Chapter 11

121 2 0
                                    

Napadaan kami sa tambayan nila Dwayne at nandun nga sila Dwight, Dwayne, Charles, Karl at kasama nila si Brianna at Ikha.

"Wow feeling close kila Dwayne." sabi ni Atheena.

Hindi na lang ako nagsalita at nagplay ng music.

[Now playing: For all of my life by MYMP]

Come and lay here beside me
I'll tell you how I feel
There's a secret inside me
Im ready to reveal

To have you close embrace your heart
With my love
Over and over
These are things that I promise
My promise to you

Saktong lyrics na at napatingin ako kay Dwight na seryosong nakatingin sakin.

For all of my life
You are the one, I will love you
Faithfully forever
All of my life you are the one
I'll give to you my greatest love

Ako na ang nagiwas ng tingin at sumunod na kay Atheena na nauna maglakad. Nakakarelate ako sa kanta dahil di ko maamin kay Dwight na gustong gusto ko sya.

Nagring na ang bell at uwian na. Niyaya ko si Atheena sa bahay dahil nagbake si mommy ng cake at hindi ko naman mauubos yun dahil wala akong gana kumain. Naalala ko kung pano ako tignan ni Dwight parang may gusto syang sabihin.

Dirediretso lang akong pumasok sa bahay at nakita ko si Jade na nakangiti agad sakin at niyakap ako. Napatingin naman sya kay Atheena at parang nagtataka kung sino yung kasama ko.

"Uh Jade sya si Atheena kaibigan sya ng kuya mo." sabi ko at nakangiti sa kanya.

"Hi Jade!" kinawayan pa ni Atheena si Jade. Pero nilagpasan lang nya ito at pumunta sakin.

"Ate I miss you na! Can I borrow your playlists? You said na nakakarelax yun! Can I borrow? Please." ani Jade at nagpuppy eyes pa sya. Ngumiti naman ako at tumango umakyat agad ako sa kwarto ko at kinuha yung album ng MYMP. Puro kanta nila yun maswerte nga ako at naabutan ko pa eh mabilis pa naman magsold out yun. Bumaba na ako para ibigay kay Jade at nakita ko si Atheena na nakasimangot.

Inabot ko naman kay Jade at "Yeeyy! Thank you ate!" sabay yakap sakin. Nagpaalam na syang uuwi kasama ang yaya nya.

Niyaya ko si Atheena sa dining area. "Oh anong problema mo?"

"Yung kapatid kasi ni Dwayne ang sungit gusto ko na nga syang sampalin eh!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Kinwento ko kasi sa kanya na may gusto ako sa kuya Dwayne nya. Aba tinarayan ba naman ako at sinabing 'I dont like you for my Kuya, and I think he dont like you too.' Diba ang sungit." sabi nya at umupo na sa table.

Umalis si mommy kasama si Manang Lolet at nagpunta sila sa botique ng ate ko. Kaming dalawa lang ni Atheena dito.

"Baka naman nainip lang kakahintay satin."

Bumulong naman si Atheena at di ko naman yun narinig. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko at umalis na din si Atheena na nakasimangot pa din. Umakyat ako sa kwarto ko at nagshower. Pagtapos ay naglog in ako sa Fb ko at nakita ko ang post ni Dwight.

Dwight Adamson

I wanna tell you I was feeling that way too

Lyrics yun ng Especially for you by MYMP ah? Parang bigla akong kinabahan. A-anong ibig sabihin? M-may gusto din ba sya s-sakin? P-pano nya n-nalaman? Ayoko na isipin! Ayokong umasa sa wala. Alam ko namang malabo nya akong magustuhan eh.

[tok tok tok]

"Pasok po!" sagot ko.

"Anak may naghahanap sayo sa baba! May isasauli daw sya."

Huh? Sino naman kaya yun? Tumayo naman ako at nagayos ng sarili ko at bumaba na.

"Mommy sino daw po yung naghahanap---DWIGHT?!"

Parang namula ako dahil nakita ko ngayon si Dwight dito sa bahay. Lumapit naman ako sa kanya at NAKITA KO YUNG ALBUM NG MYMP NA HAWAK HAWAK NYA!!!!!

"Uh Hailey ibabalik ko na to sayo tapos ko na kasing pakinggan yung mga kanta."

A-ano?! Diba si Jade yung nanghiram bakit sya yung gumamit?

"P-panong n-napunta yan s-sayo?"

Kyaaaaah! Nauutal akoooo!

"Binigay to ni Jade kanina sakin hiniram daw nya sayo at sinabing pakinggan ko daw."

What?! Kaya pala nagpunta dito si Jade para lang hiramin yun at ipakinig sa kanya!!!!

"A-ah sige m-maganda ba?"

"Mas maganda ka---- I mean oo maganda yung mga kanta ng MYMP"

Namumula si Dwight!!!!! Bakit kaya? Tyaka anong sabi nya maganda ako?! Lasing ba sya?!

Kinuha ko naman agad yun at "Sige na g-gabi na eh umuwi ka na bye!" tumalikod na ako at umakyat sa taas. Pero napahinto ako sa paglalakad nung magsalita si mommy.

"Dwight di ka ba kakain dito?"

Kyaaaaah mommy naman eh! Nakakahiyaaaaa! Humarap naman ako kay Dwight at naghihintay ng sagot nya. Nakatitig lang sya sa mata ko bago sya sumagot.

"Ah hindi na po uuwi na din po ako tita."

Tita?! Kyaaaaah! Kelan pa? Kelan mo pa naging tita si mommy?! Pumasok na ako sa kwarto ko humiga sa kama ko. Wala namang pasok bukas eh kaya okay lang na magpuyat ako. Scroll lang ako nang scroll sa fb ko at nakita ko naman ang isa pang post ni Dwight 3 minutes ago.

Dwight Adamson

Looking in your eyes, I see a paradise.

Bakit parang natatamaan ako? Shems!!! Nakatitig kasi sya sa mata ko kanina habang kinakausap nya ako!!! Bakit ganuuuuun? Kyaaaaah pero pag nasa school di nya naman ako pinapansin tas dito sa bahay kung tawagin nyang TITA si mommy parang ano eh parang kakaiba. Nagscroll lang ako nang nagscroll hanggang sa nakatulog ako.

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now