20

2K 43 12
                                    

"Loveeee,punta ako diyan pleaseeee. Namimiss na agad kitaaaa." tila parang batang sabi ni Ion habang may kausap sa phone,"Benigno,magtigil ka nga dyan. 9 na ng gabi oh,matulog ka na." sagot naman ni Vice. "Ikaw? Hindi ka ba napagod sa byahe kanina? Kakauwi lang natin galing Batangas,work ka na agad. Punta na kasi ako dyannnnn." pagpupumilit parin ng lalaki. "Bye muna Love,dami ko lang inaasikaso dito sa bar. Iloveyouuuu." pagmamadaling sabi ni Vice at agad na pinatay ang tawag.

Napatingin na lamang si Ion sa kanyang phone at napatingin naman sa kisame. Tumagilid sa kama,tumingin sa kanan,sa kaliwa. Napaupo naman siya ngayon at tila hindi mapakali. "Ah bahala na." sabi ng lalaki at agad na tumayo,nagsuot ng jacket at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.

Pagbaba niya ay bumungad sa kanya ang mga kasama sa bahay na nanonood ng TV habang kumakain,"Oh Brad,aalis ka?" tanong ni Vhong dito. "Oo Brad,miss ko na misis ko. Byeeee." nakangiting sagot ni Ion na tila halata ang pagka kilig sa kanyang mga sinabi at dire-diretsong lumabas ng bahay at sumakay na sa sasakyan.

"Wow,just wow." sabi ni Billy at tila nagkatinginan ni Vhong. Napakibit balikat na lang ang dalawa at pinatuloy ang ginagawa.

_____________________________________

*tok tok tok*

"Yesss? Pasok." sabi ni Vice na hindi man lang nililingon kung sino ang nasa harap ng kanyang pinto na ngayon ay papasok na. Patuloy pa din siyang nagtitingin ng mga documents ng stocks  nila nung mga araw na nawala siya.

"Memeee! Ito na yung hinihingi mo oh. Nakapag re-stock na ulit,kaninang 7:30 dumating." nakangiting sabi ni Archie at inabot ang folder sa kaharap. "Good. Ganito lang lagi ang gawin,if nangangalahati na , umorder na agad para hindi tayo nauubusan." seryosong sagot ni Vice.

"Ahh Meme,yung tungkol pala sa ano...yung ano mo..." nagaalinlangang saad ni Archie. "Yung ano?" sagot ni Vice na napatigil sa ginagawa at napatingin sa kausap. Hindi naman agad makapag salita si Archie,"Archie,wag muna ngayon." sabi ni Vice na napasandal naman sa kanyang upuan at napahawak sa ulo.

"Pahinga ka muna Meme,napagod ka ata. Baba muna ako." paalam ni Archie,pilit na ngumiti nalamang si Vice dito.

Pinatuloy ni Vice ang kanyang ginagawa,medyo may karamihan ang nasa lamesa nya ngayon na kailangan niyang matingnan lahat. Napapahawak na lamang siya sa batok dulot ng stress.

*tok tok tok*

"Pasok." sabi ni Vice ngunit tila walang naririnig ang taong nasa may pinto.

*tok tok tok*

"Pasok." medyo may kalakasan na sabi ni Vice at napatingin na sa pinto. Ngunit wala paring naririnig ang tao sa may pinto at muli itong kumatok.

*tok tok tok*

Napatayo na si Vice sa kinauupuan niya , dumiretso na sa pinto na tila naiinis na,"Ano ba?! Kanina pa ko sigaw ng sigaw?! Sino ba ya---"

Natigilan naman si Vice sa taong kanyang nasa harapan ngayon. "Hiiiii." nakangiting bungad ng lalaki. Bigla namang napayakap ng mahigpit si Vice dito na tila matagal na hindi nagkita. Yumakap naman pabalik ang lalaki kahit na may hawak ito sa magkabilang kamay.

