Epilogue

27.5K 1.1K 54
                                    

Epilogue

Third Person's Point of View

Sa huling hininga ni Faneya ay nabalot ng nakakabulag na liwanag ang buong Entasia. Natigil ang digmaan at napapikit ang lahat dahil hindi kinaya ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Faneya.

Kasabay ng unti-unting pagkawala ng nakakabulag na liwanag ay siyang pagkawala din ni Faneya. Ang kaniyang katawan ay unti-unting nanlalabo.

"Faneya please. No" mahinang pagmamakaawa ni Zernon sa babaeng ngayon ay hindi na nahinga pa.

Sa huling pagkakataon. Muling nagliwanag ang buong Entasia at kasabay nito ang panunumbalik ng dating ganda ng Entasia. Parang walang nangyaring digmaan.

Ang lahat ng tao ay napunta sa kanilang sariling kontinente na kinabibilangan at ang mga kakaibang nilalang ay nagbalik na din sa kanilang katinuan at sa kontinente ng Entayos.

Bumalik sa dating sigla ang buong Entasia. Sa huling liwanag na pinakawalan ng katawan ni Faneya ay siyang pagkawala rin ng memorya ng lahat ng tao sa buong Entasia. Wala nang dapat pang makaalam sa nangyaring digmaan na iyon. Isa nalang iyong bangungot na nalagpasan ng Entasia.

Ang tungkol sa 'Absolute Stone' at sa babaeng nagngangalang Lithia ay natala sa kasaysayan ng Entasia. Ang pagiging sakim ni Lithia at kung paano nito minanipula ang lahat gamit ang 'Absolute Stone' na dapat na pag-aari ng anak ng kalangitan.

Ang kasalukuyang Emperor ng Entasia na si Emperor Qravinfo ay bumaba sa pwesto dahil sa kaniyang ginawang pagkakamali sa pagpatay sa late emperor ng Entasia na nalaman ng buong ministro ng Entayos kaya naman naging bakante ang posisyon ng Emperor at Empress.

--

Sa kasalukuyang panahon, matapos nagdaan ang mga araw. Ang mga estudyante ng Entasia Akademia ay naghahanda para sa nalalapit na Hunting Day. Ito ang araw kung saan ang estudyante ng Entasia ay lalabas sa paaralan upang manghuli ng mga mababangis na hayop. Ngunit hindi gaya ng kinagawian na ilan laman ang kasali ngayon ay lahat na ng nagvoluntaryo sa nasabing kaganap ay maari ng makasali.

Ito ay ihahandog sa trono ng Emperor at Empress kahit wala pa ditong nakaupo sa kasalukuyan. Ito ay simbolo ng pagbibigay ng respeto at pagkakaisa sa buong Entasia.

"Pano ba yan. Pagandahan nalang tayong tatlo at bahala na si Zernon kung sino sa atin ang kaniyang pipiliin" maarteng saad ni Sarah habang may malanding ngisi ang nakapaskil sa kaniyang labi.

Sila ay nasa cafeteria. Hindi katulad ng kanilang mga kuya ay silang tatlo ay casual lang sa bawat isa, dahil alam nilang mas mabuting hindi sila mag-ayaw.

"Hmm. Sang-ayon ako sa bagay na iyan Sarah. Tutal ikaw ang pinakabata sa ating tatlo sa tingin ko ay dehado kana" natatawang usal ni Nedi, ang prinsesa ng Landyos na kapatid ni Sedi.

"Sa tingin ko ay nagkakamali ka sa bagay na iyon Nedi, dahil mas pabor sa akin ang bagay na iyon. Mas magugustuhan ako ni Zernon dahil mas maganda at bata pa ako" nakangising usal ni Sarah.

Napairap naman sa ere si Lory.

"Sa ating tatlo, mas lamang na ako ang magustuhan ni Zernon dahil mas malakas ako sa inyong dalawa. Alam naman natin na hindi basta-basta pumatapatol ang isang Zernon Vrysen Ignite sa babaeng hindi kayang ipagtanggol ang sarili hindi ba" nakangiting usal ni Lory na kapatid naman ni Heros.

"Ehem" pagtikhim ni Nedi habang nakatingin sa kung saan. Sinundan naman ni Sarah at Lory ang tinitingnan ni Nedi. Napadako ang tingin nila kay Zernon na mag-isang kumakain.

"Ito na siguro ang tamang pagkakataon upang papiliin si Zernon kung sino sa ating tatlo ang gusto niyang maging kaniyang asawa" nakangising usal ni Sarah.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now