Chapter 17

213 2 1
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil nakauwi na si ate Allyson sa bahay namin. Isang linggo lang sya sa London at ngayon ay nandito na sya. Inasikaso nya kasi yung mga dress na gagamitin sa fashion show don. Ngayon ay maayos na ang pagpapatakbo ng Botique nya dito sa pilipinas. Bumaba agad ako at nakita kong nandun na si Ate sa sala at halatang di pa natutulog.

"Good Morning ate! Good Morning mommy!" bati ko.

"Oh ang aga mo naman magising, 6:30 palang ah? 8:00 pa ang pasok mo." sabi ni Ate.

Nakatingin naman si mommy sakin. "Oo nga anak, it's unusual. Diba ayaw mo pa ngang ginigising ka. Matulog ka na muna anak."

Ngumiti naman ako. "Mommy gusto ko maaga magising para makausap ko si Ate."

Gulat na napatingin sakin si Ate Allyson. "Whoa seryoso ka ba dyan o baka may gusto kang ipabili sakin?"

Umiling naman ako at tumabi sa kanya.

"Ate may pasalubong kaba sakin?" tanong ko.

"Psh kunin mo sa maleta ko don."

Natuwa naman ako. Sabi na eh papasalubungan ako ni Ate ng chocolate na paborito ko galing London. Kinuha ko naman agad ang maleta nya at binuksan yun. Hinanap ko yung chocolate pero wala talaga. Isa isa kong nilabas ang mga damit ni Ate.

"Asan na yun?" bulong ko.

Nilapitan naman ako ni Ate. "Ano pang hinahanap mo dyan?"

"Yung pasalubong mo sakin. Nasan ba yun? Nako Ate ha baka kinalimutan mo!" sagot ko.

May kinuhang maliit na bag si Ate sa maleta. Nanlumo naman ako sa nakita ko. Hays crop top at iba pang mga sexy na damit. Eh hindi nga magkasya sakin yan eh.

"Ate ano namang gagawin ko dito?" tanong ko

"Uh? Susuotin?"

Tsh pilosopa. Hays wala akong nagawa kundi umakyat sa kwarto ko at nagonline.

Dwayne Calling....

Sinagot ko naman iyon. "Uh hello?"

"Where are you? Samahan mo kami. Nawawala si Dwight!"

Nagulat naman ako. "WHAT?!"

"Oo kaya tara na samahan mo kami maghanap!"

"Wala ba sa mga kaibigan nyo? Baka kasama sila."

"No! Nagaalala na kami."

Ang aga pa ah? San naman kaya nagpunta yun? Nagaalala ako baka mamaya kung anong mangyari sa kanya! Pumunta agad ako sa bahay nila Dwight.

"Asan si Dwight? San sya nagpunta?"

"I dont know! Baka makasama nanaman sa kalusugan ni mommy pag nagalala pa sya." sabat ni Dwayne.

Umiling lang si Atheena.

"Ate Hailey!"

Napalingon ako sa sumigaw. Si Jade pala. Tumakbo sya papunta sakin at umupo naman ako para mayakap ko sya.

"Why are you here? I miss you!"

Ngumiti lang ako. At hinarap ko sya sakin. Nakita ko namang nakangiti din sya sakin.

"Imbes na hanapin natin si Dwight, nagdadramahan pa." sabat ni Atheena.

"Then go find him, I'm sure kuya Dwight is alright."

"What? Duh, I'm just concerned here what's the problem?" sabi ni Atheena at tinarayan pa si Jade.

"Problem your face." Ani Jade at dinilaan pa si Atheena.

Nagulat ako sa inasta ni Jade. Ayaw nya ba kay Atheena?  At napatingin ako kay Atheena na may binulong pa sa hangin.

"Jade you're being rude to her. Say sorry." pangaral ni Dwayne.

"Why should I kuya? Kuya Dwight is alright no need to worry."

Hindi kaya??? May sinasabi si Dwight kay Jade at baka alam ni Jade kung nasan si Dwight?

"Jade may sinabi ba si kuya Dwight mo kung saan sya pupunta?" tanong ko.

