Kabanata 13

27.4K 1.3K 75
                                    

Kabanata 13

Faneya

HINDI ko namalayan na nakatulog na pala ako sa malamig na semento. Umupo ako galing sa pagkakahiga kaya naman nakaramdam agad ako ng pananakit ng katawan. Damn.

Tumayo na ako. Maglalakad na sana ako ngunit natigilan ako. Naalala ko na bumalik na nga pala sa orihinal ang aking mukha. Ibig sabihin walang nakakakilala sa akin dito bilang isang Seri Dalla. Anong gagawin ko?

Binuksan ko ang pinto at nakita kong maliwanag na. Kung magteleport nalang kaya ako pabalik sa dorm? Ginulo-gulo ko ang aking buhok sa sobrang pagka-inis. Dahil wala na akong choice ay nagteleport na ako papuntang dorm kahit hindi ko alam kung nandon pa ba si Narnia o wala.

Napahinga naman ako ng maluwag ng makita kong walang tao sa dorm. Ibig sabihin pumasok na si Narnia. Agad akong kumuha ng damit upang maligo. Dumeretso ako sa banyo.

Napatingin naman ako sa salamin. Bumalik na nga ang aking orihinal na mukha. Bumuntong hininga ako. Sigurado mayayari ako nito kay Lola.

Nang matapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Uniform pa rin ang aking suot dahil may balak pa rin akong pumasok kahit gulong-gulo na ang aking utak. Hindi mapakaling naglakad ako pabalik-balik sa kwartong ito.

Kung papasok ako, sigurado akong magugulat sila dahil nagbago ang itsura ko. Kung sasabihin kong ako si Seri ay malabong maniwala sila. Ano ba ang dapat kong gawin?

Napatingin naman ako sa kabinet kong nakabukas. Nakita kong nakalawit ang balabal kaya naman inayos ko ito pero bigla din akong natigilan ng may pumasok na ideya sa aking isip. Kinuha ko ang balabal at pumasok sa banyo.

Humarap ako sa salamin at inayos ang balabal upang matakpan ang aking mukha. Ngayon ay tanging mata ko nalamang ang kita. Pero agad din akong napasimangot dahil nakalabas ang buhok ko at kulay itim ang aking mata at kitang-kita ito.

Naiinis na inalis ko ang aking balabal. Ginawa kong messy bun ang aking mahabang buhok. Wala akong pantali kaya naman inayos kong muli ang balabal habang hawak ko ang aking buhok. Pahirapan pa akong ayusin ang balabal dahil nangangawit ang aking kamay na nakahawak sa messy bun kong buhok. Naayos ko rin naman ito at katulad kanina. Mata ko nalang ang kita.

Bumuntong hininga ako habang nakikipagtitigan sa aking repleksyon sa salamin. Black na black ang mata ko. Dapat ay kulay asul ito. Kung kaya ko lang gawin na asul ang mata ko ay kanina ko pa ginawa.

Tinitigan ko ang aking mata habang iniisip na sana ay maging asul ito. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ako nabigo. Naging kulay asul nga ang mata ko katulad ng kulay ng maaliwalas na kalangitan.

Abilidad ko din ba yon? Hindi ko na muna pinagtuunan ng pansin ang bagay na iyon. Lumabas na agad ako ng banyo at kinuha si Roar na nilagay ko kanina sa aking kama. Nilagay ko ulit siya sa bulsa ng coat ko. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil baka kung saan pa siya magpunta.

Nang makarating ako sa aming silid ay hindi na ako kumatok pa. Binuksan ko na ang pinto ay napapikit nalang ako ng bumungad sa akin ang tungkod ni Moris. Nakatutok ito sa akin.

"Sino ka?" tanong nito sa akin habang ang tungkod niya ay nakatutok sa akin. Nakataas din ang kaniyang kilay at nakapameywang din siya.

"Seri Dalla" sagot ko naman kay Moris. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Tumitig naman siya sa aking mata bago tumango. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Maglalakad na sana ako papunta sa upuan ko nang biglang magsalita ulit si Moris.

"Bakit naman nakabalot sa balabal ang mukha mo?" tanong nito sa akin. Napapikit naman ako ng mariin. Bakit kailangan niya pang magtanong.

Entasia Akademia: The AbsoluteDär berättelser lever. Upptäck nu