"Pasok muna tayo sa loob." sabi ng lalaki ngunit tila hindi parin kumakawala si Vice sa yakap. Kaya't dahan-dahan silang pumasok sa loob ng magkayakap at sinara ang pinto. Ipinatong ng lalaki ang dala-dala sa may upuan at mahigpit na niyakap si Vice.

"Bat ka pa pumunta?" mahinang tanong ni Vice habang nakayakap pa din. "Namiss ko yung Love ko eh." sagot ni Ion. Napaupo ang lalaki sa sofa at nakapatong si Vice na tila nakayakap pa din. Nakasiksik lamang ang mukha ni Vice sa leeg ni Ion.

"Benigno." sabi ni Vice,"Po?" sagot ni Ion habang hinahaplos ang buhok ng girlfriend. "I love you." malambing na sabi ni Vice dito at hinarap ang lakaki. Pinagmasdan naman ni Ion ang mukhang nasa harap niya ngayon. Hinaplos ang mukha nito at hinahawi ang buhok ng bigla itong halikan. "I love you more." sagot ng lalaki at tila napayakap ulit si Vice dito na isiniksik ulit ang mukha sa leeg ng kayakap.

"Are you okay?" alalang tanong ni Ion habang hinaplos ang buhok at likod nito. "Medyo na stress lang. Pero okay na ko,nandito ka na eh." sagot ni Vice na mas lalong humigpit ang yakap sa lalaki. "Aysussss ang baby ko." sabi ni Ion na hinahalik halikan ang pisngi nito.

Tila sa sobrang pagod,nakatulog na pala si Vice habang nakapatong at nakayakap kay Ion. Hindi naman alintana sa lalaki ang ngalay dahil gusto niya ang posisyon nilang dalawa ngayon. Pinagmamasdan lamang niya ang maamong mukha ng kanyang mahal. Hinalikan niya ito sa noo at mahigpit na niyakap. Napasandal ang kanyang ulo at napatulala sa kisame hanggang sa tuluyan din itong makatulog.

10:46 pm

Naalimpungatan si Vice ng biglang kumulo ang tyan nito. Pagka angat niya ng kanyang ulo ay bumungad ang maamong mukha ng lalaki. Hinalikan niya ito sa labi na naging dahilan ng paggising din nito. Kumulo ulit ang tyan ni Vice at napatawa naman si Ion dito.

"Gutom na baby ko. Wait may dala ako dito." sabi ni Ion,umalis naman si Vice sa pagkakapatong at naupo sa sofa. "Ano yannnn?" tanong ni Vice. "Donuts , Coffee and Watermelon Shake!" sagot ng lalaki at nilagay sa maliit na lamesang nasa harapan nila ang mga dala nito. "Anong gusto mo?" nakangiting tanong ng lalaki. "Pano kung sabihin kong,ikaw?" tila makahulugang sabi ni Vice.

"Hay nako Love,wag mo kong ginaganyan. Pag ganitong gutom na din ako." natatawang sagot ni Ion,"Hahaha! Donut na lang at watermelon shake." nakangiting sabi ni Vice. "Okayyyy." sagot ng lalaki at inabot sa nobya ang pagkain nito.

Sabay silang kumain habang magkaharap at nagkkwentuhan. "Buti na lang pumunta ka. Kundi,magugutom ako dito." sabi ni Vice habang ngumunguya. "Ayseeeesssss! Wala bang pagkain dito sa bar mo? Vaklang twooo. Ang sabihin mo, na-miss mo agad ako no." pagpapa cute na tugon ni Ion. "Wowww,parang kanina lang nangungulit ka't gustong-gusto mo kong puntahan. Tse." sagot ni Vice at natawa naman ang dalawa.

______________________________________

Ito po muna for nowww hehehe! Thank you for reading,don't forget to hit like,comment and subscribe esteeee,share this story pala hahaha! I love you all and if you have time po,kindly follow me on my twitter acc : @orendsheart ♥️♥️

Falling for youWhere stories live. Discover now