Chapter 3

176 2 0
                                    

Nasa dining table na kami at kakain na din kami. Katabi ko si Jade at gusto ni Jade na tumabi sakin at ang katabi naman nya ay ang kuya nya. Kaharap namin ang mommy nila at si mommy. Ganito ang set up sa pagkakaupo.

Mommy, Tita Annelia.
Ako, Jade, Dwayne.

Ang daming pagkain dito sa lamesa pero dahil hindi naman ako kumain kanina ay napadami ang pagkain na kinuha ko.

"Ate are you sure na mauubos mo yan?" tanong ni Jade.

Aba! Walang tiwala.

Tumango naman ako at kumain na. Nakita kong umiling si Dwayne at nagsimulang kumain na din. Nagusap naman sila mommy at tita Annelia sa business namin at sa business nila. Niyaya naman ako ni Jade na pumunta sa kwarto nya.

"Ang ganda ng kwarto mo Jade, mahilig ka pala sa Hello Kitty."

Nilibot ko ang kwarto nya at puro Hello Kitty stuffs. Pati ang mga dingding at kumot nya ay Hello Kitty rin. Kinalabit nya naman ako at sinabi nyang umupo ako. Nagulat ako nang isuot nya sakin ang kwintas na Hello Kitty.

"Jade sayo ito, kaya ikaw na lang ang magsuot." sinabi ko yun at umiling sya.

"Ayoko ate, sayo na lang yan okay lang para pag namimiss mo ako hahawakan mo lang yan."

Ang sweet naman ng batang to. Nagisip naman ako ng pwedeng ibigay sa kanya. At naalala ko ang bracelet ko na may Heart Beat kinuha ko yun sa bulsa ko at ibinigay sa kanya.

"Sorry Jade hindi kasya sayo to dahil masyadong malaki at maluwang. Itabi mo na lang yan ah? Para pag namiss mo din ako hawakan mo yan."

Nagulat ako sa ginawa nya dahil isinuot nya yun sa Hello Kitty stuff toy nya. Buti na lang ay pwedeng iadjust ang bracelet ko kaya nagkasya pa. Ginawa nyang kwintas yun. Nakita ko naman si Dwayne na nakangiti at pumasok sa kwarto ni Jade.

"Mukhang close na kayo ah?" sabi nya at hinalikan si Jade sa pisngi. Namula naman ako sa sinabi nya.

"I think gusto ka ni Jade. Gusto ka nyang maging ate." dagdag pa nya kaya mas namula ako sa sinabi nya.

Hindi kaya gusto ni Jade na magpakasal kami ni Dwight? Omg! Ang bata pa nya para magisip ng ganon. Pero hindi nya naman alam na crush ko si Dwight ah? Gulat ako nang tapikin nya ako.

"Lutang ka ba? Hahaha sabi ko ang cute ng mata mo. Contact lens ba yan?" tanong ni Dwayne.

Umiling naman ako. "Natural to. Tsaka hindi ako nagcocontact lens."

Madaming nagtatanong sakin kung natural daw ba ang mata ko. At hindi ko sila sinasagot. Ewan ko kung bakit biglang nasabi ko sa kanya yun.

"Kuya picturan mo kami ni ate Hailey." nakangiting sabi ni Jade sabay abot ng iPad nya at umupo sa hita ko.

"Sure. 1 2 3 smile! Oh kami naman." sabi ni Dwayne.

"Kuya isa pa!" sabi ni Jade habang nakasimangot. Sa pangalawang shot ay yumakap sya sakin at ngiting ngiti. Kinuha nya naman ang iPad nya at nakita kong winallpaper nya ang picture na nakayakap sya sakin.

"Oh kayo naman, kuya iprofile mo sa facebook mo ha."

Hinila naman nya ang kuya nya at pinagdikit kami. Nakita ko na nagulat si Dwayne at tumabi na lang sakin. Tumayo si Jade at nagbilang. Sa unang shot ay nakangiti kaming dalawa.

"Wacky naman kayo! Ganto oh te Hailey" Sabi nya at nagdila pa. At sa pangalawa ay nagwacky kami.

Niyaya kaming dalawa na maglaro kasama si Jade. Nagluto-lutuan kami at naghabulan din. Mabilis akong natataya dahil mabigat ako at mabagal akong tumakbo.

"Jade stop na, mukhang pagod na si ate Hailey mo." sabi ni Dwayne at nagpupunas pa sya ng pawis nya.

Niyaya nila akong kumain at nagbake naman ng cupcake si Dwayne. Ang sarap ng cupcake na ginawa nya. Kinagabihan ay umiyak si Jade dahil uuwi na kami. Niyakap nya pa ako at tinanong kung kelan ako babalik. Ang cute lang nya kasi ayaw nyang umalis sa pagkakayakap sakin. Habang nasa sasakyan kami ay natutuwa si mommy dahil daw close na kami ni Jade at ni Dwayne. Kinwento ko rin kay mommy na binigyan ako ni Jade ng kwintas.

Nagulat ako nang nasa kwarto ko ang bestfriend ko. "Atheena nandito ka pala! Sana tinawagan mo akong pupunta ka."

"Okay lang, tsaka balita ko pumunta daw kayo kila Dwight? Ano nagpapansinan na kayo?" tanong nya.

Umiling ako. "Nope, wala sya kanina. Si Dwayne at si Jade lang ang nandoon."

"Sinabi ko naman kasi sayo may jowa na si Dwight. Remember? Brianna Jean Martinez." sabi nya sa sarkastikong tono.

Kumunot ang noo ko. "Crush ko lang naman yun Atheena, so what's your big problem?"

"My problem is dapat iba na lang ang crush mo. Wag sya. Ayoko maging-----ayokong magkacrush ka dun. Basta bawal!" sigaw nya.

"What?! Atheena are you sick? Paghanga lang yun okay? Di ko sya mahal."

"Fine, uuwi na ako. Akala ko pa naman makakapagusap tayo nang maayos pero mukhang pagod ka." sabi nya.

Bago nya sinara ang pinto ay may sinabi sya pero di ko na narinig. At nagshower na ako tsaka kumuha ng snacks at nagisip ng mga bagay na pwedeng isipin.

Posible kayang may gusto si Atheena kay Dwight? Kasi kung paiwasin nya ako parang nagseselos sya eh. Hindi! baka naman ayaw nya lang akong masaktan kaya pinapaiwas nya ako. Pero di naman playboy si Dwight. Hehehehe badboy lang! Eh kung tanungin ko kaya sya? Wag na. Hays makatulog na nga lang. ZzzzZzzzZ.

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now