Kabanata 30: Ang Huling Kabanata

29K 1.3K 183
                                    

Kabanata 30: Ang Huling Kabanata

NAGLALAKAD ako papuntang infirmary. Nakasunod lang saakin si Zernon. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng bumalik ako sa Akademia at halos walang tinag ang pagsunod sa akin ni Zernon. Maging sa pagtulog ay nakikisawsaw siya. Nakipagpalit pa siya kay Narnia ng kwarto. Ibang klaseng lalaki talaga ito.

"Maayos na ang lagay ni Lola, bakit sa infirmary pa rin siya natutulog?" kausap ko sa aking sarili. Nang makarating kami ay agad akong pumasok.

"Baka nasanay na" usal ni Zernon

Napatigil naman ako sa paglalakad at nanigas ang buo kong katawan sa aking nadatnan. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat ano mang oras. Napatulala na lamang ako.

Dugo. Pulang dugo. Madaming dugo. Putol na binti. Putol na kamay. Katawan na balot sa dugo.

"Faneya. Hey. Faneya"

Nakaramdam ako ng pagyugyog. Hindi ko namalayaan na umiiyak na pala ako at natulala. Nanghihinang inihakbang ko ang aking paa.

"I'm sorry" isang pamilyar na boses ang aking narinig sa sulok ng silid. Nanlilisik ang mga mata kong tinapunan ito ng tingin. She is wearing a cloak at katulad ng dati hindi kita ang kaniyang mukha. Aya.

"What did you do? What happened?" bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko magawang hawakan ang aking Lola na balot na balot at naliligo sa kaniyang sariling dugo. Humagulgol ako at napaupo nalamang sa sahig dahil sa panghihina ng aking tuhod. No. This is not happening. Not my Lola. She did nothing wrong.

"I'm sorry. I'm too late" usal muli ni Aya. Alam niya. Alam niyang mangyayari ito pero hindi niya pinigilan. Gamit ang nanlalambot kong mga binti ay tumayo ako.

In just a blink of an eye. Gapos ko na ang leeg ni Aya. I heard Zernon called my name but I just ignored it. Nanggigigil ako sa mga oras na ito. My Lola died. She just died in a brutal way. Kumukulo ang dugo ko sa galit.

Natanggal ang cloak sa kaniyang ulo. Bigla akong natauhan ng makita ko ang kaniyang mukha. Nanginginig ang kamay kong binitawan siya.

"Fraya" bulalas ko.

"I'm sorry okay, I saw it coming pero hindi ko alam kung kailan. Patawarin mo ako. I did everything. Binantayan ko ang lola mo pero nalingat lang ako sandali ay ito na din ang nadatnan ko" paliwanag niya.

Hindi ako makahinga sa sobrang galit. My Lola. My one and only Lola. Halos tumaas ang balahibo ko dahil sa kilabot ng hawakan ko ang duguang pisnge ng aking Lola. She is not breathing. Sino nga ba ang mabubuhay kung maubusan ito ng napakaraming dugo.

"Who did this to her?" malamig kong usal.

"Faneya, please, calm down. Hindi maganda na magalit ka. She might control you again" paalala sa akin ni Zernon na sinagot ko lang ng tango.

"Sino ang gumawa nito sa kaniya?" mariin kong saad. Nagtagis ang aking bagang sa sobrang galit. Tama si Zernon. I can't let my emotion control me again. Tama na dalawang beses. She did cost a huge damage.

"The Emperor. He is under the power of Absolute Stone. Mind controlling. Lithia. She did this to her"

Pagkarinig ng pangalan ni Lithia ay agad akong nagliyab sa galit. I am stupid for pitying her. Hindi siya dapat kinakaawan.

Naalala ko na naman ang nakatala sa aklat na iyon. Lithia fell inlove with a guy. Lithia made him the Emperor of Entasia. Dahil minanipula ni Lithia ang lahat ay pinagmukha nitong wala pang Emperor sa panahon na iyon ngunit ito naman talaga ang namumuno sa buong Entasia simula pa lang.

Entasia Akademia: The AbsoluteWo Geschichten leben. Entdecke jetzt