LUHA

4 0 0
                                    

Luhang espesyal,alam mo bang sayo lang inalay?
Kay sakit naman isipin mahal na ako'y panakip butas mo lamang😪
Akala ko mahal mo din ako kagaya ng pagmamahal ko sayo?
Ngunit mahal nagkamali ako.

Nagkamali ako sa pag aakalang mahal mo din ako
Nagkamali ako sa pag aakaalang ako ang hanap mo
Nagkamali ako sa pag aakalang ako lang ang ang pinapangarap mo
Nagkamali,ako'y nagkamali sa pagpili ko sayo.

Di man kita lubos na kilala
Alam mo bang mahalaga ka?
Mahalaga ka sa akin
Sa pagtulog man o sa paggising.

Ngunit  mahal ako'y 'yong binaliwala
Binaliwala na parang bula
Binaliwala na parang  luha
Binaliwala na parang tulang walang tugma.

Kay sakit mahal
Ngunit kailangan ko nang lisanin
Ang pusong mo bitin
Sa pag ibig kong hain

Hanggang sa muli mahal
Pangakong di mawawala
Ang pagmamahal ko sa'yo sinta
Pangako,hanggang sa aking huling hininga.

POEM POETRYWhere stories live. Discover now