Chapter 8

129 2 0
                                    

Nandito kami sa canteen kasama ko sina Bhrittany at Atheena. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Dinig na dinig ko ang mga bulungan nila.

"Psh kinaibigan si Bhrittany para di na mabully."

"Omg! Gold digger. Nagpalibre pa kay Bhrittany."

"Truth buti nga kinaibigan sya ni Bhrittany eh."

"Edi tatlo na sila psh ang panget ng dalawa. YUNG ATHEENA AT HAILEY."

Sabay sabay silang nagtawanan.

Lumapit si Atheena sa mga nagbubulungan. "Excuse me mga basura. Pinagbubulungan nyo kami ng bestfriend ko?"

Inawat ko naman sya at sinabing hayaan na lang. Palaban talaga to si Atheena. "Kung pinagbubulungan nyo kami ang tatanga nyo. Pinaparinig nyo pa samin. Duh anong sabi nyo gold digger? Well how 'bout you? A Famewhore? Kinaibigan nya si Bhrittany para hindi ma-bully? Do you eve----"

"Look who's talking a bitch and a...... pig?"

Hindi na natuloy ni Atheena ang sasabihin nya dahil sumabat si Brianna tumigil pa sya ng bahagya bago nya sabihin ang 'pig'. Nagtawanan naman ang mga tao sa canteen. Napatungo nalang ako at tumakbo palabas.

"Fuck! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan----Hailey?"

Napatingin ako sa nagsalita. "Dwayne, Im sorry." Napayuko ako at naglakad. Di ko maiwasang maluha. Tama nga siguro si Dwayne at si Atheena. Kung pinaalam nina Mommy na isa akong anak ni Anthony Vermillion baka walang mambully sakin dito. Pero ayoko eh, ayokong may masabi pa rin sila na isa akong anak ni Anthony Vermillion kasi napagiiwanan ako dahil sexy ang ate ko, maganda ang mommy ko pero ako? Isa lang akong matabang oink oink na pinagtatawanan at inaasar nila.

"Hailey? Are you okay, bakit umiiyak ka?"

Nagulat pa ako dahil inangat nya ang chin ko dahil nga nakayuko ako. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may umakbay sakin at nagulat ako dahil si Dwight yun.

"Kamusta Hailey? Bakit ang sad mo naman yata tsaka wala ang bestfriend mo" ani Dwight habang nakapout.
 
Gusto kong matawa dahil mukha syang bibe. Napangiti nalang ako at naglakad. Nakahinga ako ng maluwag dahil umalis sya sa pagkakaakbay at tumatawang bumalik sa mga kaibigan nya.

"Baboy"

"Matabang oink oink"

"Mataba na nga malandi pa."

"Matalino nga malandi naman."

"Dwight and Dwayne? Who's next?"

"Baka yung dalawa pa nilang kaibigan.

"What? Charles and Karl? Sumosobra naman ata yang Hailey nayan."

Napalingon ako sa mga nagsalita. At nanlaki ang mata ko dahil inaasar nila ako. Ano pabang bago ganyan naman sila lagi eh. Mga walang magawa sa buhay.

"Haileeeeeey!" nagulat ako sa sumigaw.

Hinawakan ni Atheena ang dalawang balikat ko at pinatalikod sa kanya. Anong ginagawa nya? Lakas ng trip.

"Oh" sabi nya at may binigay na papel sakin.

Tumingin ako sa kanya at binasa ko ang nakasulat sa papel. Ano naman kay---- LIBRE LAIT?! Sino ang naglagay nito sa likod ko? Kaya pala may nangaasar sakin pag naglalakad ako.

"Sino namang gago ang nagdikit ng ganyan sa likod mo?" tanong ni Atheena.

"Si Dwight." Sya lang naman ang nagakbay sakin. At sya ang may pakana nito.

"Si Dwight?! Humanda talaga sakin yang damuhong yan!"

"Maghunos dili ka nga Atheena! Hayaan mo na sya. Sanay na ako."

"Sanay ka na? Kaya mas sasanayin mo pa ang pangaasar nila sayo?!"

Napansin kong nandito kami sa tambayan nila. Nandito si Dwight at si Dwayne. Napayuko ako dahil diko na mapigilan si Atheena. Napalingon naman sila samin at napalingon din ang mga estudyante.

"Hoy Dwight Adamson! Ang kapal ng mukha mo!"

"A TRASH."

"OMG GIRL SI ATHEENA SINUSUGOD SI DWIGHT."

"ANG TAPANG NAMAN AKALA MO UUBRA."

"WHAT THE? PATI SI DWIGHT AAWAYIN? KAPAL NG MUKHAAAA"

"What the fuck?! Inaano kita?" nagtatakang sabi ni Dwight.

"Wala kang ginawa sakin pero kay Hailey meron!" ani Atheena at pinakita ang papel na may nakasulat na 'Libre lait'

Nagtawanan naman silang magkakaibigan bukod kay Dwayne na ang sama ng tingin sa kapatid na si Dwight.

"Oh ano naman? Diba sanay na yang kaibigan mo sa pangaasar."

"Tapos? Porket sanay na sasamantalahin nyo na? Fuck you!"

Kung kaninang tumatawa si Dwight biglang sumeryoso ang mukha nya. Kaya binulungan ko si Atheena na umalis na kami dito. Pero di sya nakinig.

"Who do you think you are? Kung mura-murahin moko ano close tayo? Tsaka wag mo na ngang ipagtanggol yan si Hailey. Ang laki laki ng kaibigan mo tas di nya kaya sarili nya? Nagpapatawa ka ba!" ani Dwight at nagtawanan ang mga kaibigan nila.

"Porket malaki ba kaya na ang sarili?! Ayaw lang nyang lumaban sa inyo kasi may pinagaralan sya! Eh kayo? Wala kayong pinagaralan!"

"Atheena could you please shut the fuck up! Nakakarindi yang bunganga mo. Putak ka nang putak!"

"Bakit? Anong akala mo sakin mahina? Go payt me! Payt me!!!!"

Lumapit naman si Dwight kay Atheena. "Ah hinahamon mo ako? Akala mo ba natatakot ako sayo? Ginagago mo yata ako eh." at nagsmirk.

"Enough! Dwight magusap tayo mamaya sa bahay." seryosong sabi naman ni Dwayne at umalis.

Napalingon ako sa kanya dahil naglalakad sya palayo samin. Napatingin ako kay Dwight at ang sama sama ng tingin sakin. Napaiwas nalang ako ng tingin at hinila si Atheena palayo sa kanila.

"Hailey sa susunod naman wag ka na dumikit sa kanila! Mga mapangtrip yun!"

Tumango naman ako. Ayoko na magsalita. Baka magaway si Dwayne at Dwight!

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now