2

2.6K 60 13
                                    

June 1    ,     4:00 pm

"Naayyyy,alis na kami. Iche-check lang namin kung gano karami ang nabawas na stocks kahapon." paalam ni Vice sa kanyang ina. "Oh sige,magiingat kayo ha." sagot naman ni Nanay Rosario.

"Ihahanap na rin po namin ng boylet tong si Meme hahaha." singit naman ni Buern. Napatawa naman si Nanay Rosario. "Di paawat ah hahaha. Dadating din tayo diyan." sabi naman ni Vice sabay kindat.

Umalis na sila ng bahay,pagkarating nila ay sakto namang bukas ng bar. Chineck na nila ang mga stocks at inihabilin ito sa kanilang mga tauhan. Siniguro ni Vice na hindi sila mauubusan.

Pagkatapos ay umupo muna ang mga ito at kumuha ng maiinom.

"So ano na nga Meme,handa ka na ba?" tanong naman ni Chad. "Ay taray,Korina isdatchu?!" natatawang sabi ni Vice. "Napagisip isip ko na din yang gusto niyo,siguro ngayong unti-unti ko ng naiaangat si Nanay,panahon na sigurong sarili ko naman ang bigyan ko ng pansin. Pero kung wala talaga,eh di nganga hahaha!" sabi ni Vice sa mga kasama.

"Meron man o wala,di ka naman maiiwang mag-isa. Nandito lang kami lagi no. Tatanda tayong sama-sama." saad ni Negi at nag cheers silang lahat.

"Oh e ano bang bet mo sa isang lalaki Meme?" tanong ni Aaron. "Yung tatanggapin ako,dun pa lang kasi parang mapapatunayan na na mahal talaga ako nung tao diba?" seryosong tugon naman Vice. "Korek ka dyan!" sigaw naman ni Budi. "At dahil diyan,may tama ka! Hahaha!" natatawang sabi naman ni Archie. Sabay na nagtawanan ang mga betle.

7:09 pm

Bigla naman silang napatigil sa pagkukwentuhan ng may biglang dumaan sa kanilang kinauupuan. Napanganga sila ng makita ang tatlong "babae?" tanong ni Buern,"lalaki?" tanong naman ni Negi. "Fusion ng babae at lalaki!" nakatulalang sabi naman ni Vice. Sinundan ng kanilang mata ang mga dumaan.

Nakita naman nila na isa sa tatlong iyon ay nilapitan ang bartender. "Excuse me? Where is Vice? Is he here?" tanong naman nito. "Yes sir---ma'am. He's right over there." nauutal namang sagot ng bartender sabay turo sa kinauupuan ng nga betle.

Nagulat sila Vice ng tumingin sa kanila ang tatlo. Lumapit sila sa kinauupuan ng mga betle.

"Hi Vice,I'm Babot." sabay abot ng kamay nito. "I'm Emma." nakangiti nitong pagpapakilala. "And I'm Tina,Dra. Tina." pagpapakilala ng tatlo. "Can we talk to you in private?" tanong naman ni Emma. "Su-sure. This way." Kinakabahan ngunit nakangiting sabi ni Vice. Dumiretso sila sa second floor kung saan ang office ni Vice. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan lalo na nung una niyang makita ang tatlo.

"Yes?" nakangiting tanong ni Vice sa mga ito. "Can we know what your real name is?" tanong ni Babot. "What about my name? You can just call me Vice." sagot ni Vice kay Babot. "Do you have siblings?" tanong naman ni Dra. Tina."None,I have no siblings. Wait lang,wait langggg. Naubusan na ko ng english. Sino po ba kayo? Ano pong meron at tinatanong niyo ang personal life ko?" nagtatakang tanong ni Vice. "Viceral." sabi ni Emma na nakatingin ng diretcho sa mga mata ni Vice.

Nagulat si Vice sa sinabi nito. Di niya alam kung anong mararamdaman niya. Napuno ng maraming tanong ang kanyang isip. Pero ayaw niya namang pangunahan ang mga ito. Kaya nag-ipon siya ng lakas ng loob para magtanong sa mga ito.

"Pa-paano niyo nalaman ang apelyido ko?"takang tanong ni Vice. "We're right. Siya nga. Tawagan mo na si Tatay. We found him."sabi naman ni Babot kay Tina na nakatingin parin ng diretcho kay Vice.

