RANK GAME

6 0 0
                                    

"Ipaglaban mo kung ayaw mong mawala yung star na pinapahalagahan mo."

Welcome to Mobile Legend
Simula na ng laro, na hindi pwede maging biro
5 seconds to the enemy reaches the battle field.
Simula na rin ng pagbuo ng item para maging malakas tayo talaga,
Ngunit tulad ng pagmamahal may hadlang talaga para siraan ka.
Smash them! All trops deployed!

Wag na nating aksayahin ang oras pa.
Halika! Sakay na!
Ako yung magiging jhonson mo dahil ipapasyal kita sa mapa ng lungkot at saya.
Saya na sa huli ikaw at ako lang naman talaga,
Lungkot na maaaring ikadurog nating dalawa
Ngunit wag kang mag-alala, na kahit magka durog-durog pa ay ipaglalaban parin kita.
Tulad ni Rafaela na kayang gamutin ang sugat at sakit na paninira nila
Hanggang sa maramdaman mo na sakin ikaw ay tunay na mahalaga.
Ikaw ang magiging Base dahil proprotektahan naman kita
Kasi ayuko ko lang naman mawala ka!
Maslalong ayuko tumulad ka kay Nana na nakikipag laro lang naman pala
Ayukong tumulad ka kay Kimmy na pinapaikot mo lang naman ako habang nanakit ka
Ayukong tumulad ka kay Funny at Harley
Na maaalala mo lang ako sa tuwing kailangan mo.
Para ano? Para maipakita ang init na nararamdaman mo ngunit hindi naman talaga totoo
Walang Funny sa ginagawa mo!
At kung sa palagay mo talo na tayo?
Mag I epic comeback tayong dalawa
Ako yung magiging Tank mo dahil hindi ako mag sasawang suportahan ka
Ako yung magiging Aldous mo dahil pupuntahan ka kahit malayo ka
Ako si Masha na magiging fighter tank mo na hindi magsasawang ipaglaban ka
At maslalong hindi ako mag sasawang mag rank game habang kaparty ka
Dahil takot ako, Oo takot akong mawala yung mahalagang star na iniingatan ko.

Kaya sa mga nag momobile legend diyan
Huwag niyo igaya ang sarili niyo sa laro na pinaglalaruan niyo.
Dahil tao sila, may puso, may nararamdaman kagaya niyo
"Kaya pwede bang matuto kayong nilalaro niyo lang yung larong pinaglalaruan niyo!"

POEM POETRYWhere stories live. Discover now