Chapter 14

116 2 0
                                    

*yawn

Inaantok na ako gusto ko na umuwi. *kruk kruk kruk kyaaah! Nagugutom na akooo.

"Uh Jade puntahan ko lang kuya mo ha, uuwi na ako."

"Sige po ate" at nagsmile naman sya sakin. Aww so cute!

Papunta ako sa room ni Dwight at kumatok. *tok tok tok

Huh? Walang tao? Eh sabi nya aakyat daw sya sa room nya ah. Isa pa. *tok tok tok

Kyaaaah bat walang lumalabas! Huhu magtataxi na lang ako pauwi. Bumaba na ako at dumiretso sa garden.

"Jade uuwi na ako ha tulog ata si Dwight, magtataxi na lang ako. Pasabi sa kuya mo ha. Bye!"

Kumaway naman ako at hinatak nya ako pababa sa kanya. Napaupo naman ako. Nagulat ako nung halikan nya ako sa pisngi. Huhu bebe you're so sweet!

"Ingat ka ate!" at nagbabye sya sakin.

Nasa bahay na ako nung makita ko si Bhrittany sa sala namin. Umiiyak sya at magulo ang buhok nya. Anong nangyare dito?! Lumapit ako sa kanya at niyakap nya ako.

"Anong nangyari Bhrit?"

Humihikbi pa sya. "Bigla---ako sinugod---ni Atheena"

Si Atheena? Bakit?! Nagpunas lang sya ng luha nya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Nakita nya kami ni Dwayne sa mall, nagkalapit yung labi naming dalawa ni Dwayne."

Nagulat naman ako! Ano?! Pano yun!

"Nasa mall ako para bumili ng bag ko tapos nagulat ako nung may tumakbong pusa sakin. You know naman diba I dont like cats. Kaya naman napakapit ako sa kung sinong lalaki kaya pareho kaming natumba. Napapikit ako ng mata pero nung dinilat ko ay natigilan ako si Dwayne yun. Parehong magkalapit ang labi namin at naghingi kami ng sorry sa isa't isa. Nung papunta na ako magisa sa parking lot, sinabunutan nya ako at sinampal. Pinagsabihan pa nya ako ng nilalandi ko daw si Dwayne." Pagpapatuloy ni Bhrittany.

Bigla naman akong nainis. Hindi naman nya pagaari si Dwayne. Pero gayunpaman kinausap ko si Atheena at sinabing makipagayos kay Bhrittany. Hays patay na patay kay Dwayne.

Kinabukasan ay nagpunta naman ako sa bahay nina Bhrittany upang kamustahin sya. Medyo kinakabahan nga ako dahil nasa iisang bahay lang sila ng ate nya eh. Baka awayin ako nun, bahala na nga. Okay lang yan Hailey para sa kaibigan mo to hindi kay Brianna.

*ding dong doorbell

Pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila. Hinanap ko naman si Bhrittany at sabi nung kasambahay nila ay umakyat lang ako sa taas makikita ko agad ang room ni Bhrittany. Sinunod ko naman yun. Hinanap ko agad pero tatlong kwarto ang nandun. Inalala ko yung sinabi nung kasambahay na makikita ko agad yung kwarto ni Bhrittany kaya nagtungo ako sa gitnang kwarto. Pero laking gulat ko dahil sa nakita ko.

"Shit!"

"What?!"

Naghahalikan si Dwayne at Brianna! Kyaaaaah ano to?! Bakit naghahalikan sila? Alam ba ni Dwight to?! Napahawak naman ako sa buhok ko dahil sinasabunutan ako ni Brianna.

"What the hell are you doing here dumb bitch?!" sigaw sakin ni Brianna.

"Aray Brianna ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Kyaaah ang sakit feeling ko mabubunutan ako ng anit nito.

"Brianna stop. Bitiwan mo na sya." Kalmadong sabi ni Dwayne.

"Dont tell anyone tungkol sa nakita mo! Hindi lang yan aabutin mo sakin."

