40

1.4K 39 8
                                    

Ion's POV

Hindi pala ganon kadali. Kahit gaano ako umiisip ng mga paraan para maging madali,laging palpak. Lagi akong bumabagsak. Pero kahit ilang beses pa akong bumangon,para kasing sa pagbangon ko...laging may kulang. Laging parang may mali. Di ko maalis sa isip ko,na tanungin ang sarili ko kung may tama pa ba sa mga ginagawa ko? Hindi ko alam kung saan na ba ako pupunta,kung saan ako lulugar. Yung lungkot basta-basta ko na lang mararamdaman ng hindi ko alam ang dahilan. Kaya dati,inom dito,inom doon. Pero kahit gaanong sakit at gaano kadaming problema ang dumating,may isa talagang tao na makapagpapa-wala lahat non.

Si Girly,binigyan niya ko ng pag-asa,pinaramdam niyang mahal niya ko,nagtiwala kami sa kung anong meron kaming dalawa at higit sa lahat,minahal ko siya ng buong-buo. Naging malaki siyang parte ng buhay ko at marami siyang nagawa para sakin,maraming naitulong para sakin. Nabulag kami ng pagmamahal. Pagmamahak na hindi pala dapat namin sinimulan kasi sa huli,kaming dalawa ang magkakasakitan. At yon,nabigo na naman. Isang malaking dagok na naman sakin yon. Akala ko talaga siya na,hindi pala.

Sinabi ko sa sarili ko na tama na,di ko na kaya. Parang hindi ko naman deserve sumaya. Parang wala naman talaga akong halaga. Akala ko magpapatuloy akong ganon,hindi pala.

Nung dumating si Vice sa buhay ko,wala akong mapaglagyan ng saya. Umaapaw,sumosobra at nakakabaliw. Pinadali niya yung mga bagay para sakin. Nung bumagsak ako,sa pagbangon ko siya yung nakita ko. Siya pala yung kulang na lagi kong nararamdaman at ang sarap sa pakiramdam na nabuo ako dahil sa kanya. Sabi niya noon na okay lang magkamali,ang mahalaga eh marunong bumawi at alam kung anong tama ang dapat gawin. Nalaman ko yung lugar ko,kaya pala. Mapupunta pala ako sa kaniya. Purong saya ang nararamdaman ko. Masarap siya kasamang uminom,hahaha nakakatawa man pero yun ang totoo. Siya yung taong laging naka-ngiti,laging masaya at hindi nawawalan ng pag-asa. Ramdam ko at alam kong mahal na mahal niya 'ko. At mahal na mahal na mahal na mahal ko si Betla. Hindi ko man laging nasasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal,pinaparamdam ko naman. Apakaganda ng jowa ko.

Maraming nagtatanong,maraming nagtataka at maraming natatawa. "Ha? Bakla jowa mo?" Yan ang lagi nilang reaksyon,lagi nilang sinasabi. Ano naman ngayon kung bakla jowa ko?

Oo,bakla ang jowa ko. Kahit ulit-ulitin ko at kahit isigaw ko,hinding-hindi ako mahihiya na bakla ang jowa ko. Bakit naman hindi? Pano kung yung bakla na yon yung nagpapasaya at nagbibigay kulay sa mundo mo? Pano kung yung bakla na yon ang nagpaparamdam sayo lahat-lahat ng pagmamahal na meron dito sa mundo? Pano kung yung bakla na yon,siya pala yung kukumpleto at bubuo ng buhay mo? Diba? Ang sarap magmahal ng bakla at ang sarap mahalin ng bakla. At lagi kong pipiliin si Vice kapalit ng maraming babae.

Buo yung puso niya na binigay niya sakin. Pero sa di inaasahan,nasira ko yata ito? Hindi ko alam kung paano nagsimula yung mga problema. Ako pala,ako yung problema. Hinayaan ko na lumaki at lumalala. Sobrang bigat sa pakiramdam na magsinungaling sa kaniya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nahirapan akong umisip ng tamang tiyempo para sabihin sa kanya lahat. Tumagal ito at hindi ko naman inakala na ganon kalala ang aabutin nito. Hanggang sa siya na mismo ang nakasaksi...at nung araw na yon...doon na nagsimulang gumuho yung mga bagay na binuo naming magkasama ni Vice.


Flashback

Umuwi na naman akong lasing kagabi. Nasaktan ko na naman ata tong pinakamamahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanyang bewang,hinihintay kung magiging na siya. Nakatingin lang ako mula sa kanyang likuran,iniisip kung paano ako babawi. Kailangan ko ng sabihin at dapat ko ng sabihin. Ayokong lumala pa lalo ang sitwasyon. Dahil hindi ko makakayang iwan niya ako dahil sa problema kong yon.

