Kabanata 20

26.8K 1.1K 49
                                    

Kabanata 20

Faneya

NAKAUPO ako sa may tabi ng kama na kinahihigaan ni Lola. Malaking pinsala ang natamo niya kaya naman aabutin pa ng linggo bago siya tuluyang makabawi ng lakas.

Matapos kong masiguro ang kaligtasan nina Hino at Hilda ay bumalik agad ako dito sa Entasia Akademia. Hindi naman tutol ang Punong Mahestrado at binigyan niya rin ako ng pahintulot na tumuloy dito hanggang sa manumbalik ang lakas ng aking Lola.

Nawala ako sa pag-iisip ng kumalabog ng malakas ang aking puso. Napahawak agad ako sa dibdib ko at mariin na napapikit. Isa pang malakas na kalabog ng aking dibdib ang aking naramdaman bago ako may marinig na tawa. Isang nakakakilabot na tawa na alam kong sa isang tao lang nagmumula.

Tumayo ako ngunit agad din akong napaluhod dahil sa sakit ng dibdib ko kung saan matatagpuan ang bato. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Sapo-sapo ko ang aking dibdib habang habol ang aking hininga. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga. Nagpapawis na din ang aking mukha.

"Faneya. Faneya. Faneya" She called my name in a sing-song manner. Napakagat-labi ako.

"A-ano bang kailangan mo?" nahihirapang tanong ko. Agad akong napangiwi ng maramdaman ko na naman ang kakaibang sakit na nanunuot sa aking dibdib kung nasaan ang bato.

Imbis na sagutin ako ay nakakakilabot na tawa lamang ang kaniyang pinakawalan. Halos manindig ang balahibo ko sa batok dahil sa tawang pinapakawalan niya.

"I will never let you see that man again Faneya. Once I take over your body again. I won't let myself get near him again" Seryosong usal ni Lithia na ikinalito ko.

"Anong ibig mong sabihin? Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya kahit na nahihirapan na akong makahinga. Siguro ay kagagawan niya ito kung bakit kinakapos ako ng hininga.

"Hindi mo man lang ba naisip o inisip kung bakit ka nakabalik sa katawan mo?" nang-uuyam na saad ni Lithia kaya naman agad akong napaisip.

Tama siya, hindi ko nga pinagtuunan ng pansin kung paano ako nakabalik sa katawan ko dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang problemang ginawa niya.

Agad akong napaisip, kung ganon hindi ako nakabalik dahil kay Lithia? Sumakit ang ulo ko sa aking pag-iisip. Bago ako nakabalik sa aking katawan ay boses ni Zernon ang aking narinig pagkatapos non ay nawalan na ako ng malay-'I will never let you see that man  again Faneya'. Ibig bang sabihin ng mga katagang yon ay dahil sa kaniya kaya ako nagbalik? Dahil kay Zernon? Pero paano at bakit?

"Ngayon ay alam mo na. Sabagay, hindi ko rin alam ang bagay na iyon. Si Zernon ay isang banta para sa akin. Nakakatuwang isipin. Hindi ko agad napansin na may kakaiba sa inyong dalawa" natatawang sabi ni Lithia. Mas lalo naman akong naguluhan. Anong ibig sabihin niya sa kaniyang huling sinabi?

"Anong--" hindi ko na natapos pa ang aking pagtatanong ng biglang bumukas ang pinto ng silid na inuukopa namin ni Lola.

Nanlalaking mata na dinaluhan ako ni Punong Mahestrado. Ngayon ko lang din napansin na mukha na akong kaawa-awang nilalang dahil sa aking ayos.

"Anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Punong Mahestrado.

Naramdaman ko naman na bumalik na ang tama kong paghinga. Kagagawan ng ni Lithia ang aking paghihirap kanina.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now