Chapter 2: Adamson Family

184 3 0
                                    

"Aww! Ate naman eh nagasgasan na nga pati ang tuhod ko." sabi ko kay Ate habang ginagamot ako.

Patuloy lang sa paggamot ang ate ko nang marinig kong tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun sa table ko.

Dwight Adamson sent you a friend request.

Whaaaaaat?! Kinusot kusot ko pa ang mata ko pero walang nagbago.

"Waaaaaaaaaaa omgeeeee! I cant breathe. Oxygen pleaseeeee!" napatayo naman ako habang nagtatatalon.

"Hailey? Allyson? What happened?" nagpapanic si mommy habang tinatanong nya yun.

"I dont know mom, ginagamot ko lang ang sugat nya dahil nadapa sya kanina habang nagjojogging kami."

"Tapos ayan, nagsisisigaw sya. I thought inatake sya ng asthma nya." dugtong pa nya.

Nagsinungaling na lang din ako. "M-mom, D-dad nakakita po kasi ako ng ipis."

"Jusko naman Hailey, kinabahan na kami ng mommy mo sayo! Akala namin kung ano na ang nangyari." sagot ni Daddy.

"Oh sige. Magpahinga ka na baby. Allyson, Anthony tara na pagpahingahin na natin si Hailey." sabi naman ni Mommy.

Paglabas nila ay agad kong inaccept ang friend request ni Dwayne at chinat ko agad sya.

Me: Hi Dwight :)

Dwight: Hey.

Hindi ko maiwasan ang kiligin. Waaaaaaah!

Me: Thank you pala kanina ah.

Agad ko sinend yun at hindi maiwasan ang pag-ngiti.

Dwight: Welcome.

Me: Pano mo pala nalaman ang pangalan ko? :)

Dwight: Atheena.

K-kay Atheena? Kilala nya yun? Sa bagay, malapit ang pamilya nila Dwight sa pamilya nila Atheena. Si Atheena lang ang bestfriend ko sa school namin. Tanging sya lang ang nagtangkang kumaibigan sakin.

Me: Hehehe close pala kayo. Bestfriend ko yun eh.

Inantay ko syang magreply. 5 minutes na ang nakalipas pero di nya pa naseseen to. Ininbox nya lang ako.

Kinabukasan ay ginising ako ni Mommy. Pupunta daw kami sa bahay ng mga Adamson. At masaya ako dahil nandun si Dwight. Nasa byahe pa lang kami ay di ko maiwasang kabahan. Pano kung maalala ako ni Dwight? Pero hindi naman siguro. Eh sa laki kong to makakalimutan agad?

"Baby? May iniisip ka ba? Kanina pa kita kinakausap." sabi ni Mommy.

Nagulat naman akong napatingin sa kanya. "W-wala po, excited lang po akong mameet sila."

"I see. Sabi ko baka mameet mo ang tatlong anak nila."

Si Dwight?!! Omygooood! Hindi pa ako ready.

Isang oras lang ang byahe kaya nandito na agad kami. Sinalubong naman kami ng isang babae. Mukha sya si tita Annelia at isang batang babae. Ang cute.

"Haidelyn I miss you. Buti nakapunta kayo." sabi nya kay mommy.

"Of course Annelia, Sya nga pala ito ang bunso ko. Si Hailey Adriana." sabi naman ni mommy.

Nag-Hi naman ako sa kanya pati na rin sa batang babae na may hawak pang Hello Kitty stuff toy. Hinila nya ako para yakapin at bineso pa. Ang sweet!

"Ang laki mo na Hailey!" sabi ni tita Annelia sakin.

Natawa naman ako. "Halata naman pong ang laki ko eh."

Natawa din sya. Nag-Hi ako sa batang babae. "Hi baby ang cute mo naman." sabay pisil sa cheeks nya.

"Ikaw din po eh ang ganda po ng eyes mo. Color Gray." sabi nya naman habang yakap yakap ang stuff toy nya. Natuwa naman ako sa sinabi nya.

"Sya si Jade Desiree. Jade call your kuya."

Kinabahan naman ako. Hindi kaya si Dwight ang tawagin? Waaaaaa. Tumalikod naman ako.

"Mom, Tinatawag mo raw ako?"

Nagulat ako. Waaaaa si Dwight na kaya to?

"Iha bakit nakatalikod ka?" Tanong ni tita Annelia.

Dahan dahan naman akong humarap. At yes! Buti hindi si Dwight. Pero hawig sila. Kakambal nya kaya to?

"This is Dwayne. Wala si Dwight eh. Baka nasa girlfriend nya."

Baka nasa girlfriend nya.

Baka nasa girlfriend nya.

Baka nasa girlfriend nya.

Nag-Echo naman yon at paulit ulit kong naririnig.

"Baby? Nag-Hi sayo si Dwayne. Anong sasabihin mo?" nagulat ako nang tapikin ako ni mommy.

Nakakunot din ang noo ni Dwayne.

"H-hello" pagtapos kong sabihin yun ay nginitian nya ako. At tumalikod samin.

"Pagpasensyahan nyo na ang anak ko, ayaw nya kasing naiistorbo sya. Oh sige pumasok na kayo. At naghanda ako ng makakain." sabi ni tita Annelia.

Sumunod naman kami ni mommy dahil excited na akong makapasok sa bahay nila. Madami silang maids at iginala ko ang mata ko sa buong bahay nila. Ang laki! Siguro madaming kwarto sa taas. Hihihi.

Nagulat ako dahil may kumapit sa damit ko. Pagtingin ko si Jade pala.

"Ate Im sure magiging close kayo ni kuya kapag nakita ka nya!"

Sana nga maging close kami ni Dwight.

"Oh there he is! Kuya Dwayne tara!"

Sigaw ni Jade sa kuya nya. Napalingon naman ito samin at ngumiti. Lumapit naman sya samin.

"Kuya sya si ate Hailey! Ang cute nya no ang sarap pisilin ng cheeks!" sabi nya sa kuya nya.

"Talaga? Let me try."

Nagulat ako nang pisilin ni Dwayne ang cheeks ko.

"Ate Hailey sya si kuya Dwayne! Shake hands kayo ganto oh."

Kinuha nya naman ang kamay ko at kamay ng kuya nya tsaka pinagdikit yun at nagshake hands nga kami.

"Uhh N-nice to meet y-you." kinakabahan kong sabi.

Ngumiti sya at nagsilitawan ang mga dimples nya. "Nice to meet you too. Sayang wala si Dwight nasa girlfriend nya eh. Pero Im sure naman na masaya sila ng girlfriend nya."

Sige ulitin mo pa. Nasasaktan ako oh!

"Uyy! Ate Hailey, kuya Dwayne tara na nga."

Natawa naman ako dahil bata palang sya kung ano ano na agad ang pumapasok sa isip nya.

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now