Chapter 15

108 2 0
                                    

Nasa klase ako pero yung utak ko di makapagfocus. Naaalala ko parin talaga yung nangyari kanina. Ang saklap naman kasi ng nangyari eh kahit ako naiyak sa nangyari sa kanila. Hays sana naman kasi di na ginawa ni Brianna yun.

"Ms. Vermillion!"

Nagulat ako nung sumigaw ang professor namin. Kyaaaaah ano ba naman kasi eh huhuhu bat naiisip ko sila!

"Ms. Vermillion are you with us?! Kung hindi ka nakikinig, go out."

Napayuko nalang ako. "Im sorry prof."

"I said out!"

Hays. Inayos ko agad yung bag ko at napatingin ako kay Atheena. Di nya pa din ako pinapansin. Bakit kaya? Hays nako naman. Nagpunta muna ako sa may field at naupo dun sa may pinakamalapit na puno. Makaidlip nga muna ngunit di pa man ako nakapikit nung nakita kong kinakaladkad ni Brianna si Bhrittany. Kyaaaah! Lumapit naman ako sa pwesto nila. Isa isa ding nagsilapitan ang mga estudyante.

"Oh guys come on! Magsilapitan pa kayo dito." sigaw ni Brianna.

Napapaiyak naman si Bhrittany dahil siguro sa pagkakasabunot ni Brianna.

"Guys check this out di ko na patatagalin! May sikreto kayong dapat malaman! It is all about my sister. Oh actually my half sister!"

"Hala half sister daw."

"Baka ampon lang si Bhrittany."

"Kaya pala di sila magkamukha no."

"Tanga half sister nga teh diba, malamang magkadugo pa din sila."

Napanganga naman ako. Gusto kong tulungan si Bhrittany pero nagtutulakan ang mga tao dito sa field. Hindi ako makasingit.

"Yup tama yung narinig nyong lahat! Si Bhrittany ay half sister ko lang! Dahil nabuo lang sya sa pagkakamali ng dad ko!"

Napatingin naman ako sa isang sumabat. "Eh Brianna bakit nakatira lang kayo sa iisang bahay? And yung mga kapag may meeting, iisang magulang lang ang nagpupunta sa inyo. Bakit ganun?"

"Oh thankyou for that wonderful question. Simply because ang mommy ni Bhrittany ay iniwan na sya sa dad ko! In short kabit lang ng dad ko ang mommy ni Bhrittany! And wait there's more may mga usap usapan ding prostitute ang mommy ni Bhrittany so baka nga di sya anak ni daddy eh." sabi ni Brianna at halos matanggalan na ng anit si Bhrittany dahil sa gigil na pagkakasabunot nito.

Halos napuno ng bulungan dito sa field. Tuluyan nang naiyak si Bhrittany at naaawa ako sa kanya. Wala na akong pake kung sino ang matulak ko basta pumunta nalang ako sa gitna.

"Brianna tama na! Wala syang kasalanan kung anak lang sya sa pagkakamali." sabat ko.

Lahat naman sila ay nagtinginan sakin na halos puno ng pagtataka.

"Oh ang butihing kaibigan ni Bhrittany. And sino ka naman para manghimasok sa buhay namin?"

Di naman ako nakasagot at parang nabuhayan ako ng loob dahil may isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Hindi naman kasalanan ni Bhrittany yun eh."

Si Atheena! Hays pinagtanggol nya si Bhrittany! So ayos na nga talaga sila!

"Dahil si Hailey talaga ang nagsumbong kay Dwight sa ginawa nyo ng kapatid nya."

Halos parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya. Ano?! Wala akong sinusumbong!

"Atheena?! Wala akong sinumbong kay Dwight!" sagot ko.

Napatingin naman silang lahat sakin. Ang sama ng tingin sakin ni Brianna, samantalang si Bhrittany naman ay masama ang tingin kay Atheena.

HIS MISTAKES HER REVENGEOnde histórias criam vida. Descubra agora