25

2.5K 42 25
                                    

*ring* ring* ring*

Nagising ang matanda sa sunod-sunod na pagring ng telepono nito. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang salamin at agad na sinagot ang tawag,"Hello?" sabi nito at inayos ang pagkakaupo sa kama.

"Good morning Nayyy." bati ng tao sa kabilang linya. Napatingin naman ito sa orasan at nakitang alas sais pa lamang ng umaga. "Good morning anak. Bakit ang aga mo naman atang napatawag?" takang tanong nito.

"Nagising ba kita? Sorryyyy,akala ko gising ka na eh." sagot ng nasa kabilang linya. "Tama lang naman ang pagtawag mo Tutoy. Maya-maya naman ay siguro magigising na din ako. Napaaga lang ang pagtawag mo. Kamusta ka na dyan? " magiliw na sagot ni Nanay Rosario.

"Okay naman po ako. Ang dami kong ikekwen---" naputol ang sasabihin ni Vice. "Hello nak?" sabi ni Nanay Rosario. "Hello?" ulit nito. Tiningnan niya ang kanyang telepono at nakitang nababa na pala ang tawag. Tinext na lamang niya ito. Tumayo na siya at lumapit sa altar at nagsimulang magdasal.

_______________________________________

Kinakapa-kapa ni Ion ang kanyang katabi. Ng maramdaman na wala na ito ay agad niyang minulat ang kanyang mata. Nakita niyang wala nga siyang katabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto ngunit wala siyang nakikitang Vice.

Dumiretso siya sa banyo at nakitang walang tao doon. Nagsipilyo na siya at naghugas ng mukha. Lumabas siya ng kwarto sa pagaakalang makikita ang nobya sa labas ngunit nabigo ito. Nilibot niya ang buong bahay at walang bakas ng Vice doon.

Nakita niya ang kanyang ina na tulog sa may upuan sa tabi ng kabaong. "Nay? Nay,gising. Matulog po muna kayo sa kwarto,ako muna magbabantay dito." sabi ni Ion sa kanyang ina. Napamulat naman si Nanay Zenny,"Iidlip lang ako saglit ha. Gisingin mo ko mamaya baka mapasarap ang tulog ko." sabi nito at lumakad na papuntang kwarto.

Ng biglang maalala ni Ion ang dapat na itatanong sa kanyang ina,nilingon niya ito ngunit saktong kasasara lamang ng pinto. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Vice. Ngunit nakapatay ang phone ng nobya na naging dahilan upang mag-alala si Ion.

"Tay? Nasan kaya si Vice? Nagaalala na ko. Di man lang nagpaalam eh." pagkausap nito sa kanyang ama. Tinawagan niya ito ulit pero nakapatay parin ang telepono ni Vice.

Hindi mapakali si Ion,maya-maya ay may biglang humawak sa balikat niya. Nagulat ito at agad na tumingin sa kanyang likuran. "Brad,gandang umaga." bati ni Vhong dito. "Morning Bro." sabi naman ni Billy. Sinamahan nila si Ion magbantay.

7:30 na ng umaga ngunit wala paring Vice. Si Billy naman ay nakatulog muli sa balikat ni Vhong. "Nasan pala si Vice? Kanina ko pang hindi nakikita ah." tanong ni Vhong dito. "Kaya nga eh. Paggising ko nga wala na. Tinatawagan ko naman pero patay phone niya." sagot ni Ion dito na halata sa boses ang pagaalala.

Maya-maya pa ay biglang dumating si Natalia. Pawisan ito at halatang tumakbo. Nagulat naman ang mga lalaki. "Kuya kuya! Si Ate Vice!" sabi nito at agad na napatayo si Ion sa kanyang kinauupuan. "Bakit? Nasan si Vice? Anong nangyari?!" tarantang tanong nito sa kapatid. "Nandon sa may kanto sa tindahan ni Aling Erna! May kaaway na lalaking lasing." sagot nito sa kanyang Kuya.

"Dito ka muna,ikaw magbantay dito! Mga Brad samahan niyo ko." sabi ni Ion at tatakbong umalis upang puntahan ang nobya.

_______________________________________

Falling for youWhere stories live. Discover now