Kabanata 17

27.5K 1.1K 84
                                    

Kabanata 17

Faneya

"LOLA, nahihibang kana ba? Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" nanlalaking matang tanong ko sa kaniya. Tumayo na rin ako sa pagkakaupo. Humarap sa akin si Lola. Dahil ang katawan niya ay bata, wala siyang nagawa kundi ang tingalain ako.

"Hindi pa ako nahihibang Faneng, tama lang ang desisyon na ginawa ko" seryosong usal nito. Tumataas-baba ang aking dibdib dahil sa pagpipigil ng matinding galit.

"Delikado ang ginawa mo La, dahil sa ginawa mo maaaring maglabas ng mga hukbo ang Emperor upang mahanap ang nagbanta sa buhay ng kaniyang anak. Hindi ito palalampasin ng Emperor" hindi makapaniwalang saad ko habang mariin na nakatingin sa kaniya.

"Sinabi ko na sayo, nalaman ko na ang dapat malaman. Alam kong tama ang ginagawa ko. Mata sa mata, buhay sa buhay"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Buhay sa buhay? Kung ganon...

"Tama ka ng narinig. Diba siya naman ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko? Ang ama mo Faneng. Siya ang kasalukuyang Emperor na nagpataw ng kamatayan sa angkan namin at ng nanay mo" maluha-luhang saad ni Lola. Napailing nalang ako.

"Pero mali parin ang ginawa mo. Dahil sa ginawa mo, maaaring matuklasan nila ang tungkol sa ating dalawa" lumuhod ako sa harap ni Lola upang makapantay ko siya. Niyugyog ko ang kaniyang balikat upang matauhan siya.

Natigilan ako ng bigla itong tumawa ng nakakaloko. Ang tawang iyon ay hindi ko pa narinig kahit kailan. Nakaramdam agad ako ng kilabot.

"A-anong nangyayari sayo La?" napaupo ako sa sahig ng biglang umusok ang kaniyang katawan at sa isang iglap ay bumalik na siya sa kaniyang dating itsura. Madilim ang kaniyang awra kaya sigurado akong may kakaiba sa kaniya.

"Mali? Walang mali sa ginagawa ko Faneya. Isipin mo nalang ang ginawa ng Emperor na iyon sa akin. Nawala ang anak ko at lahat ng kamag-anak ko" tumawa ito na parang nababaliw na. Napaatras ako habang nakaupo sa sahig. Nakayuko siya sa akin. Blanko at walang mababakas na kahit anong emosyon sa kaniyang mata.

"Lola" mahinang usal ko. Hindi ko na siya makilala pa. Ano bang nangyayari sa kaniya.

"Matapos kong kalkalin ang memorya ni Ronaldo ay napag-alaman kong ang kasalukuyang Emperor ay dating kanang kamay lamang ng namatay na Emperor. Hindi pa man ito Emperor ay may matinding galit na ito kay Ures, sa ama mo at nang maging isang Emperor na ito ay duon na siya nagtagumpay. Hindi ko man nalaman ang katotohanan sa paratang nila sa magulang mo ay alam kong ang Emperor ang may kasalanan" nagtiim bagang ito. Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman siya ganito kung umasta. Alam kong hindi basta basta nagdedesisyon si Lola. May mali sa kaniya at sigurado ako sa bagay na iyon.

"La, ano bang nangyayari sayo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Nginisian naman niya ako. Ngising nakakakilabot.

"Wala naman. Hindi ba at nandito tayo para maghiganti?" sabi niya habang may malademonyong ngiti sa labi. Umiling ako.

"Nagkakamali ka La, pumunta tayo sa mundong ito dahil dito tayo nabibilang. Walang tayong napag-usapang ganon" naiiyak kong tugon sa kaniya dahil parang ibang tao na ang kaharap ko. Parang hindi na siya ang Lola ko.

"Ganon ba?" nawala ang kaniyang malademonyong ngiti at mariin na nakakunot ang noo habang nakatingin sa sahig. "Hindi e. Hindi ganon" usal pa nito at ng magtama ang mga mata namin ay nanginig ako sa sobrang kilabot. Madilim ang kaniyang awra at ang tanging kulay nalang ng kaniyang mata ay itim. Wala na itong puti. Nanginginig ang tuhod na tumayo ako.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now