DEAD END

4 0 0
                                    

• DEAD END •|

Bakit nagkaganito?

Akala ko okay ang lahat
Bakit biglang nagbago?

Pano naman ako?
Yung unang nagmahal sayo?
Diba dapat ako lang?

Pero bakit biglang nagkaroon ng 'siya' sa kwento nating dalawa?

Diba dapat 'ikaw at ako lang?'

Minahal kita ng lubos
Halos ibigay ang sarili hanggang sa ako'y maubos

Umiiyak gabi gabi
Dahil sa hapdi
Hapdi na sa aking puso unti-unting yumuyupi

Unti unti ko na din napatagpi tagpi
Na iba ang gusto mo at ako'y hindi

Gusto 'kong kalimutan kana
Akala ko nagawa ko na.
Ngunit hindi pa pala.

Nais kong putulin ang lubid na dating
naguugnay sating dalawa na ngayo'y sabit nalang sa kwento nyong dalawa

Diba ang saya?

Ang saya mo na makita akong lumuluha,
Ang saya mo nung mga oras na kailangan ko ng panyo para sana ipamunas sa luhang pumapatak na galing sa aking mga mata na ang dahilan din lamang ay ang pagloloko nyong dalawa.

Nasaktan ako ng sobra,
Kasi akala ko ikaw na talaga,

Nagmukha akong tanga kase nga minahal kita kahit na alam ko na.
Minahal kita kahit na ganyan ka, minahal kita kahit na ang dami na ng sinasabi nila na dapat ikasira nating dalawa,

Pero umasa ako.
Umasa akong magbabago ka pero hindi pala.

Hindi mo ako magustuhan kase hindi ako sya.

Hindi mo ako magawang mahalin kase hindi ako sya.

Pero ngayon ayos na.
Tangap ko na
Ayos na ako.

Tangap ko na, na kahit kailan hinding hindi mo ako magagawang mahalin at gustuhin kase hindi naman '-----' ang pangalan ko.

POEM POETRYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt