BALANG ARAW

3 0 0
                                    

Balang Araw
Balang araw sabi mo may magbabago
Pero bakit mga salita mo'y tila nagbago
Pumanaw na nga ata ang mga pangako
Naudlot na,dapat ngayon ay may tayo

Pero wag kang mag alala
Akoy naririto nag aantay sayo
Nag-iintay na sana'y pangako mo'y matupad
Na sana'y pag-iibigan ay dina muling sumadsad

Halinat dumaong patungo sa reyalidad
Harapin na natin ang hinaharap
Sabay nating lakbayin ang madilim na dagat
Sana'y ito ay matupad balang araw

Mga imahinasyon ng nakaraan
Na pilit ko paring binabalik-balikan
Dahil ito lang ang bakas na iyong iniwan
Ang ala-ala ng ating nakaraan

Balang araw sana'y ako ay iyong balikan
Para mapunan natin ang ating nakaraan
Wag na tayong magpatigasan
Dahil ikay saakin lang pero balang araw...

POEM POETRYWhere stories live. Discover now