KAIININ MOKO

4 0 0
                                    

Sa loob ng kwarto minsan akong naka kumot,
Peru tinanggalan mo ako ng saplot.
Ipinatong mo lahat ng aking kauri
Kahit sa sikip, mababasag aking puri.

Ihagod mo ang yung kamay sa buo kung katawan
Damahin mo ang init dala ng karupukan
Itapat mo sa ilaw ng marahan,
Biyakin mo ako ng dahan-dahan.

Dila mo'y ihagod sa buo kung pagkatao
Nang malasahan mo sarap na makamundo.
Sipsipin mo muna ang tamis ng aking katas
Resulta ng labing-walong araw na paninigas.

Pwede mo kung patungan ng panlasa
Sa gayu'y ganahan ka sa aking timpla.
Medyo mapait at mabuhok sa umpisa
Peru pag nasisid mo na, tiyak masasarapan ka.

Gamitan mo naman ng kamay,
Pag basang-basa na'y 'hwag kang maglaway.
Biyakin mo ng makain mo ng buo
Lunukin mo pati puti sa dulo.

Kainin mo 'ko ng walang pag alinlangan
Pwede kang dumura pag may ibang nalalasahan
Kainin mo 'ko. Kainin mo na.
Lalo na at mura ang BALUTa na binibenta

POEM POETRYWhere stories live. Discover now