34

1.7K 66 30
                                    

"Tumawag na naman si Dad,what am I gonna tell him? Na ayaw makipagkita nung anak niya?" ani ni Tina at napaupo ito sa sofa,"No,magpupumilit lang yon na umuwi dito sa Philippines. Alam naman natin na mahina na siya,hindi na niya kaya yung malayuang travel." sagot ni Babot dito. "Kapag ako hindi pa nakapagtimpi,ipapadukot ko na talaga yang si Jose Marie." singit naman ni Emma.

"Mukhang hindi pa nga niya nasasabi sa Nanay niya eh." sabi naman ni Tina. "Tatawagan ko si Tito Bobet,siya na lang ang magkumbinsi kay Vice. Baka don makinig pa siya." ani ni Emma. "Pinaalis nga tayo sa hospital together with Tito Bobet,ang tigas lang talaga ng ulo niyang si Vice." saad naman ni Babot.

"I'd rather work day and night than to deal with this problem." ani ni Emma.

______________________________________

"Tay,titira na kami ni Vice sa iisang bahay. Pumayag na si Nanay Rosario,mamaya sasabihin na din namin kay Nanay." kwento ni Ion habang nagsisindi ito ng kandila. Dala naman ni Vice ang bulaklak at ipinatong ito sa tabi. Umupo siya sa tabi ni Ion at masaya itong pinagmasdan habang nagkkwento sa ama.

Ng matapos ang lalaki ay hinawakan niya ang isang kamay ni Vice,"Ang sarap talaga siguro sa pakiramdam ng may ama." sabi ni Vice at hinarap ang lalaki. "Bakit ba hindi mo pa siya puntahan?" tanong ni Ion.

"Ang iniisip ko lang naman kasi eh yung magiging reaction ni Nanay. Na malaman niyang buhay si Tatay at may ibang pamilya na." sagot ni Vice dito. "Tsaka bilang isang anak,naghirap kami ni Nanay tapos bumuhay siya ng ibang pamilya? Ang unfair kaya." dagdag nito.

"Palalampasin mo pa tong pagkakataon na to? Alam mo Love,hindi naman masama na pagbigyan mo yung gusto ng tatay mo. Kaya nahihirapan kang tanggapin siya kasi may galit diyan sa puso mo. Tanggalin mo yan,masama yan. Ngayon pag nagawa mo na yon,mas madali mo siyang matatanggap. Kasi nasa puso mo na yung saya na may Tatay,yung sarap sa pakiramdam na may Tatay,yung may mga kapatid kang makakasama. I'm sure maiintindihan yan ni Nanay Rosario." saad ni Ion at binigyan ng halik ang kamay ni Vice.

"Thank you for always making me feel better. I love you." ani ni Vice,"I love you more." sagot naman ng lalaki.

Nagtagal pa sila ng ilang minuto doon at pakatapos ay napagpasyahang umuwi na. Pagkarating nila sa bahay ay naabutan nilang masayang nagkkwentuhan ang mga ito sa sala.

"Anong ganap?" ani ni Vice at umupo sa tabi ng kanyang ina. Umupo naman si Ion sa tabi ni Nanay Zenny.

"Nak,magsasama na pala kayo ni Vice sa iisang bahay?" tanong ni Nanay Zenny dito,"Po? Pano niyo nalaman?" gulat na tanong ng lalaki. "At telege namang hindi nakapagpigil ang aking ina." singit ni Vice at nagtawanan sila. "Sasabihin niyo din naman kaya sinabi ko na." sagot ni Nanay Rosario sa mga ito.

"Yun ho kasi ang gusto ni Ion. Ang akin naman po,kung san siya masaya at kung anong gusto niya eh dun din po ako." sabi ni Vice kay Nanay Zenny,"Nakakatuwa naman kayong dalawa. Kung anong makakapagpabuti at makakapagpasaya sa inyo,dun din kami ni Balae." nakatinging saad ni Nanay Zenny at hinarap si Nanay Rosario.

"Tama ka dyan Balae. Sa susunod eh kasalan naman ang pag-uusapan natin." ani ni Nanay Rosario at nagtawanan ang mga ito. "Kasal agad." singit ni Vice. "Bakit naman hindi?" sabi naman ni Ion.

"Ayseeeeessss!" sabay-sabay na sabi ng mga beks. "Si Natalia nga pala Nay?" tanong naman ni Ion sa ina. "Kasama ni Boyfriend niya,nasa Mall." sagot ni Nanay Zenny sa anak.

"Binuksan ko na pala yung aircon sa kwarto mo Nak. Baka gusto niyong matulog." dagdag nito. "Nay Zen,nakakahiya naman po kung dito pa matutulog tong mga beks. Maghahanap na lang po kami ng Hotel malapit dito."ani ni Vice dito. "Nako hindi,pwede naman kami ni Natalia dito sa sala na lang matulog." sabi naman ni Nanay Zenny.

Falling for youWhere stories live. Discover now