19

2K 44 14
                                    

Nakapatong ang dalawang binti ni Vice sa mga binti ni Ion at ang ulo nito ay nakapatong sa dibdib ng lalaki habang magkahawak ang kamay.

"7 years ago,lumuwas ako ng Manila not knowing kung ano bang magiging buhay ko don. I started joining pageants at don ako nakaipon. Hindi maiwasang may hindi magagandang offer saakin pero hindi dahilan ang kahirapan para tanggapin ko yon. Maraming pagsubok syempre,dugo't pawis ang inilaan ko para makatulong sa pamilya ko. Nakakapagod pero yung alam mong may mga taong sumusuporta sayo,nakakabawas ng pagod eh."

Vice held Ion's hands tighter,"After non,I started modeling naman pero sa mga local brands lang. Then nakilala ko sila Billy,they helped me put up a business." napa hinga na lang ng malalim si Ion.

Napatingin naman si Vice sa lalaki,"So,how's your business?" tanong nito. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Ion,"Pag-uwi natin,I'll be a little busy. Kailangan ko ng intindihin ang pagsasara ng store ko." malungkot na sagot ni Ion.

Nag-alala si Vice para sa lalaki dahil alam niyang napaka importante ito para kay Ion. "Don't worry na ha? We'll figure things out,I'll be with you." sabi ni Vice at hinalikan ang lalaki.

"Napaka swerte ko pa din pala,na kahit may kamalasang dunating." sabi ni Ion at humarap kay Vice,"Sobra-sobrang kaswertehan naman ang ipinalit." nakangiti nitong sabi at hinalikaan sa noo ang girlfriend.

Nagiisip na si Vice ng paraan kung papaano matutulungan ang nobyo. Magkahawak lamang sila ng kamay habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.

________________________________________

"Sasabihin pa ba natin?" tanong ni Aaron. "Syempre naman,tsaka mukhang hindi maganda ang lagay nung babae eh." sagot naman ni Archie.

"Pero tingnan niyo yung dalawa oh,makikita mong ang saya-saya talaga." nakangiting sabi ni Buern at tinuro ang dalawang tao na nakaupo sa bench. "I hope Ion's the one." sinserong sabi ni Budi.

"Pero kelan nga natin sasabihin?" singit ni Negi. "Pagka-uwi na lang kaya natin?" tanong naman ni Chad. Napatango na lang sila at masayang nagkwentuhan habang pinagmamasdan si Vice at Ion.

"What are you gonna do?" tanong ni Budi kay Buern,"English Mamsh haaa hahaha. Tama si Chad,pag-uwi na lang natin." sagot ni Buern.

________________________________________

11:57 am

"Tawagan mo na sina Billy,sabihin mo kakain na." malambing na sabi ni Vice kay Ion at niyakap ito mula sa likuran at hinahalik-halikan ang likod ng ulo. "Opoooo." sagot ni Ion at kinuha ang phone mula sa bulsa. Akmang tatawagan na sana niya ito ng bigla nang dumating ang kanyang mga kaibigan.

"Hanggang ngayon ba magka-lingkis parin kayong dalawa?" tawang panunukso ni Vhong sa kanila. Natawa naman si Vice at Ion,kumawala sa yakap si Ion at hinila ng upuan ang kanyang girlfriend upang maka-upo na ito.

Sakto din naman ang pagdating ng mga kaibigan ni Vice pati na rin ang kanyang Nanay. Si Ion naman ay agad ng nilapitan si Nanay Rosario at inaya ito sa upuan na kanyang hinila katabi ni Vice. Si Ion ay umupo sa tabi ni Nanay Rosario.

Umupo naman si Jhong sa bakanteng upuan sa katabi ni Vice.

"Jhong? Kamusta naman pagiikot-ikot niyo?" tanong ni Ion sa lalaki. "Ayos naman brad. Lalong gumanda tong resort ni Billy." nakangiting sagot ni Jhong. "Oo nga,lalong gumanda dito." Nagtawana naman silang lahat.

Nakita ni Vice na nilalagyan ni Ion si Nanay Rosario ng pagkain sa plato nito.

"Ano pa pong gusto mo Nay?" tanong ni Ion kay Vice. "Ako na anak,sige na kumain ka na." sagot ni Nanay Rosario. "Love ikaw?" tanong ni Ion kay Vice. "Ito na,kumukuha na ko." nakangiting sagot ni Vice sa lalaki.

Habang kumakain si Jhong ay pasulyap-sulyap niyang tinitingnan ang katabi. Napansin naman ito ni Vice. Kukunin sana ni Jhong ang ulam pero hindi niya to abot,sa halip ay si Vice na ang kumuha at nakangiting inabot ito sa lalaki.

"Ito oh." sabi ni Vice at ginawaran ng ngiti ang lalaki. Tila natigilan si Jhong ng makita ang ngiting iyon ng bigla niyang naalala na hawak pa nga pala ni Vice ang mangkok. "Salamat. So uuwi na pala kayo mamaya?" tanong ng lalaki habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

"Oo,marami pang iintindihin eh." sagot ni Vice at sumubo. Bigla namang sumingit si Archie,"Meme,tumawag nga pala sakin si Stephen kanina. Puno daw sa bar,as in. Hindi na nga napapasok ng bouncer natin ung ibang customer kasi medyo crowded na daw sa loob."

"Talaga? Nakakatuwa naman. Sana laging ganon." nakangiting sagot ni Vice sa kaibigan. "Mukhang kailangan na ng pangalawang bar ah." singit ni Vhong. "Agad-agad? Kakabukas pa lang naman hahaha." natatawang sabi ni Vice at nagtawanan din ang mga kasama niya.

"Why not? Are you open for franchising na ba?" seryosong tanong ni Billy. "Oo,kung meron diba. Why not?" sagot ni Vice. "Oh yun naman pala. Ano mga brad?" sabi naman ni Vhong. "Sure. Pwede yon. Bright idea brad." sabi ni Ion na tila abot tenga ang ngiti. Nakita iyon ni Vice at napakangiti rin siya ng makita ang saya sa mukha ng nobyo.

"Bar Owner ka pala?" tanong ni Jhong. "Oo,kakabukas lang kaya medyo hands on pa ko." sagot ni Vice at nagpatuloy sila sa pagkain. "San ba yan? Para naman maka punta ako minsan." tanong ni Jhong. "Oo punta ka. Sa may Greenhills,District 8." nakangiting sagot ni Vice.

Nagpatuloy sila sa pagkain. Napapansin naman ni Ion ang patingin-tingin ni Jhong sa kay Vice.

"Anak,anong oras ba alis natin?" tanong ni Nanay Rosario kay Ion,"Mga 3 po Nay." nakangiting sagot ng lalaki. "Nakssss,anak na pala ha." pangangantyaw ni Vhong at tila lahat sila ay nagtilian. Habang sa bandang gilid ay tila walang reaksiyon si Jhong at pilit na lamang napangiti.

_________________________________________

Halaaaa,naging busy po sa school kaya ngayon lang ako nakapag ud. Basta po pag nagkaron ako ng free time,maguupdate po ako agad-agaaad. Thank you for reading pooo❤️

Falling for youWhere stories live. Discover now