MOVE ON

11 0 0
                                    

"Move on! Move on! Move on!"
Mga katagang kay hirap gawin
Ng puso't isip na nananalangin
Na sana ikaw, tulad ko na umaasa, na sa pag-ibig natin
Ako pa rin ay naka-hold on.
Naaalala ko pa ang mga araw
Na pangalan ko'y iyong isinisigaw.
Sinisigaw sa mundo na mahal mo 'ko.
Ngunit sa bandang huli
Sasabihin mo na kaibigan mo lang ako.
Oo! 
Nagsimula tayo sa pagkakaibigan
Na humantong sa puntong tayo'y mag-iibigan.
Nagpalitan ng pagmamahalan.
At heto ako ngayon
Nag-iisa... Nag-iisa dahil ako'y iyong iniwan.
Mahal kita
At sabi mo, mahal mo rin ako.
Kumapit ako sa pangako mo
Pangako mong mamahalin mo 'ko
'Di ako iiwan, ngunit nasaan na ang lahat ng iyon?
Ito ba'y tuluyan nang napako?
Pangakong napako 
Ng mga mabibigat na pako
Na nagbigay sakit sa aking puso.
Kaya heto ako
Parang isang basag na baso.
Isang gabi
Ako'y wala sa aking sarili
Isipa'y kating-kati. 
Kating-kati sa mga sagot na nais makamit ng puso na ngayo'y nasa tabi-tabi.
Oo!
Dahil ako ay iyong sinaktan
Iniwang luhaan
Na ikaw... Ikaw na nagnakaw ng susi
Susi ng aking puso na pilit na umaasa sa dati
Dating tayo.
Tayo! 
Tayo na sinabi mong magtatagal hanggang sa dulo
Na kahit gumuho man ang mundo
Ang totoo...
Wala na pa lang tayo.
Bakit pa ako umaasa,
Kung sa una pa lang ako'y iyong pinaasa?
Bakit pa ako umaasa,
Kung ang puso ko'y puno na ng pasa?
Bakit pa ako umaasa, 
Kung alam kong ang pag-ibig nati'y wala nang lasa?
At bakit pa ako umaasa,
Kung sa mga galaw mo'y nagsasabing wala nang pag-aasa?
Bakit ko 'to nararamdaman?
Puso'y naguguluhan.
Naguguluhan sa pag-ibig ko sa 'yo na nais kong takasan.
Dahil... Dahil ako'y sobra nang nasasaktan.
Mahal kita
Na para bang ako'y isang buwan
Na umiikot sa 'yo dahil ikaw ang aking planeta.
Ikaw ang aking mundo
Na ngayo'y nagbibigay gulo sa aking puso.
Puso na matagal nang namatay
Namatay... Dahil iyong pinatay.
Pero heto ako ngayon
Pilit na umaalay
Umaasa sa iyong akbay
Na sana balang-araw, tayo'y magkasabay.
Magkasabay sa pagharap ng bukas na puno ng tagumpay.
Tagumpay.... Tagumpay dahil ikaw ang aking buhay.
Malaya!
Oo. Ikaw na ngayon ay malaya.
Maligaya sa piling ng iba.
Ngunit nais ko lamang sabihin...linawin
Na kahit nariyan ka man o wala
Ako'y mananatiling masaya.
Ako si Tanner. 
Si Tanner na nagmu-move on 'cause it's better.
Si Tanner na hindi naniniwala sa katagang "May forever.''
Forever ang katangahan na ang pag-ibig ko sa 'yo ay para bang water.
Water na ngayo'y binubuhos at nauubos mula sa pitcher.
Kaya ako'y iyong pagmasdan ngayon
Ako ngayon ay ganap ng isang bitter.
Kaya ngayon ay akin nang tatapusin
Ang aklat na ang laman ay istorya natin.
Istorya na nagsimula sa matamis
Na magtatapos sa isang mapait
Na ako'y labis na naiinis.
Naiinis sa kadahilang ako'y talo.
Talo... Dahil wala na talagang tayo!
Kaya sana ako'y wag nang mahalin
Na matapos mong sipain
Ako'y iyong hahabulin.
Ano 'to?
Ito ba'y isang laro?
Laro na tinatawag nilang soccer?
Soccer kung saan ikaw ang player.
Player na pinaglaruan ang aking puso
Puso na tanging ikaw lamang ang laman.
Ngunit ito'y iyong sinaktan...iniwan.
Mga matang luhaan
At lahat ng ito'y ikaw ang dahilan.
Oo! 
Ako ngayo'y nagmu-move on
Na titiyaking hindi na lilingon.
Lilingon sa mapait na kahapon
Kahapon na magsisilbing sandata ko sa kasabihang "Life must go on."

POEM POETRYМесто, где живут истории. Откройте их для себя