Chapter 1: Hailey Vermillion

286 4 0
                                    

Sikat na artista ang nanay.
Mayaman na negosyante ang tatay.
Sikat na model ang ate.

Eh ako? Hindi ako katulad ng ibang babae na sexy, maganda, madaming kaibigan, mahilig magshopping, nakamakeup.

Well let me introduce myself.

Hailey Adriana Vermillion. Matabang oink oink ang asar nila sakin. Totoo naman yun kaya di na ako nagrereklamo. Hayaan na lang sila. Kasi pag pinatulan mo lalong la-lala. Gusto ko lang kumain nang kumain. Hobby kong kumain BWAHAHA. Mahilig akong kumanta. Pero sumayaw? No! Wag na baka biglang mawasak ang stage or kahit ano. Minsan nga sinasabihan nila akong wag tumalon baka daw kasi mawasak ang lupang tinatapakan ko.

"Haileeeeeeey! Buksan mo to magjajogging tayo!"

Hays ayan na naman si Ate Allyson.

Well model kasi sya. Hannah Allyson Vermillion. Dalawa lang kaming magkapatid at sya ang panganay. Lagi syang nagpapasexy at ayaw nyang tumaba. Syempre gusto nya ding sexy din ako. Pero pano? Lagi akong gutom. At nakakapagod ang magdiet. Yes napapagod akong magdiet. Kasi naman jogging, tapos laging nasa gym. Limited lang ang pagkain.  Diba nakakagutom yon.

"Hailey Adriana! Isang tawag ko pa sisirain ko tong pinto."

Naparoll eyes na lang ako. "Wait lang eto na."

Pagkabukas ko ay tumambad sakin ang ate kong galit na galit.

"What took you so long?! Nakailang tawag na ako sayo. Siguro kain ka nanaman nang kain."

Pumasok sya sa kwarto ko. Uh-oh nakita nya ang dalawang box ng pizza sa kama ko at isang milktea. Sama mo na rin ang mga chocolates.

"No more fatty foods okay?! Ngayon tara na at magjajogging tayo."

Hinihila ako ni ate Allyson pero natawa lang ako kasi di nya ako mahila. Kasi nga mataba ako at di nya ako kaya.

"Nagmamatigas ka ba?! Tara na."

"Okay fine tara na."

Sumunod na lang ako sa kanya. Pagkababa namin ay nakita ko naman ang sandamakmak na foods sa lamesa. Merong bacon, chicken, egg, ham, hotdog, carbonara, at macaroni.

Tumakbo agad ako at niyakap si mommy syempre pagtapos ay umupo ako at kumuha ng kanin. Kumuha din ako ng 1 bacon, 1 egg at kumuha din ako ng carbonara.

Susubo na sana ako pero pinalo ni ate ang kamay ko.

"Aww!" daing ko.

Nakita kong nakataas ang isang kilay nya. "Magjojogging tayo diba? At sabi ko minimize oily and fatty foods."

"Hayaan mo na ang kapatid mo. Masarap naman talagang kumain. Diba baby?"

Sumubo muna ako ng bacon, egg and kanin bago sumagot.

"Yesh mommy" sabay tango.

Natawa naman si mommy. "Ubusin mo muna yang nasa bibig mo."

Nagroll eyes lang si ate. "Yan kaya hindi makapagdiet yang si Hailey dahil kinukunsinti nyo."

"Its okay naman. Bata pa sya she's 17 pa lang hayaan mo muna syang ienjoy bago sya mag-18."

"Tsk okay, pero pagtapos mo dyan Hailey magjajogging tayo."

"Ugh okay! Mommy bat di kapa kumakain?" tanong ko.

"Thanks baby but its for you." sabay kindat sakin.

Pagtapos kong kumain ay dumighay ako nang napakalakas. Naligo na rin ako at nagjogging na nga kami ni Ate Allyson.

"Ateee! napa.... pagod na.... ako." hingal na hingal kong sabi.

"Walang pagod pagod. Tara na!" halatang hindi hingal si ate. Siguro ay sanay na sya.

"Pero ate kumain na tayo."

Tumango sya. "Pero ako ang kukuha ng pagkain mo."

Umangal agad ako. "Nooo! Pag ikaw kasi puro veggie foods ang sinasandok mo sakin. Hellooo! Im not vegetarian."

"Edi no more foods. Bahala ka magugutom ka."

Hays! Magulang talaga to si ate.

"Fine let's go. Nagugutom na talaga ako."

Nandito kami sa resto at nakita ko ang crush ko! Secret muna kung sino. Ang pogi talaga nya. Ang kapal ng kilay at ang tangos ng ilong. Nagulat ako nang iniangat ni ate ang baba ko.

"Stop staring at him, tumutulo ang laway mo."

N-nakanganga ako? Omg! Nakakahiya! Pero ang gwapo nya pa rin. Inubos ko na ang pagkain ko at umalis na din kami. Naunang pumunta sa kotse si ate.
Napatingin ako sa crush ko at nahuli ko syang nakatingin sakin waaaah! Kinikilig ako!

Aray! Huhu bwiset na bato naman to! Aw huhu ang sakit. Nagulat naman ako dahil tinulungan ako ni Dwight oops nasabi kona tuloy pangalan ng crush ko hmp.

"Anong nangyare sayo? Let me help you." kinuha nya ang kamay ko at may gasgas yun pati ang tuhod ko.

"Lil sis bat ang tagal mo----"

Saglit namang napahinto si ate at tumingin sa kamay namin ni Dwight na magkahawak.

"Let's go uhh thank you pero ako na bahala sa kanya."

Ano ba yan nakakainis umeksena pa si ate Allyson. Nakita ko namang umiiling si Dwight papasok ng resto at halatang inaasar sya ng mga kaibigan nya. Waaaaaaaah napahiya ko ba sya? Dapat kasi di na nya ako tinulungan eh. Hmp! Kainis. Pero mas nakakainis pa rin si Ate. Hawak hawak na ni Dwight ang kamay ko eh.

"What was that?" tanong ni ate Allyson.

Nagulat ako sa tanong nya.
"Ang alin ate?" pagmamaang maangan ko.

Tinignan nya ako ng masama. "Dont tell me boyfriend mo yun?"

Napailing agad ako.

"Good. Para syang playboy eh."

Tinignan ko ulit si Dwight na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya. Ang gwapo nya talaga!

"Hailey! Let's go!" sigaw ni ate.

Sumunod naman ako sa kanya at nagdrive na sya pauwi sa bahay namin. Tinignan ko yung kamay ko na hinawakan ni Dwight waaaaa agad naginit ang pisngi ko. Feeling ko namumula ako.

HIS MISTAKES HER REVENGEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora