SANA

41 1 0
                                    

By:@ETHEYL VARGAZ
💖💖💖💖
----------------------
"Mahal ano gusto mong regalo?"tanong ng binata sa kasintahan.

"Gusto ko gift mo sakin sa 2nd monthsarry natin hmmmm cellphone yung bagong labas na version ng Vivo" ngiting suhesyon ng dalaga sa kasintahan. Ngumiti rin ng pilit ang binata bago yakapin ang nobya.

"Sana ganito tayo lagi Mahal"turan ng binata habang magkayakap silang nakahiga.

"Oo nga Mahal, mas gugustuhin pa kitang katabi matulog kesa sa pamilya ko."turan ng babae at siniksik ang sarili sa bisig ng nobyo. Napangiti lalo ang binata,marahan niyang hinalikan ang nuo ng dalaga at itinukod ang baba sa ulonan ng nito.

"Mahal, hindi ka ba na bo-boring sa relasyon natin?" Tanong bigla ng dalaga kaya napatingin rito ang binata.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Gulat na tanong neto sa kasintahan.

"Ehh kasi gusto ko masubukan sa isang relasyon yung di pa natin nasusubukan" napakunot ng nuo ang lalake dahil duon.

"Yung alam mo na bilang lalake at babae na magkasama sa kama hehe" patuloy neto. Sumeryoso ang itsura ng binata.

"Hindi porket mag nobyo't, nobya tayo ay pwede na natin gawin iyon Mahal. May pangarap ako para sayo at isa pa Mahal kita hindi kita minahal dahil maganda ka at sexy na nakakatawag ng tukso, oo sabihin natin gusto kita ikama pero pinipigilan ko dahil meron akong respeto sayo bilang babae at kasintahan ko, ayaw ko dumihan ang puri mo dahil lang sa tawag ng laman, Mahal may tamang panahon para dyan. Magagawa din natin yan kapag mag-asawa na tayo" mahinahon na turan ng nobyo at marahan hinalikan muli ang nuo ng dalaga.

Ngumiti lang ito.

"Sana maintindihan mo ako, Mahal kita Mahal na Mahal" yakap nya rito na sobrang higpit.
---------------------

Nagising ang binata at napatingin sa tabi nya na wala na roon ang kasintahan nya. Napatingin siya sa side table kung saan nakalagay cellphone ng kanyang nobya. 

Kinuha niya iyon para tignan ang oras. 4:30 na iyon ng hapon at napansin niya ang isang message bukod sa wallpaper nilang dalawa ng kasintahan. Tinignan niya ang mensahe na naka rehistrong pangalan ay"Babe" binuksan niya ang conversation.

Halos maluha siya sa nababasa.

From babe:
-babe miss na kita, asan ka na hinahantay kita dito sa condo ko. I miss your hotties body 😍😘
(Yesterday @4:50pm)

To Babe:
-wait me there babe 😘. Paalis na ako dito sa condo ng boring kong jowa. 
(Yesterday @4:51pm)

From Babe:
-half day lang naman pasok mo, bakit hindi ka na lang tumuloy dito?
(Yesterday @4:52pm)

To Babe:
-para masiguro ko na mabibilhan niya ako ng cellphone na Vivo. At last narin naman 'tong panloloko natin sa kanya. In two months na panloloko natin di nga ako tinikman kabanas! Bakla yata to e. Sige punta na ako dyan babe.
(Yesterday @4:55pm)

Di na nya kaya pang basahin ang my susunod na conversation ng kanyang nobya at sa "babe" neto dahil kada letra ay lalong sumasaksak sa kanya.

"I hope na maging maganda kinabukasan mo sa kanya"bulong ng binata sa sarili at ibinalik ang cellphone ng dalaga. 

Humiga sya muli sa kama at pinikit ang mata dahil alam nyang palabas sa banyo ang dalaga.

Ramdam niya ang babae na kinuha neto ang cellphone at lumabas agad ng kwarto. Napabuntong hininga nalang ang binata sa kawalan.
-----------------

Nagtataka ang dalaga kung bakit hindi nagpaparamdam sa kanya ang kasintahan. Ilang araw na ang lumipas at ngayon ay araw na ng kanilang second monthsarry. 

Naghihintay siya sa gate ng biglang may humintong motor sa kanyang harapan at iyon ay ang kanyang laging ka-sex. Hiniwalayan na niya ito kahapon ngunit hindi siya tinitigilan. 

"Sumama ka sakin" Sabi ng lalake.

"Ayaw ko na!" Irita nyang turan dito.

"Kapag hindi ka sumama tutudasin kita"banta neto.

"Ayaw ko na!" Sigaw niya rito 

"Last na 'to hindi na kita guguluhin" 

"Sige basta ibalik mo rin ako rito!" Napilitan na turan nya.

"Oo, papayag ka rin pala e" ngisi neto at pinaandar agad ng mabilis nang makasakay ang dalaga.

-------------
"Ngayon ako naman ang su-surpresa sa kanya" usal SA sarili ng binata habang bitbit ang regalo sa nobya.

Pinuntahan niya ang condo ng lalakeng ka text ng kanyang nobya dahil doon lamang ang puntahan ng nobya nya.

Sinubukan nyang pinihit ang bukasan ngunit hindi pala iyon naka lock sa loob. Pagbukas nya nakita nya ang nobyang nakahiga sa kama at nakapatong ang lalake rito. 

Napatulo ang butil ng kanyang luha. 

"Last na 'to" bulong sa sarili nya at pumasok sa loob, nilakasan niya ang loob para sa dalawang labas ang buong kaluluwang nagtatalik.

Di sya napansin ng dalawang abalang nagsasalo sa sarap na ginagawa. Napansin lang sya nung nasa gilid na ito nila na tila walang pake sa nakikita.

"Happy 2nd monthsarry at break na tayo, Sana maging masaya ka" ngiti neto at tulala lang ang dalawang nakatingin sa kanila na hindi makagalaw sa lagay.

Ibinaba ng binata ang regalong naglalaman na cellphone na Vivo.

"Pre galingan mo" tinapik niya ang balikat ng katalik ng dating nobya.

Hiyang kinuha neto ang kumot ngunit huli na dahil palabas na ito ng condo na iyon.

Naiyak ang dalaga sa nangyayari ngayon nagsisisi sya kung bakit pa sya pumayag muli makipagtalik rito kapalit ng pananahimik neto.

Walang magawa at walang lakas ang dalaga sa sitwasyon nya.
--------------------

Napatingin ang babae sa lalakeng umakyat ng stage na may ngiti sa labi.

"Sana hindi nangyari yun , isa rin ako sa dahilan ng kanyang ngiti." Usal netong nakangiti ngunit lumuluha habang pinanunuod ang lalakeng sinasabitan ng mga medalya.

Napahawak sa tyan ang babae.
"Sana kasama din si mama mo umaakyat sa stage,nak" luhang usal neto.

" Ang taong Tinalikuran ko para sa karanasan, ang taong minanahal at nirespeto ako ng sobra ay binalewala ko lang" iyak nya at napakapit sa bintana ng pinagdausan ng graduation.

Nakita nya ang babaeng yumakap rito at hinalikan bago pagka baba neto sa stage.

"Ang sakit! Ako sana ang babaeng maswerte at proud sa kanya, Sana maibabalik ko lang ang ginawa kong kamalian. Sinayang ko ang lalakeng hindi maabuso" punas nya sa mga luha na lumandas sa kanyang pisnge bago talikuran ang pinagdausan, napahimas na lang siya sa tyan at naglakad palayo pigil parin ang luhang papatak muli.

-the end-

POEM POETRYWhere stories live. Discover now