7

2.6K 66 14
                                    

June 3 - 8:24 am

"Good morning Nayyy!" bati ni Negi at tumulong sa paghahain ng pagkain. "Oh gising ka na pala,sila Buern ba?" tanong ni Nanay Rosario dito. "Kakagising lang din po nila,pababa na daw po." singit naman ni Chad. Pagkaupo nila ay sakto namang dumating na sina Budi.

"Good morning Nanay, Negi,Chad,Budi,Aaron,Archie and---" naputol ang sasabihin ng Buern ng hindi niya makita ang huling taong babanggitin niya sana. "Si Meme? Tulog pa?" tanong nito sa kanyang mga kasama. "Baka tulog pa yun,hala sige kumain na kayo at lalamig na yan." sabi ni Nanay Rosario sa mga ito.

9:47 am

"Tulog pa rin si Meme?" takang tanong ni Archie at pinuntahan na ito sa kanyang kwarto. At doon niya nakita........wala.......wala pala siyang nakita. Wala ang taong kanina pa nila hinahanap at hinihintay. Tumakbo naman siya pababa at sumigaw.

"ASAN SI MEME?!" sigaw ni Archie. "Huh? Anong asan? Wala ba sa kwarto niya?" nagtatakang tanong ni Aaron. Si Negi na kakagaling lang sa banyo ay lumabas na at narinig ang sigaw ni Archie. "Baka hindi umuwi?" singit na tanong ni Negi. "Teka tatawagan ko." sabi naman ni Budi. Kinuha niya ang kanyang phone at dinial ang number ni Vice.

Ring... Ring... Ring... Ring...

"Hindi sumasagot eh." nagaalalang tanong ni Budi. "Oh eh asan yon? Wala bang sinabi sainyo kagabi?" tanong naman ni Buern. Nagkatinginan sila at napasabing,"wala naman."

Lumabas si Nanay Rosario galing kusina,"Oh,di pa ba gising si Tutoy?" tanong nito. "E-eh kasi Nay,di ata umuwi si Meme kagabi." sabi ni Chad. "Hah? Oh eh tawagan niyo nga." nagaalala naman agad si Nanay Rosario sa sinabi ni Chad.



Sa kabilang banda naman...

10:03 am

Yakap ni Ion si Vice sa likod nito habang mahimbing pa ang kanilang tulog ng biglang nagring ang phone ni Vice. Nagising naman si Vice sa sunod-sunod na pag-ring nito. Pilit niyang kumawala sa yakap ni Ion at kinuha ang kanyang bag,pumunta siya sa balcony at sinagot ang tawag.

"Hello?" bakas sa boses ni Vice na kakagising lamang nito. "Meme! Jusko akala namin kung ano nang nangyari sayo! Asan ka ba? Bat di ka umuwi?" sigaw ng nasa kabilang linya. Napatingin naman si Vice sa pangalan ng caller at si Budi pala ito. "A-ahh e-hh kasi ano,kasiiii may nakita akong kaibigan ko kagabi na nagpunta sa bar! Oo yun nga. Napasarap ang inuman,di ko na kaya magdrive kagabi. Buti na lang ano,may driver siya. Pe-pero okay lang ako." pagsisinungaling ni Vice. Di pa kasi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang mga kaibigan.

"Owwwkay? Anong oras ka uuwi?" tanong ulit ng nasa kabilang linya. "Aahhh." tumingin naman si Vice kay Ion at nakitang gising na rin ito. Ngumiti siya rito at kumindat naman si Ion. "A-after lunch uuwi na ko." sagot ni Vice. "Sige. Ingat ka ha. Bye." Sabi ni Budi at pinatay na ang tawag.

Bumalik na si Vice sa kama,niyakap naman agad siya ni Ion sa likod. "Sino tumawag sayo?" tanong nito. "Ah wala,yung mga kasama ko lang sa bahay. Nagtaka kung bakit hindi ako nakauwi." sagot naman ni Vice. "Ion?" bigla namang nakaramdam ng kakaiba si Vice.
"Yes?" sagot ng lalaki. "Yu-yung ano mo kasi,yung ano,yung ano mo tumutusok sa likod ko." nauutal na sabi ni Vice. "Ion laughed and kissed Vice in the cheeks.

Pumunta na ng banyo si Ion at pinakalma ang sarili. (wahahaha) Bumangon na si Vice at hinintay si Ion. Paglabas nito ay agad siyang lumapit dito at niyakap ng mahigpit. "It's so nice to wake up in the morning with you by my side." sinserong sabi ni Vice. Hinarap naman siya ni Ion at hinalikan sa noo.

Falling for youWhere stories live. Discover now