Kabanata 19

26.4K 1K 54
                                    

Kabanata 19

"LOLA!? Anong nangyari sayo?" nanghihinang napaupo sa harap ko si Lola. Sugatan ang katawan niya at mukhang galing lang siya sa matinding pakikipag laban.

"F-Faneng. Bumalik ka na pala" nakangiting usal ni Lola habang nahihirapan sa paghinga. Nag-angat ako ng tingin kay Punong Mahestrado.

"Pwede ko bang dalhin si Lola sa may infirmary? Kailangan niya ng magamot" saad ko dito. Wala sa sarili siyang tumango.

Inakay ko si Lola. Nang malapit na kaming makalabas ay napatigil din agad ako ng magsalita si Punong Mahestrado.

"Teka lang. Pwede bang humarap muna kayo sa akin saglit?" sabi nito kaya naman ginawa ko ang gusto niya. Kita ko ang pagsinghap niya ng makita ang mukha ni Lola.

"Manaya Avaca? Ang ina ng lalaking nagtaksil sa buong Entasia. Hindi ba at pinapatay na ang buong pamilya mo, kung ganon bakit buhay ka parin?" gulat na pahayag ni Punong Mahestrado. Bumuntong hininga ako.

"Mamaya na ho kayo magtanong Punong Mahestrado. Kailangan ng magamot ng aking Lola" tumango naman siya sa sinabi ko.

Mabuti nalang at oras na ng klase kaya naman wala ng nagkalat na mag-aaral sa labas. Mabilis kaming nakapunta sa infirmary. Agad akong dinaluhan ng isang babae na sa tingin ko ay nurse.

"Mukhang matindi ang tinamo niyang pinsala" saad ng nurse. Kinakabahan na pinagmasdan ko ang walang malay na si Lola. Saan ba siya galing at basta nalang siyang sumusulpot sa harap ko na parang kabuti.

Matapos siyang bigyan ng lunas ng nurse ay umalis na din ito sa silid na kinaroroonan namin. Umupo ako sa tabi ng kama ni Lola.

"Lola" tawag ko sa kaniya ng magmulat ito ng tingin. Tumingin naman siya sa gawi ko at matamlay na ngumiti. Umupo siya at humarap sa gawi ko.

"Alam na nila. Alam na nilang buhay ako pero hindi nila alam na may kasama ako. Ang alam lang nila ay ako lang ang nakaligtas kaya naman ng madakip nila ako kahapon ay pinahirapan nila ako. Natuklasan din nila na pinagbantaan kong patayin ang anak ng Emperor kaya naman, balak nila akong bitayin pero nakatakas din agad ako" pagkukwento ni Lola. Agad kumunot ang noo ko.

"Bakit mo nga ginawa ang bagay na iyon?" takang tanong ko kay Lola.

"Pasensya na. Hindi ko alam ang ginagawa ko sa mga oras na iyon. Nawalan ako ng katinuan dahil masyado kong inabuso ang paggamit ng abilidad ko na nakaapekto sa aking utak" huminga siya ng malalim "May hindi ka sinasabi sa akin Faneng"

Lumunok ako ng laway. May dalawang bagay nga akong hindi sinasabi sa kaniya. Ang tungkol sa libro na ipapakita ko dapat sa kaniya pero hindi ko na nagawa at ang katotohanan na may isa pang kaluluwa ang naninirahan sa aking katawan.

"Si Lithia. Hindi siya pangkaraniwan. Paano siya napasok sa katawan mo?" hindi na ako nagulat pa sa sinabi ni Lola. Marahil ay nakilala na din niya si Lithia habang ako naman ang nakakulong sa aking katawa.

"Hindi ko din alam. Simula ng mapulot ko ang bato at bumaon ito sa dibdib ko ay naririnig ko lang ang boses niya, hindi ko akalain na isa pala siyang kaluluwa na nakapasok sa katawan ko" pagkukwento ko kay Lola. Agad naman siyang kumunot ang noo.

"Bato? Anong bato?" tanong niya habang mariin na nakatingin sa akin. Agad namang may pumasok na salita sa isip ko.

"Absolute Stone" iyon ang natatandaan kong sinabi niya sa akin bago siya mawalan ng malay.

"Ano? Absolute Stone? Ano ang bagay na iyon?" takang tanong niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Hindi mo alam La? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin ng pangalan ng batong ito" inilihis ko ang tela sa aking taas ng dindib upang ipakita sa kaniya ang batong nakabaon sa aking katawan. Kumunot ang noo niya habang mariin na nakatingin sa batong mukhang dyamante.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now