Mula sa aking kinauupuan.
Laging naghihintay na ika'y masulyapan.
Sa tuwing nakikita ko ang iyong mga ngiti .
Marahil ay bumabagal ang bawat sandali .Magandang binibini .
Maaari bang ika'y makatabi ?
Nais ko sanang makipagkilala .
Lubusan ka sanang makilala .Maaari bang ika'y maging kaibigan ?
Kung maaari sana ako'y pagbigyan .
Nais kong makilala ka ng lubusan .
Maging isa sa aking mga kaibigan .Batid mo sana binibini .
Ako sayo ay nabighani .
Diko maipaliwanag ang dahilan .
Marahil ikaw ay akin nang nagustuhan .Subalit hinde pa nalalaman, kung tunay ang nararamdaman .
Marahil natatakot o kaya ay kinakabahan .
Ngunit huwag mag alala mabuti ang hangarin sayo sinta .
Handang ingatan ka at lubusan ng Mahalin ka .