"Love?" pagtawag ko sa kanya pero hindi pa ata siya gising. Dali-dali akong tumayo,pumunta sa kabilang side kung saan siya nakaharap. Lumuhod ako sa harap niya at hinalikan siya sa noo. Agad nawala ang ngiti ko ng makita siyang umiiyak.

"Love? Love what's wrong? May masakit ba? Bakit ka umiiyak?"

Napatitig ako sa kanya,kahit umiiyak ang ganda niya. Mabilis naman siyang bumangon at niyakap ako. Ramdam ko yung pagmamahal niya sakin sa tuwing yayakapin at hahalikan niya ko. Ito yung yakap na ayaw ko ng kumawala kailanman.

Tumayo ako at kinuha ang kamay niya,lumabas kami sa may balcony,"Love,I'm very,very sorry. Alam ko at kahit hindi mo sabihin,nakikita ko na nasasaktan na kita. Pero promise babawi na ako. Natauhan na ako,hindi na ulit mauulit to. Pangako yan Love." hinalikan ko yung kamay niya at labi niya. Kahit paulit-ulit ko siyang halikan,hinding-hindi ako magsasawa.

Pag nakikita ko siya,parang ang sarap na lang humiga sa kama. Yakap-yakap siya,hindi bumibitaw,hindi gumagalaw.

"Oo,nasasaktan din ako. Pero bakit pag nakikita kita,nawawala lahat yon? Alam mo ba yon ha? Alam mo bang mahal na mahal na mahal kita!" niyakap niya ko at parang ayoko ng kumalas dito. "I'm sorry,I'm so so sorry Love. Marami pa kong gagawing pag-bawi sayo. Marami pa kong pina-plano para sating dalawa. I want us to travel and see new things together. Ibibigay ko sayo lahat kapalit ng lahat ng pagmamahal na binibigay mo sakin. At alam ko na hindi na ako makakahanap pa ng katulad mo. Kaya no matter how hard it is,I won't give up on us. Naririnig mo ba ko? I will never ever give up. I'm not marrying or loving someone again if it ain't you my Love. Mamamatay akong mag-isa kesa sa mabuhay ng hindi ka kasama. Alam kong marami na ang nagsasabi nito pero hindi lahat natutupad. Pero pinapangako ko na isa ako sa mga taong tutupad ng mga salitang binibitawan niya. I'm not a perfect boyfriend but I will do my best for you. Hindi ako titigil na mahalin kahit dumating yung araw na hindi mo na ako mahal. We're gonna live our lives to the fullest. I love you and I will never stop loving you." Sobrang mahal ko talaga tong kaharap ko ngayon at kahit sino,walang makakatumbas sa pagmamahal na binibigay sakin.

Nagsimba naman kaming dalawa. Para na rin gawin kong panimula sa mga maling gawa na binabalak ko ng gawing tama. Kaharap ko ang Diyos kasama ang pinakamamahal ko. Pinagdadasal ko na gabayan niya ko sa mga gagawin ko. At sana hindi na matapos tong saya na to. One day,ikakasal din kami. At hindi na ako makapaghintay ma dumating ang araw na yon.

Lumabas na kami ng simbahan. Naghanap naman ako ng makakain naming dalawa,kahit meryenda lang ganon. Lumingon-lingon ako sa paligid,nagtitingin kung saan meron. Sa paghahanap ko,iba ang nakita ko. Isang tao na kinatatakutan kong pumasok sa eksena. Hindi! Bakit siya nandito? Hindi pa to ang tamang oras! Nilingon ko si Vice at nakita ko siya,nakatingin sa taong iyon. Nilingon niya ko at kitang-kita ko at alam na alam ko kung anong sinasabi ng dalawa niyang mga mata. Hindi,baka ito na. Baka ito na nga ang tamang oras.

_________________________________________________________

Ayaaaannnnn! Anong oras na ba? Hahaha. Paunti-unti pooo hehe,paunti-unti akong babawi kagaya ni Ion. Pero ang tanong,makabawi pa kaya ako? Bibigyan niyo po ba ako ng pagkakataon na bumawi? Eh si Vice kaya? Bibigyan niya kaya ng pagkakataon na bumawi si Ion?

Sorry po kung maikli to at ung huli ko pong update. Abang-abang tayoooo,hahaba pa toooo hahahaha.

And btw,puro lindol dito samin sa Batangas. Pero malayo naman po kami sa Taal. Stay safe guyshhh. Kung may kababayan ako na nagbabasa ditooo,ay ano na gang lagay niyo riyan? Aba ay mag-ingat tayong lahat ❤️

🐦 : @orendsheart

Falling for youWhere stories live. Discover now