Chapter 4

134 2 0
                                    

Paggising ko sa umaga ay naligo at kumain ako. May pasok kami ngayon at panigurado ay magkikita kami ni Dwayne. Or ni Dwight. Sinundo ako ni Atheena at sabay kaming nagpunta sa school. Nakita naman naming may nagkakagulo doon at nilapitan agad namin. Nakita namin ang isang babae na nakaupo at nakayuko. Basa ang ulo nya at umiiyak sya. Nakita ko naman si Dwight na inaawat ang babae mukhang sya ang nagsimula ng gulo na to.

"Miss anong problema? Anong nangyari dyan?" tanong ko sa katabi ko. Nakita ko si Atheena na umiiling.

"Eh kasi yung babae na nakaupo na yan ay nagpapicture dun kay Dwight. Tapos hinalikan nya si Dwight sa pisngi."

Nagulat naman ako sa ginawa ng babae kay Dwight. Bakit nya naman ginawa yun? Di ba nya alam na may jowa na si Dwight.

"Tapos yan si Brianna nakita yung ginawa nung babae kaya sinugod nya yun tas pinagsasampal at binuhusan nya pa ng juice." sabay turo dun sa babaeng kinakausap ni Dwight.

Mas lalo naman akong nagulat sa sinabi nya. So yung inaawat ni Dwight na babae ay girlfriend nya pala. Sya pala si Brianna na sinasabi ni Atheena. Napatingin ako kay Atheena at nakataas ang kilay nya. Nagsalita din sya.

"Ngayon alam mo na mangyayari sayo once na lumapit ka kay Dwight. Sure akong mas malala pa dyan ang gagawin sayo."

Napanganga naman ako. "What? Atheena, I already told you humahanga lang ako kay Dwight at wala akong balak na landiin sya. Kung ayun ang ibig mong sabihin, pero hindi talaga wala akong balak tsaka sa tingin mo ba magiging close kami? Mataba ako kaya di nya ako papansinin."

Umalis na kami dun at naglakad lakad muna dahil maaga pa naman at 7:40 pa ang start ng klase. Napatingin ako sa wrist watch ko 7:10 pa lang. Napadaan kami sa room nila Dwayne dahil sa dulo ang room namin at magkaparehas kami ng building. Nagulat ako nang may tumawag ng pangalan ko. Sabay kaming lumingon ni Atheena at nakita ko ang pamumula ng pisngi nya.

"Hailey nakalimutan kong hingin ang number mo. Dahil gusto ni Jade na tawagan ka araw araw." sabi ni Dwayne sabay lahad ng phone nya.

Napangiti naman ako at kinuha yun. Nilagay ko din ang nickname ko na "Hailey Oink oink." Binigay ko yun at tumawa sya. Ang cute lang nyang tumawa. Napatingin ako kay Atheena na nagsalita.

"H-hi Dwayne. C-close pala k-kayo ni Hailey." nauutal pa sya at ngumiti. Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya.

"Uhm Oo, actually last night nagpunta sila sa bahay namin. And yeah she's a nice girl." sabi naman nya sabay tingin sakin.

Napalingon ako kay Atheena dahil naramdaman kong mahigpit ang hawak nya sa uniform ko. Pagtapos nun ay nasa room na kami at nakita kong namumula pa rin sya.

Inayos nya ang buhok nya at nagsalita. "Kinausap ako ni Dwayne! Omg I cant believe. Shit!"

Napanganga ako at tinanong ko sya. "Crush mo ba si Dwayne?"

Napalingon sya sakin at ngumiti. "Secret lang natin to ah? Yup. Matagal na!"

Napangiti din ako sa kanya. At nagulat ako sa sinabi nya.

"Close kayo ni Dwayne diba? Pwede mo ba akong ipakilala sa kanya at ireto na rin?"

Nagdadalawang isip ako pero bestfriend ko si Atheena ayokong madisappoint sya sakin. Tinignan ko ulit sya, nakatingin sya sakin at nakangiti. Magsasalita na sana ako pero nagsalita sya.

"Please? Hailey. Sige na oh! Para sakin please?" sabi nya at tsaka nagpuppy eyes.

Tumango ako. "I'll try."

Nagulat ako dahil niyakap nya ako at niyakap ko din sya. Natuwa ako dahil masaya ang bestfriend ko. At gusto ko ganto kami palagi kasaya.

Akala ko pa naman crush nya si Dwight hihihi pag nagkataon magaaway kami tapos magiging friendship is over hays pero okay lang na ireto ko sya kay Dwayne! Para naman maging busy sila sa isa't isa. Edi mabuti kung ganun kasi wala nang magsasaway sakin na lumapit lapit kay Dwight. Muntik ko na tuloy maisip na may gusto sya kay Dwight. Psh.

Sana naman pumayag si Dwayne sa gagawin ko. Baka mamaya magalit sakin eh tas di nako pansinin. Pero hayaan na nga basta para sa bestfriend ko. Sya lang naman kasi ang nagiisang tumangka na makipagkaibigan sakin eh. Kasi lonely ako palagi dahil nga mataba ako at madalas akong asarin. Pero madalas nya akong ipagtanggol.

[phone ringing]

Sumenyas ako kay Atheena dahil nagring ang phone ko. Tumango naman sya. At lumabas ako ng room.

"Uh? Hello?" panimula ko.

"Hailey! Wala na kaming klase pwede ba kitang yayain sa mall?"

"Who are you? And where did you get my number?"

"Huh? Hahaha hiningi ko eh diba. Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Aish! Dwayne ikaw lang pala, kinabahan ako akala ko kung sino."

Natawa naman sya. "So ano? Sa mall, susunduin paba kita?"

Nilingon ko naman si Atheena at nakatingin lang sakin. Bago ako sumagot sa kanya ng 'Si Dwayne' ay inilayo ko muna ang phone ko. At tinignan si Atheena. Aish! Bahala na.

"Hailey ano na? Nasan ka ba susunduin na kita."

"Ah ano Dwayne sa mall na lang tayo magkita. Bye bye." Pinatay ko agad ang phone ko.

Pumasok ako sa loob at pinagayos ko si Atheena sya na lang ang papapuntahin ko.

"Atheena niyayaya ka ni Dwayne magdate daw kayo."

Namula naman sya. "What? Totoo?! Omg!!!!"

Nagsimula naman syang magpulbo at sinuklay nya ang buhok nya. Sunod ay nagpabango sya at naglagay ng konting lipstick.

"Sa mall daw ngayon na." sabi ko at sabay kaming lumabas.

Naglalakad pa lang kami ay tanong nang tanong si Atheena kung maganda daw sya. Kung maputi daw ba mukha nya. Kung ayos lang ba buhok nya. Nagtext naman si Dwayne sakin.

Dwayne: Nasan ka na? Nandito na ako sa entrance. :)

Nagreply naman ako.

Me: Dwayne uh ano sumasakit tyan ko ngayon eh. Si Atheena na lang papunta na sya dyan. Sorry ha :(

Nagreply naman agad sya.

Dwayne: Okay get well :)

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now