18

2.1K 49 14
                                    

Katatapos lang nilang kumain at umakyat na ulit sa taas upang maligo at mag-ayos ng gamit. Tumungo muna naman si Vice dahil may tumawag sa kanyang phone,"Hello?" tanong nito. "Vice? Si Emma to. Kamusta na?" sagot ng kausap sa telepono. "O-okay naman." maikling sagot ni Vice dahil hanggang ngayon ay tila naiilang pa din siya sa kaniyang mga kapatid. "Ahh. Kagabi kasi pumunta kami sa bar mo,wala ka pala don. Gusto sana naming magbonding tayo nila Babot at Tina." masiglang sabi ni Emma.

"Pasensya na kasi nag out of town kami. Mamaya palang kami pauwi." sagot ni Vice. "Ah ganon ba?Gusto din sana naming makilala si Nanay mo?" tanong ni Emma. Napatahimik naman si Vice sa sinabi ng kausap,"Give me more time. Miski ako hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din sa nangyayari." mahinahong sagot ni Vice.

"Sige. Naiintindihan namin. Kung kelan mo gusto,hihintayin lang namin tawag mo. Ingat kayo." pagpapaalam ni Emma. "Salamat." maikling sagot ni Vice. Naputol na ang tawag,napatingin naman si Vice sa ganda ng view at napabuntong hininga na lamang.

Maya-maya ay naramdaman ni Vice na may yumakap mula sa kanyang likuran. Napangiti siya dahil alam naman niya kung sino ang nakayakap sa kanya ngayon.

"Masakit pa ulo mo?" tanong ni Vice kay Ion. "Hindi na po masyado." nakangiting sagot ng lalaki kay Vice,hinarap ito at tinitigang mabuti sa mga mata. "Magaling nag-alaga sakin eh." nakangiting sambit nito sa kanyang kaharap. "Talaga lang ah?" kinikilig na sagot ni Vice at hinaplos-haplos ang buhok ng lalaki.

"Simula ngayon aalagaan ko na tong boyfriend ko no. Ako lang pwede mag-alaga dito." nakangiting sambit ni Vice at kinurot ang ilong ng lalaki. Nakita naman niya ang reaksyon ng kaharap na tila abot tenga ang ngiti ng dahil sa narinig.

"Boyfriend? Tama ba narinig ko? Boyfriend?" gulat na tanong ni Ion sa kaharap. "Bungol?" pangaasar ni Vice at hinalikan sa labi ang lalaki. Niyakap naman ni Ion ang kanyang "girlfriend".

Narinig naman ni Vice na parang humihikbi ang lalaki,hinarap niya ito at doon nakita na lumuluha na pala si Ion. "Huyyyy? Bakit ka umiiyak? May mali ba sa nasabi ko?" alalang tanong ni Vice sa lalaki. "Sobrang saya ko lang kasi Love." sagot ni Ion at pinunasan ang luha niya.

"I may not be a perfect boyfriend to you,I make mistakes but I will never get tired of loving you." seryosong sambit ni Ion na titig na titig sa mata ng kanyang girlfriend. "Yes,you may not be the perfect and ideal boyfriend that everyone wants. But I'm lucky that God gave me you. And I'm not a perfect person or girlfriend but I will love you even if the day comes that you don't love me anymore." naluluhang sabi ni Vice.

"Kung hindi lang din ikaw ang mamahalin ko,hindi na ako magmamahal ng iba pa." sinserong sagot ni Ion at hinalikan si Vice sa labi.

"Ligo na muna ako Love." sabi ni Ion sa kaharap. "Sige. Magliligpit na ko ng gamit natin." nakangiting sagot ni Vice. "Ikaw? Di ka pa liligo?" tila makahulugang tanong ni Ion. "Siyempre ikaw muna. Mamaya na ako." sagot naman ni Vice at hinalikan sa ilong ang lalaki. "Kasiiii pwede naman tayong magsaba--"

"Benigno,maligo na." sabi ni Vice na ngayon ay naguumpisa ng magligpit ng gamit. "Opo." natatawang sagot ni Ion.

Lumipas ang ilang minuto ng pagaayos ng gamit si Vice,naalala naman niya kung nasaan ba ang mga kaibigan niya dahil hindi niya ito naabutan kaninang umaga. Maya maya naman ay may biglang kumatok sa pinto,"Pasok." sigaw niya. "Memeeeee." nagtitilian naman ang mga betle ng pumasok sa kwarto. "Anooooo?" tili rin ni Vice sa mga ito.

"May chikaness kami sayoooo!" sabi ni Negi at umupo sa kama kasama ang mga betle. "Teka teka. Ako muna,san ba kayo nanggaling ha? Paggising ko wala na kayo." tanong ni Vice sa mga ito. Nakita naman niyang nagsi-upo ang mga kaibigan sa kama. "Ito na nga kasi Meme!" sagot ni Aaron. "Tsaka iniwan niyo si Nanay kanina ng hindi niyo sinasabi sakin. Buti nandyan sina Billy at Vhong." dagdag pa ni Vice na ngayon ay malapit ng matapos sa ginagawa.

"Eh kaya nga kami umexit kasi nandyan si Billy at Vhong." singit ni Archie. "Mukhang may bisita pa nga kanina eh." sabi naman ni Chad. "Ahh si Jhong. Kababata daw ni Billy." sagot naman ni Vice na tapos ng magligpit at napa upo sa upuaan. "Jhong pala name non." singit ni Buern.

"Oh ano ngang chika?" tanong ni Vice sa mga ito. "Diba kagabi nandyan yung e--." Ngunit bago pa man matapos ang sasabihin ng mga betle ay biglang bumukas ang pinto ng banyo,"Ay daga!" napasigaw naman si Budi. Nagulat naman si Ion sa kanyang nakita at nahiya sa mga ito dahil nakatapis lamang siya ng towel.

"Pasensya na. Andyan pala kayo." nahihiyang paumanhin ni Ion. Agad namang nagsitayo ang mga betle at nagpaalam kay Vice. "Maya na lang Memeeee." pahabol ni Budi.

Si Vice naman ay nakatingin lang sa nobyo dahil gwapong-gwapo siya dito. Nagtaka naman si Ion sa mga kaibigan ni Vice at tumungo sa pinto upang ilock ito. Pagharap niya ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Vice.

"Oy Love,gwapong-gwapo?" pagbibiro ni Ion at nagumpisa ng magbihis. "Gwapo naman nga kasi." nakangiting sagot ni Vice,kinuha na niya ang towel at agad na naligo.

Ilang minuto ay natapos na si Ion,humiga ito saglit sa kama dahil nakaramdam ng antok. Hanggang sa tuluyan na itong makatulog.

Maya-maya ay bigla itong napasigaw ng may biglang pumasok na isang babaeng may dala ng kutsilyo at nagtungo sa banyo. Pawis na pawis si Ion at matapos ang ilang segundo ay nakita niyang lumabas ang babae ng duguan ang dala nitong kutsilyo. Napasabi siya ng,"Love!" Papalapit na sa kanya ang babae,akmang sasaksakin na rin siya nito ng biglang...















"Love? Huy Love?" yugyog ni Vice sa natutulog na si Ion. "Huy okay ka lang? Tinawag mo ba ako?" alalang tanong nito. "H-ha? I-ikaw? Okay ka lang ba?" tanong din ni Ion dito. "Ha? Oo naman bakit? takang tanong ni Vice.

Doon napagtanto ni Ion na panaginip lamang pala ito. Tinitigan niya si Vice at agad na niyakap. "Love basa pa ko." sabi ni Vice sa lalaki,"Wait lang. Payakap lang,ang sama ng panaginip ko." mahinang tugon ni Ion. Nagalala naman si Vice at hinayaan na lamang ang nobyo.

Maya-maya ay kumawala na si Ion sa yakap at makakas na napa buntong hininga. "Okay ka lang ba? Pinagalala mo naman ako eh." malambing na sabi ni Vice. "Pagod at stress lang siguro Love." mahinang sagot ni Ion.

Di parin maalis ni Vice ang pagaalala sa kanyang nobyo. "Magbibihis lang ako." sabi nito sa lalaki at hinalikan sa labi. Napasandal na lamang si Ion.

Ilang problema ngayon ang kanyang iniisip,pinagpapasalamat na lang niya na nandyan si Vice.

"Tara sa baba Love,inom ka ng tubig." anyaya ni Vice dito at sumunod naman ang lalaki. Pagkarating sa kusina ay agad na umupo si Ion at Vice naman ang kumuha ng tubig.

"Bat ka ba kasi nagpakalasing ng ganon ha? Nagalala ako sayo,di ko alam kung san ka hahanapin nung bigla kang umalis." sabi ni Vice sa lalaki. Ngumiti si Ion dito at sinabing,"Halika."

Sumunod si Vice,pumunta sila sa bench sa ilalim ng puno at doon nagkwento si Ion.






They knew there was something and made that into a "thing". Little things that they appreciate. They're very thankful to have each other. Love overcomes everything :)

______________________________________

Falling for youWhere stories live. Discover now