lang ako.

"Zernon?" lumingon ako sa paligid upang hanapin siya. Wala. Wala siya. Pero bakit narinig ko siyang tinawag ako? Nasaan ba kasi ako. Naiiyak na ako dahil sa inis.

"Faneya"

Iyon na naman ang boses niya. Bakit niya ba ako tinatawag? Nasaan ba kasi siya? Hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mata ko dulot ng frustrasyon na aking nadadama. Pakiramdam ko ay habang buhay na akong makukulong dito at ayokong mangyari iyon.

"Zernon? Asan ka?" tawag ko sa kaniya. Inilibot ko ang paningin ko. Wala siya.

"ZERNON? ZERNON!" naiiyak na sigaw ko. Halos pumiyok pa ang boses ko dahil sa aking paghikbi.

"ZERNON!" umalingaw-ngaw ang sigaw ko sa buong lugar.

Nakaramdam agad ako ng sakit sa bandang dibdib ko. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Masyadong masakit at pakiramdam ko ay unti-unting nauubos ang enerhiya ko sa katawan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Zernon sa pangalan ko bago ako mawalan ng malay.

--

"Sigurado bang maayos lang ang lagay niya mahal na prinsipe?"

"Anong pangalan niya mahal na prinsipe?"

"Isa ba siyang prinsesa? Kapatid mo ba siya?"

"Umayos ka Hino. Tumigil kana sa pagtatanong. Lumabas ka nga muna at maglaro ka nalang doon"

"Ayoko ina, iintayin kong magising siya. Napanaginipan ko siya Ina. Sigurado ako don"

"Tumahimik ka na Hino"

Iminulat ko ang aking mata. Tatlong parehas ng mga mata ang aking nabungaran.

Entasia Akademia: The AbsoluteWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu