L - D - R
LDR o Long Distance Relationship
Mga taong pinaglapit ng pamamahalan
Mga pangakong walang hangganan
Pangako na walang distansya ang makakapaglayo sa inyong dalawa
At ikaw lang hanggang dulo
Pero
Bakit may sumuko?
Bakit
Naghiwalay?
Mga pangakong walang hangganan
Ngayon naalala mo na lang sa nakaraan
Nakuha ka niya sa matamis na salita, na kapag kayoy magkita pangako sinta di kana mag iisa
Araw araw kausap mo siya
Okay lang na mapuyat basta kachat lang siyaHandang suyuin pag nagtampo o galit siya eh wala pa naman kayong label na dalawa
Araw araw ganyan kamustahan kulitan at di na namamalayan umabot na pala ng harotan
Nahulog ka sa kanyang mga mabulaklak na salita
Mga tanungan na wariy kayo na
Mga tanong na
Okay ka lang?
Musta araw mo?
At yung nagpapakilig sa sambayanan
Kumain kana ba?
Hindi ko mabilang kong ilang beses akong natawa sa sarili ko alam ko namang malabo pero bakit hinayaan ko
Hinayaang mahulog sayo
Mahulog sa isang taong walang balak na saluin ako pero tinuloy ko umasa na may papahantungan itong tagpong to
Naging maayos naman
Pero nung una lang
Dahil bigla ka na lang lumamig di na nagparamdam at don ko nalaman laro lang pala to
Kinilig at umasa ako sa mga salita mo
Naniwala kahit malabo
Nasaktan kahit walang tayo
Gusto kong magtanong
Gusto kong magpalambing
Gusto ko ako lang.
Kaso naalala ko
Hindi pala ako importante sayo
LDR o long distance relationship distansya lang ang hadlang pero puso niya ang kalaban
-Alcohol