"Ha? Anong---sinong tatawagan? Sinong nahanap?" naguguluhang tanong ni Vice

-----------------------------------------------

7:49 pm

"Hahaha! Gago ka Brad,sira ka na talaga." natatawang sigaw naman ni Billy sa kaibigan niyang si Vhong. "Seryoso ako hahaha!" nagpipigil tawa na sabi ni Vhong. "Ganito kasi yon,sabi kasi sakin ni----" naputol ang sasabihin ni Vhong ng biglang bumukas ang pinto at nakita nila si Ion. "Oh brad? Bat ang aga mo ata?" tanong ni Billy.

"San nga yung bagong bar? Tara puntahan natin." walang ganang sagot ni Ion sabay punta sa kusina upang uminom ng tubig.

Nagtaka naman ang kanyang mga kasama at hinintay na lumabas si Ion.

"Bakit? Anyare sa date niyo?" tanong naman ni Vhong. "Wala. Tara na." sagot ni Ion at lumabas na ng bahay. Nagkibit-balikat na lang ang dalawa at sumunod sa kaibigan. Si Vhong na ang nagdrive dahil wala sa kundisyon si Ion. Hind na nila kinulit pa ang kaibigan dahil parang seryoso ito.

"Andito na tayo." sabi ni Vhong sabay tingin sa dalawa niyang kasama. "District 8,here we come!" masayang sabi naman ni Billy. Walang ganang lumabas si Ion sa sasakyan at sumunod sa kanyang mga kasama. Medyo maraming tao sa first floor kaya dumiretso sila sa second floor kung saan kakaunti ang tao. Tiningnan agad nila ang menu at umorder.

"Sooooo ano na nga brad? Ano bang nangyari sayo at ganyan ka?" tanong ni Vhong sabay inom ng alak.

Flashback [7:20 pm]

"Sorry na ha? Hindi ko naman sinasadya. I was tipsy na kasi and bigla siyang lumapit." sabi ni Ion sa girlfriend nito. "Kahit na,dapat alam mo yang ginagawa mo." sagot naman ni Girly. "Paulit-ulit na lang ba? Kanina pa ko nag e-explain dito,hindi mo naman ata ako pinapakinggan eh!" pagpigil na sigaw ni Ion. Ayaw naman niyang makuha ang atensyon ng ibang tao kapag siya ay sumigaw.

"Alam mo,nakakapagod din eh. Magpahinga muna kaya tayo? Let's give each other space muna. Hindi natin to maaayos hangga't may sakit pa kong nararamdaman eh. Don't worry,it won't be long." tugon ni Girly sabay tayo at umalis na. Wala naman ng nagawa si Ion. Umalis na agad siya at umuwi.

"Jusko naman Brad,space lang naman pala hiningi. Hindi naman nakipag break. Alam mo yang mga babae,malalambot yan eh. Suyuin mo lang yan,lalambot din yan." sabi naman ni Billy. "Bahala siya." sagot ni Ion.

10:38 pm

"Brad uw--uwi n--na tayo!" yakag ni Billy sa dalawa. Si Vhong naman ay napa ub-ob na lamang sa lamesa habang si Ion ay tuloy pa din sa pag-inom."Mamaya na! Inom pa tayoooo,libre kooo wwooohhh!" pilit na pagtayo naman ni Ion pero pagewang-gewang na ito. Hanggang si Billy ay sumuko na din at napa ub-ob sa lamesa katabi ni Vhong.

Habang si Ion naman ay pilit na naglalakad kahit nahihilo na siya ng dahil sa alak ng biglang--- "ay jusko! anak ka ng ina mo,sino ba---" nauutal at gulat na sigaw ni Vice ng may humawak sa kanyang likod at inakbayan siya nito at biglang natumba.

Napatitig si Vice sa maamong mukhang nasa harapan niya ngayon.




Abangan...

"Ahh! Ansakit ng ulo ko."

"Kamusta ka na? Okay ka lang?"

"Sino ka?!"

"Nasan ako?"

"Arte naman nito,che! Kung di ka lang gwapo,hmp!"

Falling for youWhere stories live. Discover now