Kabanata 15

27.5K 1.2K 44
                                    

Kabanata 15

Faneya

"BAKIT ka ba kasi nakasuot ng ganyan Seri? Ilang araw ng nababalot ng balabal ang iyong mukha" pangungulit na tanong sa akin ni Narnia habang kami ay naglalakad patungong silid-aklatan. Napagpasyahan namin na tumungo muna sa silid na iyon bago umuwi sa dorm tutal ay maaga pa naman.

"Sinabi ko na sayo, ayokong may nakakakita sa mukha ko" sagot ko naman sa kaniya na alam kong puro kasinungalingan lamang. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo.

"Psh. Para namang hindi pa nakikita ng buong Akademia ang mukha mo. Remember nung pumasok ka? Hindi mo man sabihin sa akin ay alam kong pinagtitinginan ka ng mga estudyanteng nakakakita sayo dahil sa itsura mong weird. Maging ang kaklase ko nga ay kilala kana" pagkukwento nito sa akin. Hindi na ako umimik. Wala rin naman kasi akong dapat na sabihin sa kaniya.

"Kahit sa dorm ay hindi mo yan tinatanggal. Yung totoo Seri, ano bang meron diyan sa mukha mo at parang ayaw na ayaw mong makita namin?" patuloy pa nito ng hindi ako magsalita. Napailing nalang ako. Ang daldal niya talaga.

"Ang kulit mo Narnia" saad ko naman sa kaniya. Sinimangutan naman niya ako.

"Hindi ako makulit. Gusto ko lang malaman kung ano ba yang pumasok sa utak mo at binalot mo sa balabal ang mukha mo" sabi pa nito sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Iyon nga ang dahilan kung bakit ang kulit mo. Nasabi ko na sayo kung bakit, hindi mo pa rin ako tinitigilan" kahit na naiinis na ako ay pinanatili kong pakalmahin ang aking tono.

"Hindi ko nga tanggap ang kasagutan mo. Tumingin ka sa paligid. Pinagtitinginan ka parin kahit takpan mo man ang mukha mo. Mas lalo ka lang nakakahatak ng atensyon" malakas nitong sabi sa akin. Napangiwi naman ako dahil pakiramdam ko ay mabibingi ako sa ginagawa niya.

"Pagnagsalita ka pa sisiguraduhin kong hindi kana makakapagsalita pa simula mamaya dahil susunugin ko yang dila mo" pagbabanta ko sa kaniya gamit ang seryoso kong boses kaya naman mukhang natakot siya.

Nang makarating kami sa may silid-aklatan ay agad akong nagtungo sa may dulo. Nakasunod naman sa akin si Narnia. Alam kong kanina niya pa gustong magsalita pero mukhang natakot talaga siya sa pagbabanta ko kanina.

Tumayo ako upang kumuha ng aklat na babasahin. Hindi naman kasi pwedeng magtitigan nalang kaming dalawa ni Narnia. Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa naman tumanga nalang.

Dinala ako ng paa ko sa may tagong parte ng silid aklatan. Tago ito dahil masyado ng madilim at natatakluban ng mga nagtataasang shelves. Mukhang wala ding tao ang napapadpad dito.

Itinaas ko ang aking kamay at pinasadahan ang mga libro habang naglalakad. Naramdaman ko naman si Roar sa bulsa ng aking coat kaya naman kinuha ko siya.

"Ikaw ang pumili ng librong babasahin ko Roar. Wala akong mahanap" pagkausap ko sa kaniya. Inangat ko ang aking palad kung saan nakalagay si Roar. Hinayaan ko siyang ilibot ang kaniyang paningin.

Itinaas ni Roar ang isa niyang paa na para bang may tinuturo. Sinundan ko ng paningin kung saan nakaturo ang paa ni Roar kaya naman napatingin ako sa isang lumang libro. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Walang pamagat na nakalagay kaya napakunot ang aking noo. Ibinalik ko si Roar sa aking bulsa. Binuklat ko ang unang pahina ng libro. Walang kahit na anong sulat. Pinaglo-loloko ata ako ni Roar. Anong babasahin ko dito. Binuklat ko pa ang mga sumunod na pahina kaya naman kumunot ang aking noo. Walang nakalagay na kahit na ano.

Ibabalik ko na sana ang libro ngunit natigilan ako. Umilaw ang libro kaya naman mahigpit ko itong niyakap dahil baka may makakita sa liwanag. Nang mawala na ang liwanag ay agad kumunot ang noo ko.

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon