26

2.5K 50 17
                                    

"Ang aga natin ah." bati ni Vhong at tinapik ang likod ni Ion. Naabutan niya itong nagluluto ng breakfast. Maya-maya ay dumating naman si Billy na dumiretso ng pag-upo at umob-ob sa lamesa. Napansin ito ni Ion at sinabing,"Bat parang lantang gulay ka naman diyan."

Inangat naman ni Billy ang ulo nito,"Puyat ako,may maingay kagabi eh." sabi nito na may halong panguukit. Ngumiti naman si Ion at pinagpatuloy ang pagluluto.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na niyang isangag ang kanin. Ang kanyang niluto ngayon ay sausage,fried eggs and fried rice. Hinain na niya ito sa mga kaibigan. Pagkatapos ay naglagay siya ng pagkain niya at kay Vice sa iisang plato. At ipinagtimpla ito ng watermelon juice. Nilagay niya ito sa tray at umakyat na sa taas,"Hatidan ko lang si Misis mga Brad." paalam nito.

Naabutan niyang tulog pa ito kaya't nilagay ang tray sa maliit na lamesa sa tabi ng kama.

"Loveeee,wakey wakeyyy." malambing na panggigising niya dito. Tinabihan niya ito sa kama,umungot naman si Vice at sumiksik sa lalaki. Hinawi ni Ion ang buhok na humaharang sa mukha nito at hinalikan sa noo.

"Kain na tayo." saad nito sa nobya. Unti-unting iminulat ni Vice ang kanyang mata at agad na tiningnan ang lalaki. "Good morning." bati ni Ion. "Good morning." sagot ni Vice. "I love you." paglalambing ni Vice dito,"I love you more. Bangon ka na,kain na tayo." sabi ni Ion dito at umayos na nga siya ng pagkakaupo.

Pagbangon ni Vice ay tila nakaramdam siya ng sakit banda sa kanyang balakang,"Arayyy." impit na sabi nito at napapikit ang mata. Nagalala naman si Ion at inalalayan ito upang makasandal sa ulunan ng kama.

"Whyyy? Anong masakit?" alalang tanong ng lakaki dito. "Last mo na yong kagabi!" maktol nito na parang paiyak na. "Bakiiiiit?" tanong ni Ion na medyo umimpit ang boses nito. Napatawa naman si Vice dahil don,"Pano ulit?" natatawang tanong nito. "Bakiiiiit?" paguulit ng lalaki na natawa na din sa sarili.

Muling naramdaman ni Vice ang sakit kaya't napapikit ito at napahawak sa braso ng lalaki. "Benigno masakit talaga!" maktol nito at kinurot ang lalaki. "Eh bakit last ko na kagabi?" tanong ng lalaki at tila natawa dahil alam na niya ang tinutukoy ng nobya.

"At talagang tumatawa ka pa ah? Ikaw kaya pasukan ko diyan! Ang sakit sakit nga eh!" kunot noong sagot nito sa lalaki. "Kasalanan ko bang malaki ako?" pagmamayabang ni Ion.
Tinitigan naman ito ni Vice ng masama.

"Sorry na,sorry naaaa. Kumain na tayo,susubuan na lang kita." sambit ng lalaki. Kinuha na niya ang tray at ipinatong sa hita niya. "Ikaw naman kasi,ang ganda mo,ang sexy mo. Anong magagawa ko? Eh naaakit ako ih." patuloy na pagsasalita ni Ion na naglagay na ng pagkain sa kutsara.

Ng isusubo na niya ito kay Vice ay nakita niya itong namumula dulot ng kilig. "Mamaya ka na kiligin,kain muna." nakangiting sambit ni Ion. Ngumanga na si Vice at isinubo ito. Pagkatapos ay sumubo na si Ion ng para sa kanya.

Patuloy na kumain ang dalawa,pagkatapos ay ibinaba na ni Ion ang tray. Pagbalik nito ay nagumpisa na silang maligo. "Maliligo muna ako Love." paalam ni Ion dito. Ngumiti lamang si Vice bilang tugon.

Makaraan ang ilang minuto ay natapos na si Ion. Naabutan niyang nakaupo si Vice sa harap ng salamin na titig na titig sa sarili. Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat.

"Okay ka na Love? Di na ba masakit?" tanong ng lalaki dito. "Tell me,anong nakita mo sakin?" tanong ni Vice dito na seryoso ang mukha at titig na titig sa sarili nito sa salamin. "Nakita ko sayo ang future ko na kasama ka. I'm always happy kapag kasama ka,kapag kausap ka,kapag katabi ka,kapag nakikita ka." sagot ng lalaki at hinalikan sa noo si Vice.

Hinarap niya ito sa kanya at lumuhod ito,hinawakan ang mga kamay ng nobya at sinabing,"Walang relasyong perpekto pero ipinapangako ko na kahit mag-away tayo o malungkot tayo,hindi kita iiwan. Magkasama nating haharapin mga problema natin. Mahal na mahal kita at wala ng mababago don." sabi nito at hinalikan sa kamay si Vice.

Falling for youWhere stories live. Discover now