Kabanata 25

24.8K 1K 52
                                    

Kabanata 25

NAGUGULUHAN na titigan ko si Aya. Hindi ko alam ang expression ng mukha niya dahil hindi ko makita. Maging ang mukha niya ay hindi ko din alam ang istura.

'Dahil iyon ang ninais ko. Ngayon na ang araw na itinakda'

'Ngayon ang araw na itinakda'

Anong ibig niyang sabihin sa bagay na iyon? Hindi ko maintindihan. Anong itinakda?

"Pwede bang ipaliwanag mo sa akin ang mga nangyayari Aya? Anong itinakda? Naguguluhan ako" saad ko habang mariin na nakatitig sa hood ng cloak niya na tumatakip sa kabuuan ng mukha niya.

"Ang araw na itinakda. Ang siyang pagbabago ng iyong pulang dugo sa gitno. Hindi ka pangkaraniwan Faneya" saad ni Aya kaya naman natigilan ako.

Hindi ako pangkaraniwan? Paano nangyari ang bagay na iyon. Isa lamang manhara ang ama ko at si ina naman ay... hindi ko alam.

"Paano mo nalaman na hindi ako pangkaraniwan na nilalang?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Mas lalo akong naguguluhan sa bawat bagay na nalalaman ko.

"Walang nilalang sa mundong ito ang mayroong gitnong dugo Faneya" saad ni Aya. Nananatiling nakakunot ang aking noo.

"Kung ganon, ibig sabahin hindi rin ako galing sa mundong ito? Paano nangyari iyon? Malinaw ang sinabi sa akin ni Lola noon na dito ako nabibilang sa mundong ito" paliwanag ko sa kaniya. Napakagat ako ng labi dahil mas dumodoble ang tibok ng aking puso.

"Magkaiba ang nabibilang sa pinanggalingan Faneya. Ang ibig kong iparating sa iyo ay hindi ka sa mundong ito nanggaling at hindi ibig sabihin non na hindi kana dito nabibilang. Tandaan mo ang bagay na iyan" usal ni Aya. Napatango ako dahil may punto naman siya. Hindi ko alam pero nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

"Pero naguguluhan pa rin ako, saan ako nanggaling? Bakit ginto ang dugo ko? Anong ibig mong sabihin na itinakda ngayon ang pagbabago ng dugo ko?" sunod-sunod kong tanong kay Aya. Humihiling na sana, sagutin niya ang aking mga katanungan.

"Sa pagbabago ng kulay ng iyong dugo ay siyang pagbabago rin ng iyong lakas, kakayahan at abilidad" saad ni Aya.

Magsasalita pa sana ako upang magreklamo dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko pero hindi ko naituloy ng magbago bigla ang paligid.

Nasaan ako?

Isang malawak na espasyo lang ang aking nakikita. Kung pagmamasdan ang paligid ay pinalilibutan ako ng mga matatayog na puno. Isang malaking pabilog ang kinaroroonan ko at ang makikita lang ay ang mga puno.

Anong ginagawa ko sa lugar na ito?

Hindi ko alam kung anong lugar to o kung nasa Entasia pa ba ako. Pero isa lang ang nasisiguro ko, si Aya ang magdala sa akin sa lugar na ito.

May lumabas na usok kung saan. Agad akong naalerto pero napansin ko na ang usok ay naghugis parisukat. Malaking parisukat at sa isang iglap ay nagkaroon ng mga imahe ang usok na iyon. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang apat na prinsipe at ang Punong Mahestrado na kaharap ng Hari at Reyna ng Landyos.

Hindi ko man rinig ang kanilang pinag-uusapan ay masasabi kong maganda ang pinatutunguhan non dahil sa kanilang maaaliwalas na mukha. Nakangiti ang hari at reyna. Maging si Punong Mahestrado ay nakangiti rin.

Nagbago ang imahe. Agad nangunot ang noo ko ng masilayan ko ang isang malawak na bulwagan at mapapansin sa paligid ang mga kumikinang na mga bagay na nagliliparan sa paligid. Madaming istatwa ng mga kakaibang uri ang nakahanay sa gilid. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ay mga cerberus, centaurus, fairies at mga iba pang nilalang.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now