Lumapit sya sakin at may binulong. "Yes ate, secret lang po para hindi magalala si mommy."

Nanlaki ang mata ko. I knew it. Si Jade lang ang mapagsasabihan nya kung saan sya pupunta.

Bumulong din ako. "Saan sya nagpunta?"

"Sa Hotel po namin." Ani Jade sabay ngiti.

Nanlaki ang mata ko. Malapit sa rest house nila? Edi ayos lang si Dwight?

"Hello? May tao din dito, baka pwede nyong ishare yang pinaguusapan nyo." sabat ni Atheena.

Napatingin ako sa kanya at nagiwas naman sya ng tingin. Kung mabuti naman pala ang kalagayan ni Dwight edi wala dapat ipag-alala. Umuwi na ako sa bahay at hindi muna ako papasok.

"Mommy pwede po ba akong umalis ngayon?" sabi ko habang nakakagat labi.

Takha akong tinignan ni mommy.

"Uhm sige po kung ayaw nyo okay lang." nakangiti kong sabi.

"San ka naman pupunta Iha?" ani Manang.

"Uhm magoovernight po kila Bhrittany." nakayuko kong sabi.

Gosh! Ayokong magsinungaling pero nagawa ko na. Huhu I'm sorry mommy! Im lying!

"Sure, hanggang kelan ka dun baby?" tanong ni mommy.

Nanlaki ang mata ko at ngumiti. "3 days lang mommy!"

Nagpaalam na ako sa kanya at balak kong isama si Jade para naman masamahan nya ako. Kaso pano ko sya matatawagan eh wala naman syang phone? Sunduin ko na lang kaya? Ah tatawag na lang ako sa telepono nila. Naligo na ako at nagimpake pagtapos ay tinawagan ko na ang telepono nila.

"Hello po?" kinakabahan kong sabi.

"Good morning po! Adamson's Residence. How can I help you mam/sir?"

Wow parang jollibee lang. Hmp nagutom tuloy ako!

"Ah si Hailey Vermillion po ito. Kay Jade Adamson po sana." sabi ko.

Nagantay pa ako ng ilang minuto.

"Hi ate Hailey!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Jade.

"Hi Jade! Pwede mo ba akong samahan sa kuya Dwight mo? Puntahan na lang kita dyan ah! Bye."

Agad kong pinatay ang phone. Nagpaalam na ako kay mommy na aalis na. Ganun din kay ate at manang. Nagpunta agad ako sa Adamson's Residence para sunduin si Jade. Pinapasok na ako ng maid at nakita ko ang mommy nila Dwight.

"Good morning po." kaswal kong bati.

"Good morning din iha. Maupo ka muna." sagot nya naman.

"Ah hindi na po tita, ipapaalam ko lang po sana si Jade sa inyo. Kung pwede pong sumama sya magovernight samin." Pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay kay Dwight kami pupunta.

Napangiti naman sya. "Oo naman."

Pababa na si Jade at ang dami nyang dala dala. May dala syang back pack, meron ding bag para sa lalagyan nya ng pagkain, at meron ding bag para sa mga laruan nya.

"Jade anak bakit ang dami mong dala? Dont tell me, si ate Hailey mo ang magbubuhat nyan para sayo?" tanong ng mommy nila.

"No mommy, I can handle this. I am big girl na mommy." sagot nya at nakangiti pa.

Natawa naman ako dahil halatang nabibigatan na din sya pero kinakaya nya lang.

"Jade iwan mo na lang yung mga laruan mo dito. Ibibili na lang kita ng bago." sabi ko.

"Talaga ate? Yeheyyy!!" sigaw nya.

"Jade anak wag kang makulit kay ate Hailey mo. Hindi pa sya pwede magkaroon ng anak." nakangiting sabi ni tita Annelia.

Natawa naman ako. Nagpaalam na kami ni Jade at umalis na. Inihatid kami ng driver nila at nagpababa kami sa malapit na restaurant para kumain. Ang sabi ni Jade magtaxi na lang kami papunta sa hotel dahil malapit na naman daw. Kumain na kami at pumunta na sa hotel.

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now