Chapter 7

118 3 0
                                    

Ang lakas ng tawanan nila dahil napatid ako. Inalalayan ako ni Dwayne. Nakatingin naman si Atheena sa kanya at namumula pa.

"What did you do Brianna?! Bakit mo sya pinatid?" gulat na tanong ni Dwayne.

"Oh I didn't, kasalanan ko bang tatanga tanga yang baboy na yan?"

Nagtawanan nanaman sila. Pati ang mga kapwa ko estudyante.

"HAHAHA BAGAY LANG SA KANYA."

"TATANGA TANGA KASI EH."

"AYAN NAPAPALA SA KALANDIAN."

"THAT'S A BAD KARMA BWAHAHA"

"OY BAKA NAWASAK NA YUNG TILES NG CANTEEN SA SOBRANG BIGAT AT LAKAS NG PAGKAKABAGSAK!"

Tumingin naman ng masama si Atheena sa kanila at nanahimik naman sila. Lumakad sya sa harap ni Brianna at nagsalita.

"Hoy ang tigas naman ng mukha mong tawaging baboy ang kaibigan ko. Kulay pink ba sya? Nagooink oink ba sya? Ha wag kang---" ani Atheena habang dinuduro pa sya.

"Shut your fucking mouth, Payatot." pinigilan nya si Atheena'ng magsalita.

"Ha? Payatot ako? Kung payatot ako, ano ka naman? Kalansay? Malnourished? Eh mas payat ka nga sakin." sabi ni Atheena habang tumatawa pa. Hinila ko naman sya at lalabas na sana nung hinarang kami ni Dwight.

"Hoy ikaw! Hindi kalansay ang girlfriend ko, at hindi malnourished si Brianna tatak mo yan sa kokote mo. Sexy sya. capital S-E-X-Y SEXY!" ani Dwight at namumula na sya sa galit.

"Kung sexy sya, edi mas sexy ako." taas noong sabi ni Atheena. Tuluyan ko na syang hinila palabas ng canteen.

~Girl's Comfort Room~

"Arrgh! Nababadtrip ako dyan sa Brianna'ng yan. Tawagin ka ba namang baboy, at tawagin ba naman akong payatot." ani Atheena habang nagsusuklay.

"Hayaan mo na, kusang titigil yan."

"Ano?! Hindi ako papayag Hailey Adriana. Kating kati akong sampalin sya kanina eh."

Nagbuntong hininga naman ako. "Mapapagod din yan sila."

Umiling naman sya. "Hindi eh, Hailey nakakagigil na yang mga yan!"

Nasa room na kami nung maalala kong kaklase ko pala si Dwight sa klase ni Prof. Lim at katabi ko pa sya!
 
No this can't be!!!!

Nakataas ang kilay nya ngayon at seryoso ang mukha nya. Hindi nya ako nililingon at pumikit sya. Nakatingin lang ako sa kanya at dun kolang napansin ang kabuuan nya.

Matangos ang ilong.

Pinkish ang labi.

Makapal ang kilay.

Mahaba at makapal ang mga pilik mata.

"Did I gave you a permission to look at me like that?"

Nanlaki ang mata ko. Napansin nya yun? Nagiwas ako ng tingin sa kanya.

"Tsk" singhal nya.

"...picturan mo ako at gawin mong wallpaper para naman pati sa bahay nyo ay makita mo'ko." dagdag pa nya.

Kakadating lang ni Prof. Lim at nanatili akong tahimik na nakinig sa kanya.

"Today is our grading recitation."

"Hala proooof!"

"Prof naman eh! Di kami reaaaady"

"Ang dugaaaa!"

"Our topic for today is Chemistry. Sa dulo ako magsstart." ani Prof. Lim

Napatingin sakin si Prof at tumayo naman agad ako. Natawa naman sya sa ginawa ko. Ako lang naman ang nasa dulo dahil nga Vermillion ang apelido ko. Si Dwight ang katabi ko at Adamson pa sya. Psh ang kapal pa ng mukha nya para paalisin si Valerio na syang dapat katabi ko.

"Ms. Vermillion!"

Gulat akong napatingin kay Prof. Lahat ng mga classmates ko ay nagtatawanan. Si Dwight ata ang pinakamalakas na tumawa. Napahiyang tumungo naman ako.

"Ms. Vermillion what is Chemistry?"

Napangiti naman ako. "Chemistry is the composition of substances and the changes that substances undergo." at pinaupo nya ako.

"Mr. Adamson give me the five major divisions of Chemistry."

Nagtaas naman ng kilay si Dwight. "What?! Diba magsstart kayo sa dulo? Tsk Valerio ikaw na!" pasigaw na sabi nya.

Nagulat naman si Prof. Lim sa inasta nya. "Mr. Adamson ang sabi ko sa dulo ako magsstart eh diba nasa dulo kayo? Wala akong sinabing magsstart ako sa dulong apelyido."

Nagtawanan naman lahat ng mga kaklase ko. Isa na din ako dun. Napakamot si Dwight sa ulo nya at tumayo.

"I dont know Prof. Im sorry." nakatungo naman sya at umupo. Napailing na lang ako.

"Ms. Tuliao same question."

"Prof I dont know. Hindi po ako ready." napapahiyang sagot ni Sheena.

"Mr. Ramos five major divisions of Chemistry!" tumataas na ang boses ni Prof. Lim ibig sabihin galit na sya.

Walang sumagot sa kanya. Tahimik lang kaming nakatungo. Nagkunware akong nagbabasa.

"Anong klaseng section to?! Section Einstein pa naman din kayo! Nakakahiya!" ani Prof. at lumabas ng room. Hays lahat kami ay bumuntong hininga. Alam ko naman yung sagot eh. Di lang ako makatyamba kasi galit si Prof. Lim.

Napalingon ako sa mga kaklase ko dahil nagpaparinig sila.

"Nako bumida nanaman."

"Porket nandyan si Dwight magbibida bida."

"Noon si Dwayne tas ngayon si Dwight. Baka mamaya si Prof Lim na susunod."

Yumuko naman ako.

"Hoy sino may sabing magparinig kayo ng ganyan kalakas?!"

Agad napalingon ako kay Dwight na sumigaw.

"Sa susunod na marinig ko yang mga boses nyong boses palaka tatahiin ko yang mga bibig nyo!"

"Sorry Dwight"

"OMG girls pinagtanggol nya si Hailey."

"Shut up na nga!"

"Bakit mo yun ginawa?" tanong ko kay Dwight.

"Ang alin?"

"Yung sinigawan mo sila. Dapat hinayaan mo na lang. Sanay na ako."

Nakakunot naman ang noo nya. "Huh? Assuming ka din no? Hindi ko yun ginawa para sayo. Ginawa ko yun para sakin kasi naiingayan ako. Ayokong maingay."

Napanguso nalang ako at tumahimik. Oo nga naman Hailey bakit ka magaassume na ipagtatanggol ka nya eh sino ka ba? Hindi nga kayo close eh.

Bumuntong hininga naman ako.

HIS MISTAKES HER REVENGEWhere stories live. Discover now