"Hindi pwede! Niloloko nyo si Dwight! Ikaw Dwayne, kapatid mo si Dwight pero nagawa mo to? Di ka ba nandidiri?"

Sinampal naman agad ako ni Brianna. "Dont tell Dwight na naghalikan kami ng kapatid nya kundi---" Bahagyang napatigil si Brianna at napalingon sa likod ko.

Nagulat ako nung nakita ko si Bhrittany na napahawak pa sa bibig nya.

"Ate are you out of your mind? Boyfriend mo si Dwight pero what the hell is this? Naghalikan kayo?! No I'll assure that Dwight know all about what you two doing."

Sinampal ni Brianna si Bhrittany. Kalmado lang na nakatingin si Dwayne sa kanila.

"Dont dare to tell anyone Bhrittany! Or I would spill your fucking secret!"

Pareho kaming nagulat ni Dwayne. Anong sikreto yun? Papalit palit lang ang tingin namin ni Dwayne sa magkapatid. Kung ano man yun labas na ako sa kanila. Pero di pa rin matigil ang pagkakacurious ko.

Kinabukasan, nagising ako nang umaga at nagready na pumasok. Nakita ko naman agad si Atheena at di ako pinansin nito. Huh? Bakit? Wala naman kaming tampuhan ah. Hayaan na nga. Papunta na ako sa room nung may nadinig akong nagsisigawan sa may corridor. Nagtago ako sa pader at sinilip kung sino yun.

"Putangina naman pangalawang beses na to! Pinagbigyan kita kasi mahal kita, tinanggap ko paliwanag mo kasi mahal kita pero tangina naulit na naman?!"

"Babe let me expla---"

"Tanginang 'Babe let me explain' yan. Kabisado ko na yan! Mageexplain ka tas di naman sincere? Mageexplain ka pero uulitin mo naman!"

Si Dwight at Brianna. Nagaaway! Kyaaaaaah sinabi kaya ni Bhrittany yun? Or baka umamin si Dwayne sa mismong kapatid nya dahil nakonsensya ito.

"Sino nagsabi sayo babe? Naniwala ka naman? Wala kang tiwala sakin eh!"

"Si Bhrittany ang nagsabi! May tiwala ako kaya nga pinagbigyan kita eh pero tangina kasi nakadalawa ka na! Ano bang akala mo saming mga lalake? Hindi kami nasasaktan? May puso din kami!" ani Dwight at nakayukom na ang kamao.

Hinawakan ni Brianna ang kamay ni Dwight at itinutok sa pisngi nito.

"Punch me babe! Just punch me for hurting you! Go punch me for hurting you too much!"

"Ang unfair lang kasi kahit gaanong nakakainis yung ginawa nyong mga babae hindi pa rin namin kayo pwedeng saktan! Kasi sa huli kami pa din ang magiging mali! Sa mata ng tao pag nanuntok kami ng babae sasabihin samin wala kaming respeto or bastos without knowing na mas matindi yung pinaranas nyo."

Parang mas nasaktan ako. Lumuha na si Dwight. Naging emotional silang dalawa, kasama na ako. Huhuhu ang hirap pala pumasok sa relasyon! Huhuhu nakakaiyak Dwight kyaaaah wag kang umiyak! Brianna nakakainis ka sinaktan mo si Dwight kyaaaaah. Patuloy lang umaagos ang luha ko. Hindi ko kinakaya ang nangyayari ngayon.

"Brianna sa ginawa mo ngayon hirap na ulit akong magtiwala sayo. Let's cool off. Wag ka muna magpakita sakin. Ayoko muna kitang makita. Nasasaktan ako." Kasabay ng sinabi ni Dwight ay sinuntok nya nang napakalakas ang pader.

Huhuhu nagsimula na din akong maglakad. Binilisan ko ang lakad ko at nagpunta ng washroom para maghilamos. kailangan fresh ako! Huhuhu lagot na di pala ako nakapasok sa first subject dahil pinanood ko pala sina Brianna at Dwight. Huhuhu mas nakakaiyak to kesa sa kanila. Huhuhu lagot na!

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now