WALANG LABEL

3 0 0
                                    

Huwag kang magreklamo kung matagal siyang magreply
Always remember di lang ikaw ang kachat niya
Huwag ka din magagalit kung di ka ma-mention sa mga sweet post
Kung ayaw mo sa bandang huli ikaw ay ma-ghost
Huwag din magreklamo kung di ka kayang imyday
Wag kang magagalit, much better to pretend to be okay
Pero sabagay di naman masamang umasa
Di naman masamang mangarap kung gusto mo talaga
Pero ang tanong gusto ka rin ba niya?
Kung sa tingin mong OO
edi magbigay ka ng motibo
Bakasakaling may pagasa pang maging kayo
Pero kung sa tingin mo naman ang patutunguhan ay wala
Oh come on let go na
Walang ngang kasigaraduhan bakit kapa aasa?
Di mo nga alam kung hanggang saan ang itatagal
Sabagay di naman masama ang sumugal
Lalo na't sa taong iyong pinakamamahal
Gano man kalabo di mo man alam kung ano ang patutunguhan
Huwag mo naman sana siyang bawalan
Dahil wala ka naman karapatan
Wala nga kayong label bakit mo pagbabawalan?
Pero ayos lang yan solid naman kung magbanatan
Oh ilag baka ika'y matamaan
Auto screen shot kapag sa banat ay kinilig
Di mo ba napapansin? Bawat araw ginagawa mo siyang daigdig
Siya na nga yata ang dahilan kung bakit ang puso mo'y malakas kung pumintig
At bago ka pumikit
Maimtim kang nanalangin na sana ay maging kayo
Wow grabe may nalalaman pang ganon di nga ikaw ang gusto
Ang payo ko lang huwag masyadong maging feleer
Di naman sa pagiging bitter
Wala naman talagang kasing forever
Lalo na't sa relasyong WALANG LABEL
Meron pa nga akong kilala
Ang lakass yung toyo kung magtampo
Tanong ko lang, meron bang kayo?
HAHAHA Diba wala? Wala ngang kayo bakit ka tumutoyo?
Yung isa nga jan panay suyo kala mo naman totoo
Minsan wag na din umasa
Huwag na din sanang maging tanga
Paghihintayin ka lang naman niyan ng kaytagal
Kung minsan nga sa iyo'y wala ng time
Always remember di lang niyan sa iyo'y nagrereply
Malay mo ginawa ka lang naman niyang tulay
Para mapalapit sa'yong kaibigan
Pero ok lang yon much better na alam mong ikaw ay nagseseryoso
Isipin mo!
Habang ikaw ay naghihintay ng kaytagal may nilalandi siyang bago
Samantalang ikaw umaasa paring magiging kayo
Sa part na minahal mo siya ng totoo
Alam mo bang ikaw ay panalo?
Sa oras na kayo'y nagbabanatan
Solid yung kilig na nararamdaman
Pero sana wag na kayong umabot sa puntong ika baliw niyo ang isa't isa
Dahil wala naman talagang forever sa relasyong alam niyong biro lang pala

POEM POETRYWhere stories live. Discover now