Chapter 10

120 2 0
                                    

Nandito kami sa Italian Resto at kumakain. Kasama ko sina Atheena at Bhrittany. Dumighay naman ako nang malakas at nagtawanan sila. Anong nakakatawa? Eh busog na busog ako.

"Oh look! Si ate and Dwight magkasama." sabi ni Bhrittany.

Napalingon naman ako at magkasama nga sila. Pero nakasimangot naman si Brianna habang si Dwight ay walang reaksyon. Pauwi na sana kami nung naupo si Atheena malapit sa table nina Dwight. Ano kayang problema parang nagaaway sila?

"What's your problem Brianna?" pasimula ni Dwight. Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi nya.

"You! Ano bang nangyayare sayo? Lately napapansin kong wala ka sa sarili. Kanina kinakausap kita pero parang may iniisip ka."

Ano nga kayang problema? Tsaka wala sa sarili si Dwight? Bakit kaya! Hays. Niyaya ko si Atheena na umuwi na pero ayaw pa nila. Busy sa pakikinig kila Brianna. Umorder naman sila at nagaway ulit.

"What? Ikaw ang may problema. Magaaya ka ng date tapos aawayin mo ako ng ganito? Fuck sana natulog na lang ako."

"So istorbo na pala ako sayo? Eh bakit pumayag ka pa edi sana natulog ka na lang talaga."

Di na nagsalita si Dwight at naglakad PAPUNTA SAMIN! Oh no! Kinuha ko ang phone ko at kunwareng may katext.

"Kayong tatlo tapos naba kayo sa pakikinig samin? Mga chismosa."

Tumayo na kaming tatlo at tinawag kami ni Brianna. "Atheena, Hailey the pig and.....Oh lil sister. Di ko alam na interesado pala kayo sa relasyon namin."

"Excuse me? Kami interesado ha ha ha patawa ka ba? Anong pagkakainteresan namin dyan eh puro away nga. Amboring." sabi ni Atheena at umismid pa.

Saktong dumating ang waiter at may hawak na iced tea nung kunin ni Brianna at binuhos kay Atheena.

"Ayan ang napapala ng chismosa. Oh baka naman gusto mo pang ibuhos ko tong carbonara sayo?"

Inawat ko naman sya. "Tama na nga, alam mo ikaw ang sama ng ugali mo eh. Maganda ka nga, masama naman ang ugali mo edi wala rin!" pagkasigaw ko ay nagtinginan ang mga kumakain at nagbubulungan pa.

Nagulat ako nung sampalin nya ako. "How dare you?! Aba nagtatapang tapangan na tong baboy na to."

Inawat naman sya ni Dwight at ni Bhrittany. "Enough!/ Ate tama na yan!" sabay pa nilang sinabi.

Hinila ko na si Atheena sa parking lot. "Atheena oh tissue punasan mo muna basang basa ka."

"Okay lang Hailey! Nakakagigil talaga yang Brianna na yan. Ugh!"

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay di na muna ako kumain. Nawalan ako nang gana simula nung mangyari yun. Lapitin talaga kami ng gulo kahit kaylan. Nagshower ako at pagtapos ay humiga na ako sa kama ko.

[phone ringing]

Hays si ate! sinagot ko naman yun.

"Hi ate!"

[Hello sis! Malapit na ang JS PROM nyo. Pupunta ako bukas dyan at susukatan kita.]

Hays! Anong malapit na? Eh 1 month pa bago ang JS. Ayoko sanang umattend katulad nung junior high pa ako. Pero si Ate ang may gusto.

[Nako ha pumunta ka na magtatampo ako sayo pag hinde! Pinaghahandaan ko na nga ang designs na gagawin ko sa gown mo eh]

Bumuntong hininga naman ako. "Okay ate."

[Good! Hihihi Im so excited] maarteng sabi nya. Inend nya na ang call at natulog na ako.

Kakagising kolang at dumiretso ako sa banyo. Bumaba na ako nung nakabihis na ako at kumain. Pagtapos ay nagpaalam ako kay mommy at pumasok na.

Nakita ko na agad si Atheena na kumakaway pa sakin. Sabay kaming pumasok at hays nakasalubong namin sina Brianna kasama ang kaibigan nyang si Ikha.

"Bes look who's here. A trash and a pig."

Wala ako sa mood ngayon dahil di ako nakatulog kagabi. "Paulit ulit ko nang naririnig yang 'pig' na yan wala nabang bago."

Nagulat naman sila sa inasal ko. Kaya hinila ko na si Atheena sa room at nakatingin lang sya sakin.

"Atheena di ako nakatulog kagabi. Kakaisip kung bakit wala sa sarili si Dwight."

"Bakit mo ba iniisip? Eh diba ganun naman ugali nun. So why bother?"

Oo nga naman siguro nga ganun talaga sya. Hayaan na nga. Crush ko lang naman sya pero grabe ako magalala. Hanggang crush lang di pwedeng lumagpas sa love love na yan.

"Huy kanina pa kita kinakausap!"

Nagulat naman ako nung hampasin ako ni Atheena.

"A-ano yun?" Waaaa bat nauutal ako?!

"Wala! tara maglibot tayo boring eh."

Naglalakad lakad naman kami ngayon at nilagay ko ang earphones ko sa tenga ko at nagplay ng music.

[Now Playing: Terrified]

You by the light
Is the greatest find
In the world full wrong
You're the thing that's right
Finally made it
Through the lonely
To the other side

You said it again
My heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge
Of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time
In the last time
In my only life

Ang ganda talaga ng kanta na to. Nakakarelaaaaax!!!! Ito ang nasa panguna sa playlist ko. Ang susunod naman ay puro kanta na ng MYMP. Favorite ko halos lahat ng kanta nila. Yung Kailan, Especially for you, Tell me where it hurts, Only reminds me of you, at marami pang iba.

HIS MISTAKES HER REVENGEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें