Kabanata 3

37.3K 1.5K 340
                                    

Kabanata 3

IMINULAT ko ang aking mata ng maramdaman ko ang marahan na pagtapik sa akin ng isang maliit na kamay. Kumunot ang aking noo ng bumungad sa paningin ko ang isang batang lalaki.

"Ina!" malakas na sigaw nito.

Umupo naman ako sa papag na hinihigaan ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar kung nasaan ako. Gawa sa kawayan ang buong bahay at ang bubong naman ay sa palagay ko gawa sa dayami. Para itong kubo at maliit lang ang espasyo.

"Ano ba iyon Hino?"

Bumaling naman ang aking paningin sa babaeng pumasok sa maliit na silid na ito. Nagpupunas siya ng kaniyang kamay sa suot nitong damit na hindi ko mawari kung dress ba na kulay brown o puno lang sadya ng dumi.

Bumaling naman ako ng tingin sa batang lalaki na ngayon ay nasa tabi ng papag. Nakasuot ito ng damit na mukhang gawa sa sako ng harina. Hindi ko man alam ang tawag sa bagay na iyon ay nakakasiguro akong ganon tela ang suot niya. Mukha rin siyang madungis.

"Gising ka na pala" nakangiting bati sa akin ng babae na sa palagay ko ay ina ng batang lalaki.

"Hindi pa siya magigising kung hindi ko ginising Ina" masayang pahayag ng batang lalaki. Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng mukha niya. Hindi maipagkakailang gwapo ang batang ito.

Bigla kong naalala na kasama ko nga pala si Lola na pumasok sa portal. Natatandaan ko na magkahawak kami ng kamay bago ako nawalan ng malay. Siguro ay nandito rin siya.

"Nasaan po si Lola?" pagtatanong ko sa babae. Nangunot naman ang kaniyang noo na para bang walang ideya sa aking tinatanong.

"Lola? Hino may kasama ba ang dalagang ito ng makita mo sa kagubatan?" baling ng babae sa kaniyang anak.

"Wala siyang kasama" umiiling na wika ng batang lalaki. Kumunot naman ang noo ko. Wala akong kasama? Pero nakakasigurado akong kasabay kong pumasok sa portal si Lola.

"Ako nga pala si Hilda at ito naman ang anak kong si Hino. Pagpasensyahan mo na kung ginising ka ng batang ito"

Bumuntong hininga naman ako. Napuno ng pag-aalala ang aking damdamin. Nasaan si Lola? Okay lang ba siya? Uugod-ugod pa naman ang matandang iyon.

"Anong pangalan mo?" napatingin naman ako kay Hino ng magsalita ito. Tila ba kanina pa ako tinititigan.

"Faneya Uriese Venelo" sagot ko sa katanungan ni Hino na kanina pa mariin na nakatitig sa akin.

"Hindi ka ba nangiti Faneya?" kumunot ang noo ko. Binatukan naman siya ng kaniyang ina na si Hilda.

"Umayos ka Hino. Nakakatanda siya sa iyo kaya naman tawagin mo siyang ate" singhal ni Hilda sa kaniyang anak na si Hino na ngayon ay nakasimangot na.

"Ayoko siyang maging ate"

Napatitig naman ako sa batang si Hino. Gwapo ito at kapag sumisimangot ay lumalabas ang ka-cute-tan ni Hino. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa batang lalaking ito.

"Tawagin mo siyang ate, Hino. Isa" pagalit na wika ni Hilda. Nagmamaktol na tiningnan ako ni Hino.

"Ate Faneya" labas sa ilong nitong sabi na tila labag sa loob nito ang mga salitang binigkas niya.

"Wala bang masakit saiyo Faneya?" nag-aalalang tanong ni Hilda kaya naman umiling nalang ako.

"Wala naman pong masakit. Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin" nakangiting pahayag ko dahil magaan naman ang loob ko sa kanilang mag-ina.

"Nasaan nga pala ako?" tanong ko kay Hilda na mukhang natigilan sa aking pagngiti. Hindi niya ata inaasahan na ngingitian ko sila. Sabagay kanina pa ako seryoso.

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon