4

2.5K 45 13
                                    

June 2 - 8:20 am

"Oh anak,gising ka na pala. Anong oras ka na ba nakauwi kagabi at hindi mo kasabay sina Buern?" tanong naman ni Nanay Rosario sa bagong gising na si Vice. "Halika kumain ka na oh." sakto namang kakatapos lang nito magluto at naglagay na ng plato para sa kanilang dalawa ng kanyang anak. Hanggang ngayon kasi ay tulog pa ang mga betle dahil naparami ang inom kagabi.

"Goodmorning Nanay kooooo!" malaking ngiti naman ang namutawi sa mukha ni Vice at niyakap ang kanyang ina. "Mukhang masarap to Nay ah." natatakam na sabi naman ni Vice at umupo na sa upuan. "At mukhang maganda ang gising mo anak ah." napangiti naman ang ina dahil simula pagkagising ng kanyang anak ay nakita na niya ang ngiti sa mga sa labi nito.

"Syempre,ang ganda-ganda ng anako niyo eh." sabi naman ni Vice habang kumukuha ng makakain at sabay kindat sa kanyang ina. Parehas naman silang natawa. "Nako ito talagang unica hijo ay este unica hija ko,talagang napakaganda naman nga." nakangiting sabi ng kanyang ina at sabay silang kumain.

Habang kumakain silang dalawa ay bigla namang pumasok sa isipan ni Vice ang tatlong taong pumunta sa bar niya kagabi. Napansin naman ng kanyang ina na parang malalim ang iniisip nito. "Oh anak,ayos ka lang ba?" alalang tanong naman ng kanyang Nanay. Agad namang bumalik sa ulirat si Vice at pilit na ngumiti sa harap ng kanyang ina. "Syempre naman Nay,medyo sumakit lang ulo ko pero okay na ko. Kain ka na." nakangiting sagot naman ni Vice sa kanyang kausap.

Maya maya pa'y nagising na ang kanyang mga kasama.

"Goodmorning Nay! Goodmorning Meme!" bati naman nila Buern at Chad. "Oh gising na pala kayo,upo na dito at kumain na." paanyaya ni Nanay Rosario. "Good morning din. Oy kayo na magligpit ng pinagkainan mamaya ha? Tsaka maaga tayong aalis mamaya." sabi ni Vice sa mga ito sabay tayo upang maligo na. "Sure Meme." sagot naman nila.

"Kamusta naman na ang bar?" tanong naman ni Nanay Rosario sa kanyang mga kasama sa kusina. "Okay naman po Nay." nakangiting sagot naman ni Chad.

"Pero alam niyo Nay kagabi,may pumuntang tatlong magagandang bakla sa bar tapos si Meme ang hanap nila." kwento naman ni Aaron sabay subo ng kinakain. "Sosyalin Nay!" sigaw naman ni Archie. "Oh eh ano daw sabi?" tanong naman ni Nanay Rosario. "Eh sa office na po sila nagusap kagabi eh. Medyo matagal nga po kaya pinauna na kami ni Meme umuwi kasi sumama ang pakilasa ni Aaron." sabi naman ni Negi sabay tayo upang kumuha ng tubig. "Ahh." lamang ang tanging nasagot ni Nanay Rosario.

Pagkatapos magligpit ng mga bakla ay naligo na din ang mga ito.

10:27 am

Nakatingin si Vice sa kanyang sarili sa may salamin. Nasa banyo siya at kakatapos lang maligo. Bumabagabag parin sa isip niya ang pagu-usap nila ng tatlong taong pumunta sa bar niya kahapon. Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isip. Hindi niya alam kung paano hahanapin lahat ng sagot. Mas lalo naman siyang nahirapan dahil hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang ina.

"Pano ba to?" ang tanging tanong sa isip ni Vice. Pumikit siya ng ilang segundo at huminga ng malalim. Lumabas na siya ng banyo at nag ayos na.
__________________________________

Sa kabilang banda naman ay kakagising lang ng isang lalaking natulog ng may malaking ngiti sa labi.

Pagkamulat ni Ion ay magaan na agad ang pakiramdam niya. Masigla itong bumangon at bumaba na upang kumain. Naabutan niya ang dalawa niyang kasama na nagluluto pa lamang.

"Good morning!" masiglang bati naman ni Ion kina Vhong at Billy. Nagulat naman ang dalawa sa narinig. "Halos maga-apat na taon na tayong magkakasama sa iisang bahay pero bilang na bilang ko ang mga araw na binabati mo kami ng good morning." nanlalaking mata na sabi naman ni Billy. "Eh mukhang maganda ang gising eh,baka maganda rin kasi ang gabi o ang nakasama kagabi?" sabi ni Vhong kay Ion ng may halong panga-asar.

Falling for youWhere stories live. Discover now